Chapter 19

141 3 0
                                    

DARA'S POV

It's 7am in the morning. Yes. I know maaga pa pero since last day na ng BigBang dito sa Pilipinas. Ito na yung huli kong chance para makabawi kay Ji.

Napagisip isip ko na hindi all the time kailangan kong gawin ang dapat.

Mahirap at masakit pero I've had enough of that situation already kaya ngayon susubukan kong gawin ang bagay na iniiwasan at pinipigilan kong gawin for the pass 10 years.

I'll spend this day with Ji. Hindi muna ako magiisip ng kahit ano.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Ji.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto. Lumitaw si Ji sa pinto. Half ng mata niya nakabukas habang ang isa ay nakapikit pa.

Gulo gulo ang buhok niya. "Hi, good morning Ji." bati ko sa kanya.

Nagulat siguro sya dahil biglang lumaki ang mga mata niya.

Humarap sya sa gilid at saka kinusot ang mga mata niya saka sya ulit humarap sakin.

"Hi." sabi ko ulit.

"D-dara?" tanong niya. Ngumiti ako.

"Yes. Ako nga. Antayin kita sa baba. Magbihis ka na. Aalis tayo." sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "Ha? San tayo pupunta?" tanong niya.

"Basta. We'll do normal things. Magbihis ka na. Oh, and don't forget to wear a disguise. You know face mask, cap or shades ganun." sabi ko sa kanya habang nakangiti.

Bumababa na ko sa lobby para antayin sya.

Pagbaba niya tumayo agad ako. Nakangiti sya sakin at ganun din ako.

"San tayo?" tanong niya. Halatang excited sya.

"Kain muna tayo." sabi ko at lumabas na kami sa hotel.

Dumiretso ako sa kanan at sya naman ay sa kaliwa. Napalingon ako sa kanya at ganun din sya.

"San ka pupunta? Dito tayo." sabi ko.

Nakakunot ang noo niya. "Pero nandito yung..." hindi ko na sya pinatapos magsalita.

"Alam ko nandyan yung kotse nyo pero sabi ko nga normal things yung gagawin natin di ba? So maglalakad tayo." sabi ko.

Nakita kong medyo nanlaki ang mga mata niya. Kaya napangiti ako.

Alam kong takot syang makilala pero dahil naka cap naman sya alam kong hindi din sya mapapansin. It's a good na simpleng damit lang suot niya.

Pero kahit ang simple lang ng damit niya ang pogi niya parin.

Ng hindi sya gumalaw lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa wrist saka hinila papunta sa pupuntahan namin.

Tahimik lang kaming naglalakad. Kahit hindi niya sabihin alam ko kinakabahan parin sya.

Kaya hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin sya sakin.

Ngumiti ako. "Relax ka lang. Just act normal. Samantalahin mo ang pagkakataon na magagawa mo ngayon yung bagay sa sabi mong kaya kong gawin na hindi mo kayang gawin." bulong ko sa kanya sabay ngiti.

Tumango sya at ngumiti din. Naglakad pa kami ng konti at sa wakas nakarating na kami sa destination namin.

Sa labas ng restaurant kami umupo para kahit pano ma-enjoy naman niya ang paligid niya ng mapayapa.

Hinihiling ko lang talaga na walang paparazzi sa paligid o kaya naman ay walang makakilala sa kanya.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon