Chapter 17

141 5 0
                                    

JIYONG POV

Masaya ako sa ginagawa ko. No, I'm not just happy but I'm grateful also.

Bata palang ako pangarap ko ng magperform sa harap ng maraming tao at magbigay ng saya at inspirasyon sa kanila.

Siguro nga isa ko mga maswerte na nabigyan ng pagkakataon na marating at makamit ang pinapangarap nila. Hindi na dapat ako magreklamo di ba?

Hindi na ko dapat humiling pa ng iba dahil abot kamay ko nalang lahat ng mga bagay na gusto ko and I'm living my dream.

Pero ang hindi ko alam habang unti unti kong inaabot ang pangarap ko may mga bagay at mahalagang tao akong naiiwan.

Nakatingin ako sa taas para abutin ang bituwin ng pangarap ko pero kailangan kong isakripisyo ang bagay na mahalaga sakin para maabot ko ang pangarap na yun.

At isa sya dun. Isa si Dara sa sinakripisyo ko para maabot ko ang pangarap ko.

I guess we can't have everything we want to.

Pero ngayon na nasa tayog na ko ng tagumpay hindi ko parin maiwasan na hindi malungkot.

Nasa taas nga ako pero i had no one. Alam ko nandyan sila Taeyang, TOP, Daesung at Seungri pero meron paring kulang sakin. Hindi parin ako masaya.

Alam ko deep inside kung ano yun pero mas pinipili kong wag pansinin at itago iyon sa pinakaloob ko.

Nasa stage ako ngayon. Nakikita ko silang lahat. I can see the yellow ocean filled with our beloved VIPs.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa pagmamahal na binibigay nila samin.

Hindi ko alam kung anong ginawa namin at ganito katindi ang pagmamahal nila samin.

Hindi ko mapigilan ang malaking ngiti na ginagawa ng bibig ko. Na overwhelm ako sa respond nila samin.

Sa bawat cheer, fanchants, at pagsabay nila sa mga kanta namin. Sandali kong nakakalimutan ang mga problema ko. As much as thankful sila samin dahil sa maraming rason. Thankful din ako dahil sa kanila.

Dahil sa kanila nakakangiti ako genuinely without forcing to do it. Dahil sa kanila naabot namin ang mga bagay na nakamit namin ngayon.

Encore na at pede na namin gawin ang mga bagay na gusto naming gawin on stage.

Habang kumakanta sila naupo ako sa edge ng stage sa harap. Nagsigawan ang mga VIPs na nasa harap ko.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Pinatong ko ang baba ko sa kamay ko at tinitigan sila isa isa.

Yang mga ngiti na yan. Yang mga sinagawan na yan. Yan ang nagbibigay ng lakas sakin kahit ramdam na ramdam ko na ang pagod bigla akong nagkakaroon ng lakas para humarap sa kanila at mag perform.

At may nahagip ang mga mata ko. Katabi niya ang isa sa mga staff, nasa gilid sya at kausap niya ito.

Nakangiti sya ng malaki habang nakatingin kay Seungri na kumakanta sa harap niya.

Napangiti din ako. My heart skip a beat dahil lang sa ngiti na yun.

Ito yung hindi ko nakita for the pass 10 years na magkahiwalay kami. Ito yung namiss ko.

At ito yung inaasam kong ako yung maging dahilan kung bakit sya ngumingiti ng ganyan.

Pero parang isang malaking biro ng tadhana, ako na minsang nagpapangiti sa kanya ng ganyan ngayon ay hindi na niya mabigay sakin.

Tumayo ako at pinagpatuloy na ulit ang performance namin.

---

THIRD PERSON'S POV

GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon