Chapter Six
~ The Plans Part 1 ~
Chester's POV
Nandito kaming lahat sa dining area at kumakain ng breakfast. Lahat kami. At pag sinabi kong lahat, kasama namin si Kisha. Nandito siya ngayon nasa dulong upuan at katabi si Doey.
*Flashbacks*
Bumaba kaming sabay sabay para mag-almusal. Dun kami sa dating pwesto namin ... Sa may dulo sa left side nakaupo si Tristan tapos sa harap nun bakante tapos dun yung pwesto ni Doey sa tabi nun.
"Goodmorning Guys. Goodmorning Kuya Doey." O_o <--- mukha naming lahat sa narinig namin. Napatingin kami sa nagsalita at nakita namin si Kisha. Umupo siya sa tabi ni Doey at sila lang ang nag-uusap.
"Bakit si Doey lang tinawag mong Kuya?" tanong ko. Syempre nainggit ako eh.
"Eh gusto niyo din?" tanong niya sa amin.
"Ou naman." sagot naman ni Tristan.
"In one condition, dapat may maibigay kayo sa akin na kahit anong bagay or something special na maa-appreciate ko."
*End of Flashbacks*
So ayun na nga habang kumakain kami nag-iisip ako ng bagay na pwedeng ibigay. And I know exactly what to give her.
-----
Xavier's POV
Ano kaya pwede kong ibigay sa kanya? Meat Buns kaya? Pero hindi pwede yun kasi makakataba yun sa kanya. Baka pag nagkataon, maging Fluffy Baozi din siya gaya ko.
"Ano ibibigay mo?" tanong sa akin ni Charles.
"Balak ko sana eh meat buns pero baka lalong mainis sa akin yun kasi nakakataba yun eh."
"Well goodluck sayo pero baka wag na ding foods kasi si Doey na nakauna dun kaya tignan mo siya, close na kay Kisha." sabi naman ni Bryan.
Ou nga bawal na yun pero ano kaya ibibigay ko? Ahhh alam ko na!!!
-----
Kristoff's POV
Bish please. Kailangan pa ba? Ang arte naman kasi niyang babaeng yan eh. Nakulangan pa ba kami sa effort? Pero sige alam ko na ibibigay ko... Talagang effort kung effort. Pero pag ayaw niya pa nun, bahala na.
----
Larkins' POV
Nandito kami ngayon sa van. Ang nasa harap ngayon eh si Kristoff. Nandito si Kisha sa likod kasama namin. Si Doey ang katabi niya sa kanan at ako naman ang nasa kaliwa.
"Gusto mo?" alok niya sa akin ng cookies na kinakain niya.
"Okay lang?" paninigurado ko.
"Ou naman." sagot niya sabay ngiti. Kumuha naman ako at nginitian siya pabalik. Pati yung ibang kapatid namin inalok din niya. Si Kristoff lang ang hindi.
"Alukin mo naman si Kristoff dun." sabi ko sa kanya. Umiling naman siya.
"Ayoko. Menopausal yun eh. Laging nakasimangot. Kakatakot." sabay pout. Ang cute.
"Subukan mo lang." sabi naman ni Doey sa kanya. Sinubukan niya at nginitian siya ni Kristoff.
"Di ba mabait naman yan eh. Mukha lang menopaus." biglang sabat ni Chester sa likod.
Nakangiti lang si Kisha the whole time. At alam ko na kung ano ang magandang iregalo sa kanya.
-----
Kaine's POV
Sabi sa akin ni Margaux, mahilig siya sa stuffed animals. So ayun yung ibibigay ko sa kanya. Isang cute at charming na stuff toy.
----
Third person's POV
Lahat sila kanya-kanya ng isip ng magandang regalo. Si Doey lang naman ang hindi kailangan magbigay dahil okay na sila. Sa kabilang dako naman, may isang tao na nag-iisip ng isang plano laban kay Kisha at sa mga kapatid niya.
BINABASA MO ANG
Her Unbelievable Brothers (SLOW UPDATE)
FanfictionShe's perfect but her life turned upside down when her life, space, and privacy was invaded by twelve handsome boys who will change everything about her.