Chapter Seventeen
~ Do I really have to do this? ~
Kisha's POV
Minsan iniisip ko kung tama ba na naging mabait ako sa mga kapatid ko? Sana di na lang ako naging mabait sa kanila -_- INAABUSO NILA ANG KABAITAN KOOOOO T_T Huwaaaah iiyak na ko :3
"Bhes sure ka ba na ikaw gagawa nun?" concern na tanong ni Margaux sa akin.
"Baka napipilitan ka lang Sis? Kami na ni Doey gagawa nun para sayo." awww ang sweet ni Kuya Chester. Pero ako ang dapat gumawa nun eh.
"Sorry guys pero ako ang dapat magsabi sa kanya nun. Ako ang nagpakilala sa kanya kaya ako din ang dapat magsabi sa kanya ng katotohanan." sabi ko. Sa loob loob ko dapat hindi ako pumayag eh. Ou bitch ako pero duh? Kaibigan ko yung posible kong masaktan!! Tanga talaga ng nakaisip nun!!!
"Alam mo girl hindi naman ikaw ang dapat gumawa niyan eh.! Siya dapat." sabi sa akin ni Sofia sabay nguso sa direksyon ng gwapo kong Kuya.
"Sa akin nga niya inutos eh." sagot ko naman.
"Yun na nga eh! Siya ang gumawa niyan kaya dapat siya din ang maglabas sa sarili niya sa sitwasyon na pinasok niya. Ano yun? Lokohan? Ayaw niyang saktan yung babae kaya sinabi niya na gusto niya yun tapos ngayon babawiin niya? Sasaktan din pala niya bakit hinayaan niya pa na mag-assume muna yung babae?" napaisip ako sa sinabi ni Sofia. Alam niyo ba na laging may point yang si Sofia.
"Tama kayo kaya lang kahit sino pa sa inyo magsabi nun, masasaktan niyo pa din yung babae. Bakit hindi na lang natin siya ipakilala sa iba? Kay Seven? Bagay naman sila." napaisip na naman ako sa idea na narinig ko, but this time, idea na yun nung pinsan ni Sofia. Si Hannah? Naalala niyo pa? Siya at si Seven? Pwede din.
So nag-usap usap kami kung paano namin paglalapitin ang landas nilang dalawa ni Seven.
Bumulong sa akin si Kuya Doey at natawa ako sa idea niya.
"Sure ka ba Kuya na magwo-work yun?" paninigurado ko.
"Pinagdududahan mo ba ako?" medyo >.<
"Hindi. Eto naman! Sige na kakausapin ko muna si Kuya. Hahahaha xD ... Bye." nagpaalam na ako at pinuntahan si Kuya Larkins.
Habang naglalakad ako sa hallway, nakasalubong ko na naman yung mga barkada ni Hera. Naalala niyo siya? Siya yung slut na kahalikan ng boyfriend ko. Ay mali! Ex pala!
"Hi Miss Kisha." bati sa akin ni Sapphire.
"Bumait yata kayo? Anyare?" himala kasi, binati nila ako. Nakakapanibago kasi.
"Lagi kasi kaming binubully nung naging barkada namin si Hera. Nung nagalit ka sa kanya, lahat ng tao nagalit sa amin. Tska wala naman kaming ginawang masama sayo. Never ka naman naming inaway." sabi naman ni Yuranich. Tama sila, hindi naman nila ako inaway, infact, mabait sila sa akin. Nung time na nag-away kami ni Hera, nung tinapunan niya ako ng juice, tinutulungan ako nila Sapphire at Yuranich kaya lang patago. Eto yung time na nagoanggap akong mahirap noon. First year palang ako noon. Hindi ko nga alam kung paano nila naging kaibigan yung si Hera eh.
"Wala naman sa akin yun eh. Pero may favor akong ipagagawa sa inyo, kung okay lang? Para na din makabawi kayo sa akin." lumapit sila sa akin at binulong ko ang plano ko.
"Akala naman namin pahihirapan mo kami. Kaya namin yan, kami nang bahala." tapos umalis na ako. Wait lang may pag-uusapan pa pala kami ni Kuya Larkins. Asan na ba yun.?
Naglakad-lakad ako sa paligid hanggang sa maaninag ko ang kagwapuhan ng kapatid kong yun.
"Kuya Larkins saglit." napalingon naman siya sa akin at hinintay akong makalapit sa kanya.
"Bakit Sis?" tanong niya.
"We need to talk in private, NOW!!!" kunwari galit ako :))
Pumunta kasi sa hide-out namin. Tapos pagkapasok namin, nilock ko yung pinto.
"Kuya! Ikaw na magsabi." nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Ha? Akala ko ba tutulungan mo ko?" tanong niya.
"Ou nga pero I had a plan, peri trust me makaka move-on siya agad. Basta all you have to do is tell her the truth. Kami na nila Kuya Doey bahala sa iba." nag-shrug naman siya.
"Haaay! Sige na nga! Basta make sure na makakalimutan niya ako agad ha." tumango naman ako bilang sagot. "Kailan pala natin gagawin yun?" tanong niya. Kailan nga ba?
*TOOOOK TOOOOK*
"Ngayon na, Kuya."
Tumakbo ako agad sa pinto at pinapasok sila Yuranich at Sapphire, kasama na din ng taong kailangang kausapin ni Kuya Larkins.
"Bebe, you and Kuya needs to talk kaya iiwanan na muna namin kayo. Bye!" nagpaalam naman na ako sa kanila at lumabas na ako agad ng hide-out.
"Salamat sa tulong." sabi ko sa kanilang dalawa.
"Wala yun.!" sabi naman nila.
"Girls wait lang. Gusto niyo bang maging official tropa ko.?" napangiti naman sila ng pagkalapad-lapad sabay tango. Nagpaalam naman na sila sa akin kasi may klase pa sila.
---------
Larkin's POV
Ang bilis naman. Mukhang planado nila lahat ng ito. Do I really have to do this?
"Oppa! May sasabihin ka daw sa akin?"
Kinakabahan na ako. Wew! Bahala na si batman. Eto na yun, heto na talaga. Hinarap ko siya sa akin at huminga ng malalim.
"Sorry pero yung sinabi ko sayo last time, hindi yun totoo." nagtataka siyang lumingon sa akin.
"Anong ibig mong sabihin Oppa?" tanong niya.
"Mahal kita pero parang kapatid lang. Ayaw kitang saktan pero may iba akong mahal." pumatak naman ang mga luha niya sa mata.
"A-akala k-ko huhuhu m-ma-mahal mo a-ako! Huhuhuhuhu." umiiyak pa din siya. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit at pinipilit na pakalmahin.
"I'm sorry talaga."
"Oppa masakit eh. Sobrang sakit. Sana nung una pa lang sinabi mo na agad para hindi ako nag-assume. Nagmukha lang akong tanga eh." wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak.
"Sorry na. Patawarin mo na si Oppa. Sana maintindihan mo ako. Mahal kita pero parang kaibigan lang. Hanggang doon lang tayo, hindi na tayo aabot doon sa gusto mo. Sana mapatawad mo ako. Importante ka sa akin at mahalaga ang feelings mo, kaya nga hangga't maaari, ayokong masaktan ka eh."
"Sinaktan mo na nga ako eh." bigla naman siyang tumalikod at tumakbo palabas ng hide-out. Hinabol ko siya
"ANGELAAAA!" lumingon siya sa akin na may lungkot at galit sa mata.
'patawad Angela. Naging mabait ka sa akin pero yung puso ko, hindi nito kayang tumibok para sayo. Patawad'
-----------
Angela's POV
"ANGELAAAA!" lumingon ako sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi pinigilan niya ako or kung maiinis ba ako kasi sinaktan niya ako.
Tumakbo lang ako ng takbo ng may nakita akong bola. Sa sobrang inis ko, hinagos ko ang bola. Pasensya na sa matatamaan. Galit ako ngayon.
Bigla akong naiinis ng makita ko si Seven. Ang close na kapatid ni Larkins.
"Bakit ka nambabato? Hindi mo ba nakita na may tao dun?" angal niya sa akin.
"Hindi." bwiset ako kaya don't talk to me. Bahala siya jan. Ayoko muna makipag-usapa kahit kanino kasi badtrip ako.
BINABASA MO ANG
Her Unbelievable Brothers (SLOW UPDATE)
Hayran KurguShe's perfect but her life turned upside down when her life, space, and privacy was invaded by twelve handsome boys who will change everything about her.