Chapter Eleven

182 7 1
                                    

Chapter Eleven

~ Unexpected ~

Margaux's POV

Nandito pa rin ako sa hide-out nila Kisha. Nandito din silang lahat pero sa abot ng makakaya ko, umiiwas ako kay Kaine. Kanina pa niya ko kinukulit pero layo ako ng layo. Buti na lang at tinutulungan ako ni Kristoff sa pag-iwas kay Kaine.

"Kape oh." alok sa akin ni Kristoff. Kinuha ko naman yung kape. "Tara sama ka sa akin." sumama ako sa kanya at pumunta kami dun sa may lakeside.

"Bakit tayo nandito.?" tanong ko sa kanya.

"Gusto lang kitang makausap at kamustahin." sabi niya.

"Weird ah. Halos everyday tayong magkakasama tapos kakamustahin mo pa ko? Naka-drugs ka no?" tanong ko sa kanya.

"Hahahaha. Hindi ah. Kakamustahin ko lang yang laman ng puso mo." puso ko? Masakit pa din.

"Okay lang ako." pagsisinungaling ko.

"Alam mo naman na alam ko kung okay ka or hindi di ba? Parang hindi kita kilala ah." Sabi niya. Ou nga pala, kilala niya ako mula ulo hanggang paa.

"Well, lucky you. Kasi kilala mo ko."

"Gaya ng dati?" tanong naman niya sa akin. Napatango naman ako sa idea na naisip niya. Pumunta kami sa lake at dumerecho sa may bangka na nandun. Like we always do before, para pasayahin ako, lagi niya kong dadalhin sa pinakapaborito kong spot sa school na to sakay ng bangka. Habang papalapit kami dun sa lugar, di ko matago yung mga ngiti ko. Ilang minuto pa ng makarating kami roon. Namamgha yung mga mata ko sa nakita ko na parang unang beses ko pa lang yun nakikita. Mas lalo ng lumabas ang mga ngiti ko.

"Ayan, mas bagay sayo yung nakangiti." sabi sa akin ni Kristoff. Inalalayan niya ako papunta doon sa may mini gazebo para panuorin ang mga swan na lumalangoy.

"Anong nakita mo sa kanya?" tanong niya sa akin. Ano nga ba ang nakita ko kay Kaine?

"Wala. Kasi pag mahal mo naman yung isang tao, hindi ka maghahanap ng reason kung bakit mo siya minahal di ba?" simpleng sagot ko sa kanya.

"Napakaswerte ni Kaine for having you." sabi niya ulit. Napakaswerte niya, siguro. Pero kanina pa may nagtatanong sa utak ko eh, di ko lang alam kung dapat ko bang tanungin yun sa kanya.

"Bakit?" tinaasan naman niya ako ng kilay. Bumuntong hininga naman ako at mas binuo ang tanong ko. "Bakit mo to ginagawa? I mean, bakit lagi mo kong tinutulungan pag may problema ako. Bakit lagi kang nasa tabi ko? Bakit?" ngumiti naman siya sa akin at umiling. Tumayo siya at naglakad-lakad. Hindi pwedeng wala lang eh. Tumayo ako at sinundan lang siya.

"Kasi masaya ako sa ginagawa ko. Makita lang kitang masaya, masaya na ako. Kapag malungkot ka, ganun din ako. You are a lady that should be treated like a Queen. Hindi ka dapat pinapa-iyak." sabi niya sa akin. I really don't get it. I don't understand.

"What do you mean?" lumapit lang siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Don't tell me?

O_o?

Impossible!!!

-----

Kristoff's POV

Tinanong niya ako kung bakit ko ginagawa sa kanya yun, the real reason ay masaya ako by helping her. Seeing her smile, masaya ako. She doesn't deserve him. Hindi siya bagay kay Kaine, sa akin siya bagay. All my life, itinago ko yung feelings ko sa kanya. Bata pa lang kami alam ko na si Kaine talaga ang gusto niya. Kaya lagi lang akong nakamasid sa malayo. Ang tanging ginagawa ko lang ay pangitiin siya. Yun lang ang tangi kong kayang gawin. Pero this time, I'm willing to risk everything just for her. Kukunin ko na siya kay Kaine, kahit hindi ako mahalin ni Margaux, basta mapasaya ko siya at mapangiti, ayos na para sa akin.

Her Unbelievable Brothers (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon