Chapter 6

151 4 3
                                    

Hindi ko alam kung gano na ko katagal nakatitig sa kanya pero wala akong paki.

Sampung taon kong tiniis hindi tignan ang mukang to kahit sa mga posters at music videos.

Pero pag nakikita ko naman siya sa mga posters at MV akala ko kaya ko ng harapin sya sa personal pero mali pala ko.

I don't know how to act normal. Let alone hide my feelings anymore.

Gustong gusto ko ng humakbang and fill the gap between us.

Para yakapin at maramdaman ko ulit sya at paniwalain ang sarili ko na totoo ang lahat ng to.

Na nangyayari talaga to ngayon. Pero hindi ako makagalaw.

Siniko ako ni Cee. Hindi ko alam kung pano sya napunta sa gilid ko pero it helps me recover.

"Ahm, Hi Ji." I smile a little at tinanggal ko na ang pagkakatingin ko sa kanya.

Tumingin ako sa mga tao sa paligid ko.

Lahat sila nakatingin samin. Aminin ko man o hindi pero once a upon a time, not so long ago our relationship is an open book to everyone lalo na sa mga tao na nandito ngayon.

Pero kahit alam ng lahat na may relasyon kami dati. I know magulo at hanggang ngayon tinatanong parin nila kung bakit hindi kami nagtagal.

They could only guess but they never really know what happen. Pwera nalang siguro kung nakwento ni Ji yun sa kanila.

But honestly kahit ako hindi ko na din maalala kung bakit kami naghiwalay or kung may official break up ba talaga kami. Ang tagal na panahon na din kasi.

Ang dami ng nagbago. Lalo na sya. Ang laki na ng pinagbago niya. As in ang LAKI.

Pati ang puso niya nagbago na din.

Tinuon ko ulit ang pansin ko sa mga taong nakapaligid samin.

Parang inaabangan nila yung susunod na mangyayari sa reunion na to.

Parang gusto kong matawa sa mga itsura nila.

Pero kahit din siguro ako inaantay ko kung ano yung susunod na mangyayari.

Kasi nakatitig lang din sya sakin simula ng nagsalita ako.

"Hi guys!" Lahat kami tumingin sa pinto.

Nakatayo dun si Kiko. Lumapit sya samin.

At nung makita niya ko. Patakbo syang lumapit sakin at niyakap ako.

"Thank you so much for helping me out today." Sabi niya.

At naghiwalay na kami ng yakap.

"And of course for helping me come here in YG to see my Jiyong." Dagdag pa niya sabay ngiti ng malaki at tingin kay Ji na ngayon ay nasa likod na niya.

"Its no problem." Sagot ko.

Parang akong sinapak sa nakita at narinig ko. Gusto ko ng umalis sa lugar na to. Feeling ko its too crowded for the three of us.

Nangangati na ang mga paa kong maglakad kaya tinignan ko si Cee para ayain syang umalis but apparently my bestfriend is busy thinking of ways kung pano paalisin si Kiko.

Ang sama kasi ng tingin niya kay Ji at Kiko.

Paglingon ko kay Kiko nakita ko na naguusap sila ni Ji.

Hinawakan ko sa braso si Kiko.

"Kiko. Excuse me." Napansin kong lumingon ang lahat samin at tumigil sila sa ginagawa nila including Ji.

GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon