Chapter Four Part 1

306 10 0
                                    

Chapter Four

~ Concerned Kuyas ~

Seven's POV

Hello po :) Ako po si Seven. Yung pinakagwapo sa lahat... Nandito kami ngayon sa kwarto ni Kapre kasi nagplaplano kami kung paano namin mapapagaan ang loob ni Kisha. Alam namin hindi siya malapit sa aming lahat pero wala namang mawawala kung susubukan namin di ba? Tumawag kasi kanina si Margaux at Yuri, mga kaibigan namin at ni Kisha upang ikwento lahat ng nangyari. Wala kaming alam sa totoong nangyari pero nung nalaman namin yung talagang nangyari hindi namin maiwasan na hindi maawa sa kapatid namin at mainis dun sa panget na Denver na yun.

"Alam ko na!" biglang sigaw ni Kaine. "Isang sayaw ko lang, sasaya na siya."

*POK*

Sabay sabay nilang batok sa kanya.

"ARAAAY ANO BA?" Pag-aangal ni Kaine.

"Sira ulo ka ba? Kapatid natin yun, hindi yun kagaya ng mga babae mo. Manyak ka talaga." sabi naman ni Charles.

"Alam ko na yung pwedeng gawin." sabat ni Saturn.

"Ano?!" sabay sabay naming tanong.

"Doey, Bryan, Charles, Xavier at Larkins may naisip na ako para mapasaya si Kisha. Kayo naman Kaine, Seven, Travis, Kristoff, Chester at Leo ang kakausap kay Denver. Humingi na din kayo ng tulong kanila Margaux at Yuri. Bukas na bukas din, gagawin na natin yung plano." Natuwa naman kami sa plano ni Saturn. Sana nga lang gumano yun.

"Oh ayan may plano na tayo, pwede ba lumabas na kayo ng kwarto namin ni Travis at matutulog na kami." sigaw sa amin ni Kapre.

"Sungit mo talaga." sigaw ko sa kanya. Lumabas naman na kami sa kwarto nila at tumuloy na kami ni Larkins Hyung sa kwarto namin. Excited na kami para bukas. It's payback time.

-------

- KINABUKASAN SA CAMPUS -

Kristoff's POV

Nandito na kami ngayon sa campus para kausapin yung Denver na yun.

"Tol asan ba yung Denver na yun?" rinig kong tanong ni Kaine kay Margaux.

"Nandun yun sa Gymnasium." sabat naman ni Yuri. Kaya eto kami ngayon diretso na sa Gym.

Her Unbelievable Brothers (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon