Chapter 4

163 4 2
                                    


Naglalakad ako pauwi sa Condo. Galing ako sa bookstore para naman may mabasa ako. At makalabas na din.

Pagtawid ko sa kabilang street. Ang daming tao. Nagkakagulo sila. May nag pipicture at nagsisigawan.

Wow. May artista ba? Tanong ko sa isip ko. Lumapit ako sa nagkakagulong tao. Baka kasi kilala ko yung artista. Haha! Maki-chismis lang.

Paglapit ko. Hindi ko makita. Ang daming tao. Impossibleng makita ko kung sino yun.

Sa pagka-dismaya ko. Umalis nalang ako. Habang naglalakad ako. Bigla nalang may nakabangga sakin at nalaglag ang dala kong libro. Nadumihan pa ang sapatos at pants ko dahil sa pagkakaupo sa daan.

"Argh! Di kasi tumitingin eh." Sambit ko.

Pagkatapos kong makuha ang mga libro ko na buti naman at hindi nasira o nadumihan.

Pumasok ako sa malapit na cafe at pumasok sa restroom.

Habang pinupunasan ko ang sapatos ko. May babaeng bigla nalang pumasok sa cr at nilock ang pinto.

Hingal na hingal sya. Mukang may pinagtataguan.

"Excuse me." Sabi ko.

Napatalon sa gulat ang babae na pati din ako ay nagulat kasabay niya.

"Who are you?" Tanong niya.
"Ah, I'm Sandara Park. Who are you?" Tanong ko.

Hindi ko makita ang muka niya dahil naka-cap sya at naka shades.

"Are you with them?" Tanong niya sakin.

"What? Who's them? Im the only one here. Why did you lock the door? Is someone after you?" Tanong ko.

Hindi sya nagsasalita. Nakatitig lang sya sakin or so i think. Hindi ko kasi makita mata niya.

"You're not look like your with them." Sabi niya.

At lumapit sya sakin. At inabot ang kamay niya.

"Hi. I'm Kiko Mizuhara. Nice to meet you Sandara. Right?" At ngumiti sya.

Napatitig lang ako. This is not happening. Why? Of all people. Teka, sya ba yung pinagkakaguluhan ng mga paparazzi sa labas?

Waah! Anong ginagawa niya dito sa Korea? Bakit sya nandito? At bigla kong naalala yung mga pictures na kuha sa date nila kuno.

I gasped.

"Are you okay?" Tanong niya.

Tumango lang ako. She walk pass me at pumunta sa harap ng salamin.

Tinanggal niya ang cap at shades niya. And here she is.

Ang muka at ang ngiti ng isang Kiko Mizuhara.

Napatingin sya sakin mula sa salamin.

"Miss are you sure your okay? Sorry did i scare you or something?" Tanong niya.

Mukang nag woworry na sya sa itsura ko ngayon. Well, hindi ko alam kung anong muka ang pinapakita ko ngayon.

Hindi ko alam kung maiinis ba ko o ma-amaze ba ko sa babaeng to.

Ang ganda niya at ang sexy. No wonder model at actress sya.

And no wonder nagustuhan sya ni...

Naputol ang pagiisip ko ng hawakan niya ko sa balikat.

"Hey, miss."
"Sorry. Im sorry. I just can't believe im seeing you right now." Sabi ko.

Ngumiti sya. "Its okay. Im sorry again."

GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon