Chapter Two

365 13 1
                                    

Chapter Two

~ Disagree ~

Doey's POV

Annyeong :) Ako si Doey Soo. Anak ako ni Mom sa first Husband niya. Si Chester kambal ko. Twenty two na kami. Kuya namin sila Xavier at Larkins tapos ang maknae namin si Kaine. Si Xavier at Larkins naman twins din. Galing no? Actually mahirap iexplain pero iba iba kami ng apelyido. Pati yung mga anak ni Tito iba-iba din. Basta magulo. Sabi nila kambal kami ni Chester pero parang hindi naman pero di namin pinapansin yun. Basta magkakapatid kami. Tapos ang usapan. Di ko nga alam kung kapatid ko ba maituturing sila Kristoff. Were not blood related pero magkakakilala na kami noon pa man. Si Kisha matagal ko nang kilala. Matagal na naminh kilala. She was known as the princess of our school. Yes, same school kaming lahat. Yun kasi ang sabi sa amin. Magmasid daw kami kay Kisha at sa ugali niya. Kanina pa tapos yung dinner at nandito na kami sa bagong bahay.

"Pakiabot yung remote, Reply 1994 na." sigaw ni Seven kay Kaine. Eto namang si Kaine tinakbo yung remote.

"Wag kang magulo Kaine, nagluluto ako." saway ko sa kay Kaine. Pano kasi tumakbo dito sa kusina.

"Sorry hyung. Ano ba niluluto mo?" tanong nito sa akin.

"Popcorn at Hotdogs." sagot ko.

"Wow ang sarap niyan. Ano to?" turo niya sa meat buns na ginawa ko.

"Meat buns yan para kay Xavier Hyung."

"XAVIER HYUUUUUNG. MAY MEAT BUNS DITO OH.!!!" sigaw ni Kaine mula sa kusina.

"MERON?!" sigaw ni Xavier mula sa sala. Narinig ko naman ang yabag na patakbo. Nakita ko na hinihingal si Xavier. Agad agad siyang kumuha ng meat buns at sinubo sabay balik sa sala.

Natatawa na lang ako. Napakasaya namin. Sana lang ganito pa rin kami sa pagdating dito ni Kisha.

"Hoy Kaine baka maubos na yung pagkain." suway ko sa kanya. Inuubos na yung hotdog. Kain ng kain kasi. Nagpeace sign lang siya tapos bumalik na din sa sala.

"Sir Doey kami na po ang maghahatid nito sa sala." sabi ni Manang. Opo may kasama kami dito para hindi daw kami nahihirapan dito. Tumango na lang ako at bumalik sa sala. Tumabi ako kay kambal na nakikinig lang ng music.

"Pakinig." sabi ko sabay hablot nung kabilang earphone. "Anong kanta to?" tanong ko.

"My Lady ng EXO." simpleng sagot niya. Tahimik lang kaming nakikinig. Pagod ako sa pagluluto eh.

"Hoy tara na. Mag movie marathon na tayo." sigaw ni Manong Kapre.

Kanya kanya na kami ng pwesto. Kanya kanya na din sa pagkuha ng pagkain. Sinalang na namin yung palabas. Miracles in Cell No. 7 yung panonoorin namin.

Nasa kalagitnaan na kami ng pelikula ng mapansin ko si Leo. Natutulog pala mula kanina. Hahaha. Si Chester naman nakasandal kay Bryan. Si Kristoff? Umiiyak?! Umiiyak yung kapre. Hahaha halos lahat kami umiiyak except kay Seven na poker face lang. Nalipat yata ni kapre yung poker face niya kay Seven eh. Ako para hindi obvious, may panyo na ko sa mukha ko. Hahahaha. Ready eh.

Natapos na namin yung movie at nagligpit na kami. Sabay akyat sa kanya-kanya naming kwarto para matulog. Eto na ang last day na medyo masaya kami dahil nandito na ang prinsesa simula bukas.

---------

-KINABUKASAN-

Larkin's POV

Lahat kami busy sa pag-aayos paa sa school bukas. Yung iba nasa baba na. Kami nila Seven, Chester at Xavier hindi pa.

"Hyung tara na." sabi sa akin ni Seven. Bumaba na kami at saktong pagbaba namin, dumating na si Kisha na naka cross arm.

"First of all, nandito ako kasi wala akong choice. Hindi tayo close. Hindi niyo ko pwedeng kausapin unless importante. Ayokong maingay at makulit. Ayoko din ng madumi sa bahay at mga pakialamero. Kapag oras ng kainan, sa taas ako kakain. Wag niyo kong pipilitin na sabayan kayo dahil mahihirapan lang kayo. Uuwi ako kung kailan ko gusto. Wala na akong pakialam kung mag-alala kayo or hindi. Pagnasa school, don't talk to me or come near me. When it comes sa pagpasok sa school, sa harapan sa van ako uupo. Those are my rules. Kung ayaw niyo sumunod bahala kayo. Dalian niyo na at ayokong malate." tumalikod na siya sa amin. "Oh and I almost forgot, Disagree pa din ako sa idea ngDad at Mom ko. Disagree pa din ako sa fact na may mga kapatid ako because unang una, ayokong may kahati sa atensyon." at tinalikuran niya kaming lahat. Pagsakay namin sa sasakyan, nasa harapan siya at sa buong byahe namin, di siya nagsalita.

Hanggang kailan kaya siya magiging matigas sa amin? Disagree man siya sa amin ngayon, balang araw magiging Agree na rin siya. All we have to do is to wait for that moment.

Her Unbelievable Brothers (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon