Chapter Nineteen
~ Another way around ~
Kisha's POV
Kakauwi lang namin galing park. Ako, si Kuya Doey, si Sofia at Kuya Leo ang magkakasama. Nakinig kasi kami sa usapan nila Seven at Angela.
Yes! Plan lang po yung nangyari kanina. As in planado yun from the very start. Di ba kayo nagtataka kung bakit may bola dun agad? Bola yun ni Seven. Hahahaha xD Even Seven knows our plan. Syempre kasabwat namin siya eh. Alam niyo ba yung plano namin ni Kuya Doey?
*FLASHBACK*
Habang nakaupo kami may binulong si Kuya Doey sa akin.
"Sis! Paglapitin natin si Seven at Angela sa ganitong paraan. Alam ko kasi, kapag malungkot si Angela, pumupunta siya dun sa park na malapit sa atin. Ang gawin natin, kakausapin ko si Seven tapos sasabihin ko na i-comfort niya si Angela. In that way, magugustuhan siya ni Angela at makaka move on agad siya kay Larkins." so yun ang plano namin. Kaya ako ginawa ko yung part ko at si Kuya Doey naman at Sofia, ginawa yung napag-usapan namin.
*end of FLASHBACK*
Pero alam niyo ba kung saan kami nagulat? Di namin ine-expect na liligawan ni Seven si Angela. Well hello?! Wala po kasi sa plano yun eh.
"Yow thith kanina pa kayo?" napalingon naman ako sa lalaking nagsalita sa likod ko na sobra kung makangiti.
"Kanina pa. Ano yung kanina ha Seven? Liligawan mo talaga si Angela?" tumango naman siya. "Wala sa plano yun ah?"
"Tho? Tha maikling orath naming magkathama ni Angela, believe it or not, naguguthuhan ko na thiya. Theryotho ako tha thinathabi ko ha." ngumiti naman ako sa kanya at inakbayan siya.
"Sows! Binata ka na talaga Seven. Goodluck sayo." after nun umakyat na ako sa kwarto ko. Kasi may aayusin po ako. Alam niyo kung ano? May event kaming pupuntahan ng Kapre kong Kuya at ni Kuya Doey. Lilipad kami papuntang London the day after tomorrow. Excited lang ako ng sobra.
Pag-akyat ko ng kwarto may nakita akong isang box. Pagbukas ko ng karton may nakita akong isang kwintas.
"Nagustuhan mo?" sabi sa akin ni Kuya Travis. Tumango naman ako. Ang ganda kaya!!
"Para saan to?" tanong ko naman. Hindi ko kasi birthday eh.
"Wala lang. Nung nakita ko kasi yan sa mall kanina, ikaw una kong naisip. Alam ko kasi how much you value your time kaya hourglass necklace ang binigay ko sayo." sabi naman niya. Ayy nakakatuwa.
"Ang sweet mo naman Kuya. I love it… Thank you so much." kiniss ko siya sa pisngi at lumabas na siya ng room ko.
Minsan iniisip ko, ano kaya ang dahilan ng diyos para bigyan ako ng mga kapatid na sobrang babait at sobrang gwapo. May bigla tuloy akong naalala kaya lang medyo malabo sa akin yun. Haaaay -_-
*TOOOOK TOOOOK*
"Pasok." hindi ko na pinansin ang pumasok sa kwarto ko kasi busy talaga ako sa pag-aayos ng mga gamit ko eh.
"Busy ka masyado ah." sabi sa akin ni Kuya Leo.
"Ou nga Kuya eh, ano pala gusto mong pasalubong?" tanong ko sa kanya.
"Yun oh! Buti naman naisipan mo talaga akong tanungin." hahaha xD Tignan mo tong si Kuya.
"Syempre naman Kuya. Ikaw pa ba? Ano ba gusto mo? V-neck tshirt?" tanong ko sa kanya.
"Wow paano mo nalaman na yun yung gusto ko?"
"Di ba bata pa lang tayo yun na yung hilig mo?" sabi ko kay Kuya.
O_o? Nanlaki ang mata ni Kuya sabay yakap sa akin.
"Naaalala mo na ako Kish? Naalala mo na yung mga memories natin nung mga bata pa tayo?" nagulat naman ako sa sinabi ni Kuya. Teka nga? Hindi ko rin alam kung saan ko nakuha yun eh.
