Chapter 26

158 2 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nasa balkunahe si Dara habang pinagmamasdan ang tanawin na nasa harap niya.

Ang ganda tignan ng city lights ng Seoul mula sa kinatatayuan niya. Parang mga bituwin sa langit.

Pagtingin niya sa taas nakita niyang bilog ang buwan.

Napangiti sya dahil sa kaunting bagay lang na ganito ay nakakaramdam na sya ng sobrang kasiyahan.

Pero alam niya, deep in her heart kung bakit masaya ang puso niya.

Naalala niya ang muka ni Jiyong at ang gummy smile nito at bigla syang napangiti ng malaki.

Maya maya pa ay nakaramdam sya ng braso na yumayapos sa kanya.

Natawa si Dara at naramdaman niyang pinatong ni Jiyong ang baba nito sa balikat niya.

"Ang ganda naman ng gabi." Bulong ni Jiyong sa kanya.

"Oo nga eh." Sabi ni Dara habang nakatingin sa buwan.

"Pero mas maganda ka." Bulong ulit niya kay Dara.

Naramdaman ni Dara ang init ng hininga ni Jiyong sa pisngi at leeg niya kaya napatingin sya sa gilid niya kung saan nandoon ang muka ni Jiyong.

Ngumiti si Jiyong sa kanya at saka hinalikan ang labi ng dalaga.

Sa bilis ng pangyayari ay nanlaki ang mga mata ni Dara.

Nang mahimasmasan hinampas ni Dara ang braso ni Jiyong na nasa bewang niya. 

Tumayo ng tuwid si Jiyong at pinaharap sa kanya si Dara. 

"Hi." bulong ni Jiyong ng humarap sa kanya ang nakangiting si Dara at kinapitan ng mahigpit ang bewang ng dalaga. 

"Hi." sagot ng dalaga sa kanya. 

Nakalipas na ang 1 taon at masasabi nila Jiyong at Dara na masaya na sila. Finally, pagkatapos ng mga nangyari sa kanila masasabi nilang ngayon ang pinaka masayang nangyari sa buhay nila.

Pero kahit masaya na sila sa relasyon na meron sila. Patuloy parin tinatago nila Jiyong at Dara ang kanilang relasyon sa publiko. Bagay na hiniling ni Dara kay Jiyong dahil kahit matagal ng nakalipas ang issue na kinasangkutan niya noon may takot parin sa kanya. 

On the contrary, si Jiyong naman ay wala ng balak pang magtago pero dahil naiintindihan niya ang nararamdaman ni Dara napagdesisyonan niyang sundin ang hiling ni Dara. 

Isang taon na ding magkasama sa iisang bahay sila Dara at Jiyong. Habang  patuloy parin si Dara sa pag a-assist kay CL. 

Kasalukuyang gumagawa ng solo album si Jiyong kaya hindi na sya ganun ka busy ngayon habang pansamantalang nasa vacation si CL ngayon kaya nakapahinga din si Dara. 

"Pupunta pala ko kay eomma bukas." Paalam ni Dara kay Jiyong habang nilalagyan ng pagkain ang plato ng boyfriend niya. 

"Bukas? Anong oras?" tanong ni Jiyong. 

"Umaga after kasi dadaan din ako kay Cee." paliwanag ni Dara. 

"Si Chae?" natawa ng bahagya si Jiyong. 

Kumunot ang noo ni Dara. "Bakit?" 

"Love nasa Paris ngayon si Chae." paliwanag ni Jiyong.

Natigilan si Dara. "Anong nasa Paris? Panong nasa Paris, eh nag usap palang kami kahapon." 

Natawa ulit si Jiyong. Natutuwa sya sa cute na reaksyon ng girlfriend niya. 

"Kaya nga, kagabi sya umalis dito papunta doon." sabi ni Jiyong habang tumatawa. 

GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon