Chapter 24

146 3 0
                                    

Hindi ko maiwasang hindi paglaruan ang mga kamay ko na namamawis na habang naglalakad sa school hallway.

Buti nalang nasa klase na ang lahat ng estudyante ng dumating ako.

Kahit abot abot na ang kaba ko habang lumalakad palapit sa principal's office kailangan ko parin ipakita na hindi ako kinakabahan.

Kumatok ako at saka binuksan ang pinto.

Pag pasok ko ngumiti sakin si Mrs. Kim.

"Oh, iha buti naman at nakarating ka na. Maupo ka." sabi niya at tinuro ang upuan na naman harap ng table niya.

Naupo ako at ganun din sya. Saglit kaming tahimik, inaantay ko lang na magsalita sya. 

"Iha, alam mong tinuturing na kitang para ko ng anak simula palang nung simula kang nagturo sa school na ito. Hindi na din ako magpapaligoy ligoy pa, kahit masakit para sakin ito kailangan kong gawin." Lumapit sya at pinatong ang kamay niya sa lamesa. 

"Okay lang po Mrs. Kim. If you're going to fire me dahil sa issue na kinasasangkutan ko ngayon it's okay po." sabi ko habang nakayuko at nakatingin sa mga kamay. 

Huminga sya ng malalim.  "Iha I'm so sorry. Pero since nasasangkot ka ngayon sa issue na taliwas sa school's value i have to do this. I know i don't have a say sa personal life mo pero since alam na ng lahat ang nangyari pati mga parents and board of directors ay nagbibigay na ng opinyon about dito. I know as a principal i have the most say sa mga teachers sa school na to pero since nagsalita na board of directors i have obliged. I'm so sorry Sandy." 

As much as gusto kong umiyak dahil sa mga nangyayari kailangan kong magpakatatag. Tumingin ako sa mga mata niya. 

"I totally understand Mrs. Kim. Alam ko pong ginagawa mo lang ang trabaho mo." sabi ko at ngumiti ng matipid sa kanya. 

"Okay na po ba? May pag uusapan pa po ba tayo?" tanong ko habang pinapakalma ang sarili ko para wag umiyak. 

"Yes, that'd would be all." sabi niya kaya tumayo na ko. 

"Sandy." tawag ni Mrs. Kim sakin, paglingon ko nasa likod ko na sya. 

Niyakap niya ko. "It hurts me to do this Sandy. Mamimiss kita." sabi niya habang nakayakap sakin. 

Niyakap ko din sya at hinimas ang likod niya to assure na okay lang ako at ganun din ang ginawa niya sakin. 

"Mrs. Kim." tawag ko. 

"Hmm?" sagot niya sakin at humiwalay ng bahagya sa yakap namin para tignan ako. 

"Hindi ko po alam kung maniniwala kayo sakin pero hindi po totoo ang lahat ng pinaparatang nila sakin." sabi ko at yumuko ako. Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. 

Inangat ni Mrs. Kim ang muka ko para tumingin sa kanya.  "Alam ko iha at hindi mo na kailangan pang magpaliwanag. It's your business." 

"Alam nyo po? Pero bakit--" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil nagsalita na sya. 

"Dahil kilala kita at alam kong hindi mo magagawa yun." sabi niya sakin habang hinahawi ang buhok ko palayo sa muka ko. 

"Maraming salamat po." sabi ko habang umiiyak at nakatakip ang kamay ko sa bibig ko. Niyakap niya ulit ako. 

***

"Ano?! Pero unnie-" panimula ni Cee.

Hinawakan ko sya sa balikat niya.

"Cee, relax. Inhale, exhale. I guess it's for the best." Sabi ko habang nakayuko at naglakad palayo sa kanya.

Nasa apartment na kami kung saan muna kami tutuloy habang hindi pa tumitigil ang media sa panghaharas samin.

GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon