Chapter 27

145 4 0
                                    

"Yes, okay naman sya pero i think mas okay sya kung in korean. What do you think?" tanong ni Mr. Yang habang pinapakinggan nila ang isa sa mga kanta sa solo album ni Jiyong. 

"Para sakin mas okay na tong english part para at least maka relate din sa kanta yung mga international fans." paliwanag ni Jiyong. 

"How about you Choice? Ano sa tingin mo?" tanong ni Mr. Yang. 

"Para sakin Mr. Yang, I'll go with english version nitong chorus. Tama si Jiyong mas okay na meron tayong english. Mas diverse kasi pag ganun." komento ni Choice. 

Tumango si Mr. Yang. "How about you Chaerin?" 

Nanlaki ang mga mata ni CL. "Ako? Do i have a say to this?" 

"Yes, dahil ikaw ang kakanta ng chorus." sagot ni Mr. Yang. 

Tumingin si CL sa tatlong lalaki na nasa harap niya. "Ahm... well okay sakin yung english Mr. Yang. "

"Okay let me hear it again. Yung english version." sabi ni Mr. Yang. 

Pinatugtog ulit ni Choice ang kanta at tahimik silang nakikinig ng biglang pumasok si Dara. 

Tumingin sila lahat kay Dara kaya naman nag bow si Dara sa kanila at saka sya umupo sa tabi ni CL. 

"Okay. I think it's better. Let's do the english version." sabi ni Mr. Yang. 

Lahat sila ay napangiti. Maya maya pa ay nagpaalam na si  Mr. Yang sa kanila. 

Nang silang apat nalang ang natira sa studio sinabayan na ni CL ang chorus habang tumutugtog ang music sa buong studio. 

Si Jiyong naman ay tumayo sa harap ng monitor at lumalakad papunta sa sofa kung saan nakaupo si Dara at umupo sa likod ni Dara habang yapos ang dalaga mula sa likod. 

Pinatong ni Jiyong ang baba niya sa balikat ng dalaga. "Ano sa tingin mo?" 

"Anong ano sa tingin ko?" tanong ni Dara. 

"I mean, maganda ba yung kanta?" tanong ulit ni Jiyong. 

Ngumiti si Dara at nilingon si Jiyong mula a likod niya saka hinawakan ang magkabilang pisngi ng binata.

"Lahat ng kantang ginagawa mo ay maganda dahil ikaw ang king of kpop. Well... that's BigBang pero ikaw ang leader so king ka na din."  Sabi ni Dara at natawa naman si Jiyong.

"You starting to sound like my fangirl. Are you my fangirl or my girlfriend?" Tukso ni Jiyong sa dalaga.

Natawa si Dara. "I'm selfish so pedeng both?"

Natawa ulit si Jiyong and pecked her on the lips.

Maya maya pa ay tumunog ang phone ni Jiyong.

Bago sagutin ng binata hininaan ni Choice ang volume ng music at saka sinagot ni Jiyong ang tawag.

"Yes Youngbae?" Sagot ni Jiyong.

Saglit hindi nagsalita si Jiyong na nakikinig sa sinasabi ni Youngbae sa other line.

"What do you mean? Anong picture? Anong news?" Tanong ni Jiyong habang nakakunot ang noo niya.

Nakatingin naman sa kanya sila CL, Choice at Dara.

Hinigpitan ni Jiyong ang kapit sa bewang ni Dara ng ipaliwanag sa kanya ni Youngbae ang nangyari.

"Sige ipasa mo sakin. Salamat." Sabi ni Jiyong saka binaba ang tawag.

"Anong nangyayari?" Tanong ni CL.

Huminga ng malalim si Jiyong saka tumingin kay Dara.

Biglang kinabahan si Dara. Hindi niya gusto ang ganung tingin ni Jiyong.

GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon