Chapter Five

248 10 3
                                    

Chapter Five

~ Cupcakes for Good Vibes ~

Doey's POV

Nagpaiwan ako sa kwarto niya.

"Cupcake oh. Tikman mo. Ako nagbake niyan" sabi ko sa kanya. Di siya umiimik pero kinuha niya din yung cupcake. Kumagat siya dito at parang isang bata humarap siya sa akin ng nakangiti.

"Ang sarap naman. Ikaw talaga nagbake nito?" mausisa niyang tanong. Tumango lang ako bilang tugon. "Kahit sinungitan ko kayo, bakit ang bait niyo sa akin? Di ba kayo galit sa kin?" tanong niya.

"Hindi. Kasi kapatid ka namin. Tska kung galit kami sayo, bakit pa kami mag-eeffort na pasayahin ka.?" natahimik siya sa sinabi ko tapos biglang ngumiti.

"Ang laki pala ng mga mata mo no? Para kang owl." D__O ?! Napansin pa niya yun? "Anyway thanks sa cupcake Kuya." tinawag niya kong Kuya.

"Tinawag mo kong Kuya?"

"Ayaw mo? Babawiin ko. Pero ikaw lang ah." sabi naman niya.

"Bakit ako lang? Paano sila?" tanong ko.

"Tska na sila Kuya. Ay ou nga pala, anong nangyari dun sa dalawa? Bakit puro sapak sa mukha?" nakita niya pala yun kanina.

"Nakipagsapakan sila dun kay Denver."

"WHAT?!" dali-dali siyang tumakbo palabas at pinuntahan sila Chester at Kaine.

"Anong pumasok sa kokote niyo para makipagbasagan ng ulo dun kay Denver, ha?" galit niyang tanong. Tahimik lang ang dalawa at di na umimik. "Next time wag kayong mangingialam, pag may nangyaring masama sa inyo, kargo de konsensya ko pa. You can't win against that jerk. Maybe panalo kayo ngayon, but he'll get you someday. Madumi maglaro yun." bumalik na siya ulit sa kwarto niya at naisip ko, concern siya kahit papaano sa amin.

"Ano Doey hyung? Anong napagusapan niyo?" tanong sa akin ni Seven.

"Wala. Kumakain lang siya tapos natanong niya yung nangyari sa mukha nyang dalawang yan kaya nagmadaling bumaba dito."

"Galit nga eh. Pero okay na yun kaysa naman sa kanina na nakatulala." sabi naman ni Charles.

Pero mas maganda yung kanina. Ngumiti siya at alam kong konti na lang magiging okay din kaming lahat.

-------

Kisha's POV

Nandito na ko ulit sa kwarto ko. Hindi naman pala masama magkaroon ng mga Kuya kasi kapag may umaaway sayo, ipagtatanggol ka nila. Medyo nainis lang ako kasi g*go yung Denver na yun. Pumatol sila sa siraulo.

Ayan, nabadvibes na naman ako. Pero dahil nakita ko yung cupcake na binake ni Kuya Doey, okay na ko. Tinignan ko din yung mga efforts nila. Okay naman na sila sa akin dahil sa ginawa nila to cheer me up, pero gusto ko muna sila pahirapan. Not literally. Parang gusto ko, may maibigay sila sa akin na magugustuhan ko pero bilang token of appreciation, every breakfast and dinner or even lunch, sasabay na ako sa pagkain. Pero ngayon, uubusin ko muna yung cupcakes for goodvibes. Kailangan good vibes bago ko matulog.

Her Unbelievable Brothers (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon