Chapter Ten

192 9 5
                                    

Chapter Ten

~ Friendzone ~

Kisha's POV

Goodmorning :) Late na ko natulog kagabi kasi may tinapos pa akong homework. Mabait kasi akong studyante. Well anyway heto ako ngayon sa cr. Tapos na ko maligo eh. Nagblo-blower lang ako ng buhok. Nakabihis na din ako. Nakapagmake-up na nga din ako eh.

"Kish, late na tayo. Halika na." sigaw ni Kuya Saturn mula sa labas ng kwarto ko.

"Wait lang Kuya ah. Gusto niyo mauna na kayo. Kaya ko naman magdrive eh." sigaw ko galing sa loob ng kwarto.

"Ayoko. Gusto mo sumabay ka na lang kay Kaine. Mas panatag pa ako kung may kasama ka." heto talagang Kuya ko napaka-caring. Minadali ko na ang pag-aayos at pumunta na sa sasakyan ko. Umalis na silang lahat, pumasok na. Si Kaine na lang ang naiwan. Opo, may sasakyan na kaming solo. Kaninang madaling araw lang dumating.

"Kanina ka pa nanjan?" tanong ko kay Kaine. Walang Kuya kasi ayaw niya. Maarte eh.

"Kahapon pa ko nandito." pilosopo?

"Yung totoo? Trying to be like Kuya Chester? Di bagay sayo yung ganyan." hahaha. Natawa naman kami pareho. Dun niya lang kasi narealize na nagaya niya pala si Kuya Chester.

Habang nasa byahe kami, naitanong ko yung status nila ni Margaux.

"Okay kami. Bakit mo natanong?"

"Alam mo bagay kayo." sabi ko sa kanya.

"Hay naku. Hanggang bestfriends lang kami. Nothing more nothing less kaya wag kang mag-isip ng kung ano-ano jan." tapos ginulo niya yung buhok ko.

"Seriously bagay talaga kayo. Ramdam ko yung chemistry niyong dalawa. Mas gusto ko nga siya kaysa dun sa malandi mong girlfriend. Dapat hiwalayan mo na yung girlfriend mo kasi I don't like her." sabi ko. San niya ba kasi napulot yung girlfriend niya na yun.

"You don't like her but I do. Sorry. Bumaba ka na, nandito na tayo. Baka usisain mo pang mabuti yung lovelife ko." sabi niya sa akin at pinagtutulakan ako pababa ng kotse ko.

"Makatulak ka naman wagas. Kotse ko kaya to." tapos nagtulakan kaming dalawa. Pagbaba namin ng sasakyan, nakita namin si Margaux kasama nung manliligaw niya. Pagkatingin ko kay Kaine, yukom ang kamao at parang papatay ng tao. In denial pa kasi obvious naman. Masyadong torpe. Tsk tsk.

"Baka mamatay siya sa tingin mo." then he gave me a puzzled look.

"Pinagsasasabi mo?" tanong niya.

"Alam mo nakakamatay ang selos. Try mong aminin ang totoo, kaysa naman nagseselos ka ng ganyan."

"Hindi ako nagseselos." pasigaw niyang sabi.

"Prove it. At saka wag kang sumigaw, obvious talaga." nilayasan ko na siya. Matigas ang ulo eh. Obvious na nga, ayaw pa umamin. Hahaha.

Dumating ako ng classroom at nakasunod sa akin si Kaine. Nasabi ko ba sa inyo na classmate kami ni Kaine, Seven, at Kuya Chester? Hindi pa no? Pero di ba nasabi ko naman sa inyo na accelerated ako. Saya noh? Kaya kapag may exam, asahan mo na ang naghahabaang leeg nung tatlo.

"Akala ko manonood ka lang dun sa dalawa eh. Parusa yun para sayo." pang-aasar ko kay Kaine.

"Sinong naparusahan?" biglang tanong ni Margaux sa likod ko.

"Si Kaine." simpleng sagot ko.

"Bakit?" tanong naman ni Yuri.

"Bitter kasi." sabay tingin ko kay Kaine na ngayon nasa tabi ko na.

Her Unbelievable Brothers (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon