Chapter 1: First Meet

4.4K 73 23
                                    

Nagsimula nang maghiyawan ang mga manunuod.

Kaba at excitement ang  nararamdaman ko ngayon. Finals na ng laban nila Carson. 

Ang lalaking mahal ko.

Siya ang lalaking almost five years ko nang pinapangarap lahat naman ng babae. pangarap siya.

Grade five nung magsimula akong magkagusto sa kanya. Naalala ko pa nun nung araw na una ko siyang nakilala. Diko maipaliwanag yung saya sa dibdib ko kapag nakikita ko siya.

Kahit alam kung malabo maging kami. Umaasa padin ako. Na balang araw babaling din sakin ang pagmamahal niya.

"Grabe tong laban na to" saad ng kaibigan kong si Mia.

"Oo nga eh. Pero alam ko naman na mananalo ang team nila Carson." Masayang saad ko sakanya.

"For sure yan. Paniguradong pinagdasal mo yan ikaw paba." Tawa tawang sabi niya.

Napangiti ako. Siya ang kasama ko sa lahat ng bagay. Ngumiti,umiyak,tumawa at masaktan nasa tabi ko siya. Naalala ko pa nun nung nalaman ko na naging si Carson na at Kim. Sobra akung nasaktan. Andun siya para i comfort ako.

Matagal ng pangarap ni Carson si Kim. Halos lahat naman ng lalaki nabibighani sa taglay niyang ganda.

Pero ngayon hindi na siya dito nag-aaral. Nasa US na siya yun ang pagkakaalam ko. At sa pagalis niya naghiwalay nadin sila ni Carson. Kumalat yun sa buong campus. Kilala kase silang dalawa halos lahat support sa relasyon na meron sila at simula nun. Lagi ko nang nakikita si Carson na tulala.

Masaya ko dahil bumubuti na siya ngayon Hindi tulad ng dati.

"Huy tulala kananaman."

Nagising ako sa kasalukuyan ng magsalita si Mia.

"Wala may iniisip lang." Saad ko sakanya.

"Tatanungin ko paba kung sino?" At humalakhak siya.

Kilala niya talaga ko.

"Don't worry bess. Ibibigay natin yang gift mo sakanya." At tumawa nanaman siya.

Pano niya nalaman na may ibibigay ako Kay Carson? 

"Huh?" nagtatakang tanong ko sakanya. 

"Oh! Sabihin mong wala kang gift dyan." 

Bestfriend ko talaga siya.

Hindi din nagtagal nagsimula na ang game. Mainit ang laban dahil matagal ng kalaban ng school namin ang St. Charles east High school. Dahil nga fangirl ako. Sinuportahan ko ang crush ko sa pamamagitan ng sigaw. 

Hahahahaha

Natapos ang laban  syempre panalo kami. Champion nanaman kami. Hindi din naman ako magtataka kung panalo kami dahil magagaling din ang mga baseketball players namin. 

"Hazel tara na." Tawag sakin ni Mia. 

Paano nga pala yung gift ko kay Carson? I-cocongrats ko panaman sana sya. 

"Eh paano yung Gift ko?" Malungkot kong sabi.

Dahil alam ko namang uuwi na kami. Aalis kase sila ng Mommy nya ngayon girls bonding. Kasama nga dapat ako kaso ayoko namang makasira sa bonding nilang mag-ina.

"Pupunta nga tayo kay Carson. Ibibigay natin yan bago tayo umalis. Ayaw mo ba?" Nakapamewang nyang tanong. 

Biglang nagliwanag ang mukha ko.

"Talaga? Tara." At nauna nakong naglakad sakanya. 

"Hoy Hintayin moko!" Sigaw niya. Pero hindi ko na sya nilingon. "Hoy! Grabe ka ah." at ang baliw nasa tabi ko na. "Ano? ba yung gift mo sakanya.?" Tanong nya habang papalapit kami kila Carson na pinagkakaguluhan ngayon ng mga babae. 

"Secret." Saad ko.

"Ang daya mo." Sabi nya habang naka-pout ang cute talaga ng bestfriend ko. 

Hindi ko namalayang nasa harapan na namin sila. Natigil sila sa pagtatawanan at tumingin samin ni Mia. 

Shocks nakakahiya nakatingin sya sakin.

Ngumiti nalang ako pero sa loob loob ko kinakabahan ako. Ilang beses ko na syang nalapitan ng ganito pero kinakabahan padin talaga ako. 

"Hi." Masiglang bati ni Mia.

"Hello." Sabi naman ni Carson. 

Anong gagawin ko. Ano tatayo nalang ako dito? 

"Nandito kami para sana i-Congrats kayo." Masayang sabi ni Mia at tumingin sakin na parang sinasabi na ibigay mo na. Sabihin mo na. 

Nakatingin sakin si Mia. Kaya lahat sila napatingin sakin.

Shocks anong gagawin ko. Hazel Kalma kalma lang. Kaya mo yan.

"A-ah Congrats sainyo. Lalo na sayo C-carson." At binaling ko sakanya ang tingin ko sakto naman na nakatingin siya sakin kaya nagtama ang paningin naming dalawa. 

Hazel kalma kumalma ka.

"Atsaka para din pala sayo to." Sabay abot ko sakanya ng gift. Nakita ko namang napangiti sya. "Sana magustuhan mo." Nahihiyang sabi ko habang nakayuko. Feeling ko namumula nako.

"Salamat." Halata sa boses nya ang saya at tuwa. 

Kaya napatingin ako sakanya. Ang gwapo nya. Kaya napangiti nalang din ako. 

----

Habang naglalakad kami ni Mia. Hindi ko maiwasang hindi maisip yung nangyari kanina grabe the best day ever talaga.

"Hoy! kanina pako salita ng salita dito ano ba!" Sigaw sakin ni Mia. 

Pero hindi ko siya pinapakinggan. Sa sobrang saya ko Nagpaikot ikot ako sa saya.

Umii-

"ARAY KO." Hala? 

Napatingin ako sa nabunggo ko. Hala? Kawawa naman ang dami niyang dalang nahulog ko. Dali dali ko siyang tinulungan at humingi ng pasensya. 

"Sorry. Hindi ko sinasadya. Sorry talaga" Paghingi ko ng tawad sakanya. Ang Tanga ko talaga minsan.

"A-a-ah Okay la-lang." Utal niyang sabi. Hindi ko sya makita dahil nakayuko sya at natatakpan ang mukha nya ng makapal na salamin. Nerd? 

"Ah. Sorry talaga ah." Sabi ko sakanya.

"O-okay lang." At nagtatatakbo na sya paalis? Galit ba sya? Parang hindi naman.

"Ayan kase sa sobrang kilig. Nakakasakit kana ng iba." Pangaasar sakin ni Mia.

"Nag-sorry na nga diba." At ang magaling kong kaibigan inirapan lang ako. 

"Tara na nga." at hinila nya ang kamay ko.

Sino kaya yung lalaking yun. Masyado siyang mailap at misteryoso. bakit siya namumula kanina nung magkausap kami? hys ewan ko. 




FALLING FOR YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon