Chapter 17: Mika Delo Santos

773 21 1
                                    

Hazel's POV

"Mia sino ba talaga yung pinuntahan natin dito." Inip na tanong ko kay Mia. Nakita ko namang nagpapalinga-linga siya sa paligid. Hinahanap siguro yung ipapakilala daw niya sakin. 

"Ano nakita mo?" Tanong ko sakanya. Nakita ko naman siyang umiling at umupo sa tabi ko. 

Nagulat nga ako ng bigla niya kong inaya sa Mall. Dahil may papakilala daw siya sakin pero halos isang oras na kaming nandito wala padin yung sinasabi niyang ipapakilala daw. 

"Asan na ba kase yun? Matawagan nga." Padabog namang kinuha ni mia ang phone niya. "Kahit kelan talaga palaging late. Siguro may jetlag." Saad niya habang nakatingin sa phone niya. Tumango nalang ako at ininom ang inorder namin. Gusto ko na sanag umorder ng Food kaso sabi ni mia mamaya nalang daw. Sabay sabay nalang daw kaming kumain kapag nandyan na yung papakilala niya. 

"Oh? Hello? Ano ba? Asan kanaba? Bilisan mo kaya? Duh Halos isang oras kaming naghihintay sayo.?" Inis na sabi ni Mia. "Hoy! Hindi ka artista para hintayin kanamin ng ganitong katagal. Bilisan mo bago mag-init ang ulo ko. Oo na! Sige bye." Napailing nalang ako dahil sa inasal ni Mia. Mataray talaga. Nakita ko namang umupo siya ng maayos at tumingin sakin ng masama. Agad naman akong umayos ng upo dahil dun. 

"Anong problema?" Takang tanong ko sakanya. Nakita ko namang mas lalong sumama ang tingin niya sakin. Problema ba nito? 

"Mia. Wag mo nga akong tignan ng ganyan." Inis na sabi ko at umiwas ng tingin.

Padabog naman niyang nilapag ang phone niya at tumingin sakin. 

"Diba sabi ko sayo wag mo ng lalapitan si felix." Napatigil naman ako ng marinig ko ang pangalan ni Felix. "Ang tigas ng ulo mo eh." Inis na sabi niya. 

Agad namang sumikip ang dibdib ko ng maalala ko ang nangyare kanina sa School. Sinubukan ko kaseng kausapin ulit si felix. Pero ang nangyare napahiya nanaman ako. 

Napabuntong-Hininga nalang ako at umiwas ng tingin. Kelan niya bako balak kausapin? 

"S-sorry." Saad ko. "Wag ka ng mag-alala mia. Hindi naman niya ko kinausap eh! Nakita mo naman diba napahiya ako." Nakita ko namang nabigla siya sa sinabi ko at biglang napalitan ng nakakaawang ekspresyon ang mukha niya. Agad naman akong umiwas ng tingin. 

"Friend. Kung ako sayo itigil mo na." Gulat naman akong napatingin sakanya. "Kase alam mo nagmumukha ka ng tanga eh. Tama na! siguro kailangan mo na munang magpahinga. Napapansin ko kase palagi ka nang matamlay. Gusto ko lang na bumalik ka sa dati. Yung masaya kalang." Bakas sa boses niya ang lungkot. 

Shes right. Napapansin ko din na palagi na kong nanghihina. Bigla naman akong nalungkot dahil mukhang bumabalik na ang sakit ko.  

Tumingin ako kay mia na hanggang ngayun nakatingin sakin. 

"Parang hindi ko yata kaya mia. Tsaka yun nalang ang paraan para makausap ko si Felix." 

"Paraan? na ano? Mapahiya ka.! Ghod Hazel maganda ka madaming iba dyan!" Galit na sabi niya. "Kung ako sayo bibigyan ko ng Chance si Carson." Gulat naman akong napatingin sakanya. "I mean bigyan mo siya ng chance na lumabas kayo. Kase diba ilang beses ka niyang niyayang lumabas pero ikaw itong tanggi ng tanggi." 

Magsasalita na sana ako ng biglang may sumigaw sa likod namin ni Mia. Sabay naman kaming humarap at nakita ko ang isang babaeng. Morena,Maganda. 

Nakita ko namang tumayos si Mia at nagyakap sila ng mahigpit. Napangiti naman ako dahil ang cute nilang tignan. 

FALLING FOR YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon