Chapter Thirteen
~ Forgotten? ~
Margaux's POV
Nandito ako ngayon kasama si Kristoff sa Mini Garden ng school.
"Salamat ha!" sabi niya sa akin.
"Salamat saan?" tanong ko.
"Salamat sa pagbigay ng chance." napaisip ako bigla sa sinabi niya. Tama ba tong ginawa ko? Am I being unfair?
"Wala yun. Ako ang dapat magpasalamat sayo. Salamat kasi lagi kang nandyan para sa akin." ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Nagui-guilty talaga ako. Niyakap niya ako ng napakahigpit.
"Promise ko sayo hindi kita paiiyakin. Kapag ginawa ko yun, ako mismo ang lalayo sayo. Di bale ng ako ang masaktan wag lang ikaw." sa mga sinabi niya sa akin ngayon di ko alam kung matutuwa ba ako or maiiyak. Kaya ko kayang suklian ang pagmamahal niya? Natatakot akong saktan siya dahil alam ng diyos kung gaano siya kaimportante sa akin. "Halika na? May klase ka na eh. Baka magalit sa akin si Kisha dahil inaagaw kita sa kanya." natawa naman kaming pareho sa sinabi niya. Ou nga naman. Baka magalit sa kanya si Kisha.
Habang naglalakad kami, nakasalubong ko si Kaine kasama si Seven.
"Tol! Halika na!" tawag sa akin ni Kaine. Arggghh napakamanhid talaga. "Hoy Kristoff Hyung, inagaw mo na sa akin si Margaux ah. Inagaw mo na sa akin yung bestfriend ko." sabi ni Kaine. Bakit feeling ko may laman yung sinabi niya? Parang may something.
"Grabe ka naman! Di ko inaagaw bestfriend mo. Bestfriend mo pa din yung 'GIRLFRIEND' ko." sabi ni Kristoff. Yung totoo? Ano to? Parinigan? Hinalikan ako ni Kristoff sa pisngi. Tapos pumasok na ako sa clasroom. Pagpasok ko inalalayan ako ni Kaine sa upuan ko.
"Tol! Nagkaboyfriend ka lang naging blooming ka na ah! Hahahaha." all of a sudden sinabi niya na blooming ako. Dati naman di niya sinasabi yun pero bakit nung naging kami ni Kristoff sinabi na niya yun.
"Wag kang bolero tol, matagal na akong maganda." pagbibiro ko.
"Matagal ka naman ng maganda eh. Mabait pa at maalaga kaya nga napaka-swerte ni Kristoff sayo eh. Alagaan mo yung Kuya ko ah. Bagay kayo." tapos tumalikod na siya. Nag drawing sa likod ng notebook niya na di naman niya usually ginagawa. Pakiramdam ko talaga may laman yung sinasabi niya eh. Parang may kirot at sakit. Haaay! Ano ba Kaine? Pinagugulo mo na naman yung utak ko.
-----
Kaine's POV
Ang tanga mo naman Kaine eh. Akala ko ba lalaban ka pero bakit mo sinabi yun sa kanya? Bagay? Kami ang bagay ni Margaux at hindi sila ni Kristoff.
"Masakit?" bulong sa akin ni Krisha. Tumango ako. "Manhid mo kasi eh plus Tanga ka pa tapos Duwag ka pa tapos Mabagal ka pa. Ano ka ngayon? NGANGA!! Kung ako sayo, tell her how you really feel before it's too late." too late? Huli na nga!
"Huli na." simpleng sagot ko.
"Wag kang engot. Hindi pa yan huli, trust me alam ko. It's worth the try. Hindi pa huli ang lahat. May magagawa ka pa. Subukan mo lang lumaban hanggang kaya mo pa. Wag kang susuko sa isang bagay na gusto mo. Ikaw si Kaine di ba? Kapatid kita di ba? Wala sa pamilya natin ang sumusuko agad sa laban. Kapag sumuko ka.... Di kita kapatid. Baka ampon ka lang!!! Hahahaha :D" natawa naman ako sa sinabi niya then I realized one thing. Tama siya. Dapat di pa ko sumuko sa laban. Umpisa pa lang susuko na ko eh hindi ko pa naman sinusubukang lumaban. At papatunayan ko... Hindi ako ampon.!!! As soon as possible, magco-confess na ako. Aamin na ako sa babaeng mahal ko.
------
Leo's POV
Akalain niyo yun? Kasali pala ako? Sorry akala ko hindi eh. Hahaha. Anyway, mahirap mainlove no? Buti pa ako, single lang. Walang pinoproblema. Gwapo na, single pa. Pero hindi ako bakla ah. Si Bryan lang. Hahahaha. Joke lang. Wag kayo maingay ha. Nandito pala ako sa coffee shop sa labas ng school, nakiki-wifi lang :) May Wifi sa school kaso ayoko dun. Daming drama sa pamilya namin, di ko keri. As I was saying, nandito nga ako sa coffee shop, syempre bukod sa wifi, nagka-kape na din ako. Nagre-research pala ako para sa homework namin. Nakalimutan ko gumawa kagabi eh. Pasensya na, makakalimutin ako eh. Ay alam niyo ba na bukod sa coffee shop na ito, music store din to? Kaya dito ako nagpunta kasi yung homework namin, may kinalaman sa music. Galing no? Tumayo muna ako saglit at pumunta sa shelf kung saan ko dapat pakinggan yung song na napili ko para sa homework ko.
"Leo?" huh? may tumawag ba sa akin? Pagharap ko may isang babaeng nakatingin sa akin, lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap.
"E-excuse me? Sino ka?" tanong ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay?
"Anong drama yan Leo? Nakalimutan mo na ako? Look! I'm sorry for what happened before, di ko naman sinasadya na saktan ka eh, please patawarin mo ako." sino ba to?
"Sorry ha but hindi talaga kita kilala eh. Sino ka pala ulit?" hala umiiyak na siya. Anong gagawin ko?
"It's not my intention to hurt you but Leo please, stop fooling around. Alam kong kilala mo pa ako kaya stop pretending that you didn't know me kahit na kilala mo ako. Nasaktan kita, inaamin ko yun, pero nasaktan din ako. Yan ba ang ganti mo sa akin sa pananakit ko? Ang magkunwaring di ako nakikilala?" pinagsasasabi ba nito?
"Sino ka ba ha? Pasensya talaga pero di kita naaalala eh." lalo pa siyang umiyak at umiyak. Paano ba patatahanin tong babaeng to?
"Ako si Angelica, ex-girlfriend mo. If that's what you want then fine, I'm leaving. Paalam Leo." haaay sa wakas umalis na din ang madramang babaeng to. At take note, nagka-girlfriend pala ako?
------
Angelica's POV
Bakit ganun? Bakit siya nagpapanggap na nakalimutan niya ako? Bakit ganun siya? Hindi na ba ako mahalaga sa kanya? Papalabas na ako ng shop ng lingunin ko siya ulit. Di man lang niya ako pipigilan?
Habang papalayo ako sa lugar na yun, nakaramdam ako ng isang mahigpit na yakap mula sa likuran ko. Isang yakap na napakapamilyar. Isang yakap na matagal kong di naramdaman. Bigla na lang nagsituluan ang mga mata ko.
-------
Leo's POV
Nung makita ko siya na papalayo, may nagsasabi sa akin na dapat habulin ko siya. Kaya bago siya mawala sa paningin ko, hinabol ko siya at niyakap ng mahigpit mula sa likuran. Hinarap ko siya sa akin at nakita ko ang mata niya na umiiyak. Niyakap naman niya ako ng mahigpit.
"Leo sorry sa lahat. Please patawarin mo ako." nagsituluan na naman ang mga luha niya. Bakit parang ang bigat sa pakiramdam na makita siyang umiiyak.
"I'm sorry for doing this. Ito lang ang tanging paraan na naisip ko para pagaanin ang loob mo. Base sa mga sinasabi mo may kasalanan ka sa akin, kung ano man yun, pasensya na pero di ko talaga maalala eh. Kahit ikaw di ko matandaan. Sige mauna na ako." pagkatapos kong sabihin yun, bumalik na ako sa school namin.
Hindi mawala sa isip ko si Angelica. Ou alam ko na unfair ako. I used to love her before, but after what she had done to me, unti-unting nagbago ang lahat. Ou tama, nag pretend lang ako na di ko siya kilala para makalimutan ko ang lahat ng sakit na hanggang ngayon, dala dala ko pa din. Kanina, nung nakita ko siyang papaalis, naramdaman ko na naman yung kirot sa puso ko nung una niya akong iniwanan. Nung niyakap ko siya, ayoko ng bumitaw pero hindi pwede. Dahil kapag hindi ako bumitaw, mananatili pa rin ako sa masakit na nakaraan.
Aaminin ko, mahal ko pa din si Angelica, pero ayoko ng magrisk ulit, ayoko ng masaktan. Kaya hanggang maari mananatili siyang forgotten. Susubukan kong kalimutan siya at lahat ng ala-ala ko kasama siya. That's the best way para makapag move-on na ako. Ayoko nang manatili sa nakaraan ko, dapat ienjoy ko ang buhay ngayon. Di ko alam ang motibo niya sa pagbabalik niya pero ayoko na din intindihin yun.
If fate makes a move to bring us closer together, I will just pretend that I don't know her. Mas makakabuti na yun para sa aming dalawa. Mas makakabuti na hindi ko siya kilala. Para sa aming dalawa din yun.
BINABASA MO ANG
Her Unbelievable Brothers (SLOW UPDATE)
FanfictionShe's perfect but her life turned upside down when her life, space, and privacy was invaded by twelve handsome boys who will change everything about her.