"Kuya sorry po! Bigla lang siyang lumabas sa bibig ko eh."
"Ay akala ko na aisshh wala pala. Sige alis na ko." kiniss niya ko sa pisngi. There's something weird going on kay Kuya Leo. Pero ang pinagtataka ko eh yung sinabi ko.
--------
Seven's POV
Hindi na ako mapakali. Alam niyo ba na plano namin yung kay Angela? Pero tinamaan ako sa kanya eh. Naiinis lang ako kasi bakit kailangan ko pang pumayag sa plano ng mga kapatid ko.
Paano kung sa future, malaman ni Angela yung naging plano namin? Paano ko sasabihin na hindi plano yung panliligaw ko. Paano ko sasabihin na may naramdaman ako sa kanya. Napakagulo naman.
"So inlove ka na nga sa kanya?" napatingin naman ako kay Larkins hyung.
"Ha?" napatanong ako
"Wag kang mag monologue ng malakas. Hahahaha! Naririnig ko." tinitigan ko naman siya ng masama. "Easy lang! Hindi ko kasalanan na marinig ka. So ano? Seryoso ka na ba talaga Seven?"
"Ou naman hyung. Hindi ko nga ine-expect eh. Pero alam mo, thank you tha pananakit kay Angela ha. Kathi if hindi nangyari yun, hindi ko mahahanap yung babaeng maguguthuhan ko." napangiti naman siya sa sinabi ko.
"Hindi ko sinasadyang saktan siya, pero I'm glad na in good hands mapupunta si Angela." after that umalis na siya.
"Seeeeeeveeeeen!!" sigaw naman ni Xavier hyung sabay talon sa akin.
"Ano ba hyung?!" iritang tanong ko.
"Base on my research, mahilig sa sunflower si Angela. Yun yung pwede mong iregalo sa kanya pag nanligaw ka na." napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Hoy!!! Anong ligaw yan? Bakit hindi ko alam yun?" sigaw naman sa akin ni Kristoff hyung.
"Pwede ba? Wag ka nang mangialam sa lovelife ni Seven. Hayaan mo na siya." suway naman ni Margaux kay Kristoff hyung.
"Ou nga! Ikaw talaga hyung. Tsk tsk.!! Tol halika saglit." sabi naman ni Kaine tapos sabay hinila si Margaux. Napaisip ako, buti hindi nagseselos si Kristoff hyung kahit nag-uusap sila Margaux at Kaine.
"Osya sya! Pinagkakaisahan niyo na naman ako." sabi naman sa amin ni Kristoff Hyung.
"Sowwwwss!!! Nagdrama ka na naman Kuya. Tara let's eat na! Gutom na ako eh." sigaw naman ni Kisha.
Habang kumakain kami wala silang ginawa kundi intrigahin ako. Haaaay!!!
After namin kumain, nagkanya kanya na sila. Si Kristoff hyung at Margaux nandun sa garden, nag-uusap. Si Doey hyung at Sofia nasa poolside, kumakain. Si Kaine umalis, pumuntang bar kasama nung katherine. Si Travis, nagwu-wushu. Si Xavier hyung, kumakain na naman. Si Chester hyung nasa sala kasama ni Yuri. Si Charles hyung kasama si Hannah, nasa music room sila, nagpra-practice para sa competition. Si Leo hyung, Larkins hyung, Bryan hyung at Saturn hyung nasa labas naman at nagba-basketball. Ako? Heto, kausap sa facebook si Angela.
Angela : Matulog ka na! May pasok pa tayo bukas.
Seven : Bakit ba pinapatulog mo na ako? Usap muna tayo.
Angela : Antok na ko eh. Pero bukas we can talk kahit anong oras. Goodnight Seven. Mwah :*
Seven : Goodnight din. :) I love you ♥
Angela : Stop making me kilig :) Gue night night na ^_^
Tapos naglog out na siya. Maraming nangyari ngayong araw na to. Nagstart ang lahat sa isang plano but everything turns another way around. I fall in love with her sa maikling oras na nakasama ko siya.
BINABASA MO ANG
Her Unbelievable Brothers (SLOW UPDATE)
FanfictionShe's perfect but her life turned upside down when her life, space, and privacy was invaded by twelve handsome boys who will change everything about her.