Chapter 20: Hospital

813 26 1
                                    

Mia's POV

"Bitawan moko Miko isa." Gigil na sabi ko kay Miko.

"Babe wag mo na siyang pakielaman." Pangungulit sakin ni Miko. Habang hinihila ang kamay ko. 

"Anong sabi mo? Wag mangielam hindi ako nangingielam kahit kelan miko hindi ako nangielam sa kaibigan mo. Pero Miko iba nato eh nasaktan nanaman yung bestfriend ko na walang ibang ginawa kundi mahalin siya." Galit na sabi ko sakanya. Nakita ko namang binatawan niya ang kamay ko. 

Agad naman akong umalis dun para puntahan si Felix. Masakit makitang umiiyak ulit siya ng dahil sa lalaking yun. Hindi na siya pinapasok ni tita dahil masama ang pakiramdam niya. Agad naman akong nakaramdam ng galit tuwing maalala ko ang sakit at pagod sa mukha ng bestfriend ko. 

Nang makita ko si felix ay agad nag-init ang dugo ko. Naiinis ako dahil nagagawa niya pang tumawa kasama ang  mga kaibigan niya. Nakakangiti siya samantalang  yung bestfriend ko walang tigil sa pag-iyak. 

Agad agad akong pumunta sa gitna nila kaya napatigil sila sa pagtatawanan. Tumabi sakin si Miko at nagpapasalamat ako dahil hindi niya ko pinapakielam. Nakatingin sila sakin lahat pero ang tingin ko ay na kay felix lang. 

"Anong kailangan mo?" Tanong niya sakin habang nakakunot ang noo. Bigla naman ulit akong nakaramdam ng galit ng maalala ko si Hazel. Gulat naman silang lahat dahil sa ginawa ko kay felix. Sinampal ko siya ng malakas ng ikinagulat niya. Hinawakan niya ang pisnge niya at tumingin sakin.

"Ano bang problema mo?" Galit na tanong niya. Napangisi naman ako aba! ikaw pa ang galit. 

"Ikaw. Ikaw ang problema ko." Nakita ko naman siyang napailing na parang sinasabing wala naman siyang ginawa. Nakatingin lang sila samin at pinagtitinginan kami ng ibang estudyante mga chismosa!

"Ano bang ginawa ko sayo.?" Halatang pinipigilan niyang magalit sakin. 

"Sakin wala. pero sa bestfriend ko felix meron." Nakita ko namang napatigil siya ng mapagtanto niya kung sino ang tinutukoy ko. Agad namang nagilid ang luha ko ng maalala ko ang pagod at sakit sa mukha ng bestfriend ko. Nasasaktan ako para sakanya. 

"Wala akong ginawa sakanya. Tapos na kaming magusap maliwanag na sakanya yun." 

"Natanggap mo na? Naka move-on kana? ng ganun lang?" Tuluyan ng bumagsak ang luha ko.

"Wala ng patutunguhan ang paguusap natin." Umiiling na sabi niya. 

"Hindi. Magusap tayo bakit hindi mo mapatawad si hazel. Bakit ba ang taas taas ng Pride mo Huh! FELIX." Sigaw ko sakanya nakita ko namang tahimik lang na nanunuod samin ang kaibigan niya. 

"Anong gusto mo? Patawarin ko siya? Sinaktan niya ko Niloko niya ko!" Sigaw na sabi niya sakin. 

"Sinaktan? Oo felix nasaktan ka pero isang beses lang yun.." Nakita ko namang napatingin siya sakin. at tumahimik ang mga estudyanteng nanunuod samin. "Paano naman yung bestfriend ko felix. Nasasaktan din siya  ilang beses na siyang nasasaktan ng dahil sayo.." Nakita ko namang nangilid ang luha niya. "Pero kahit nasasaktan siya hindi padin siya sumusuko felix. Sumusugal padin yung bestfriend ko kahit alam niyang sa huli matatalo lang ulit  siya. Sumugal siya felix para sayo. Mahal na mahal ka ng bestfriend ko felix. Pero binabalewala mo lang lang yun.   Nasasaktan ako para sakanya yun ang problema ko." Nakita kong nanunuod lang samin sila Carson. "Oo felix niloko ka niya,sinaktan ka niya,Ginamit ka niya...." Tahimik lang silang nakatingin saming dalawa. "Pero felix baka nakakalimutan mong tao din si hazel nagkakamali siya,nagsisisi siya,napapagod siya,nahihirapan siya  at higit sa lahat nasasaktan siya. Felix nasasaktan yung isa sa mga mahalagang tao sa buhay ko." Wala nakung pakielam kung mukhang tanga na ang itsura ko kakaiyak. Mailabas ko lang lahat ng sama ng loob ko. "Paulit ulit mo siyang tinataboy,Pinapahiya at sinasaktan yun ang masakit para sakin. Yun yun felix yun yun." Nakatingin lang sakin si felix habang umiiyak. Pero hindi ko nayun pinansin pa. "Pero hindi padin siya sumusuko. Wala siyang pakielam kung masaktan man siya basta makausap kalang niya. Masaya na siya na banggitin mo lang yung pangalan niya. Diba ang babaw lang ng kaligayan niya." Pinunasan ko ang luha ko pero patuloy lang itong bumabagsak. "Tinatanong mo kung ano ang problema ko ngayun? Ngayun alam mo na nasabi ko na. Nasabi ko na sa harap ng maraming tao kung gaano katanga ang bestfriend ko pagdating sa walang kwentang tao." Nakita ko namang napayuko si Felix. Ganyan nga magsisi ka. "Ang swerte mo." Umiiling na sabi ko. "Sana wag mong pagsisihan na itinulak mo ulit siya palayo. Sana wag ka magsisi felix at yung sinabi mong tapos na wala na kayung paguusapan pa. Magkakatotoo yun dahil ako na mismo ang gagawa ng paraan para hindi kana ulit malapitan ng bestfriend ko." Mapait na sabi ko sakanya. Napatingin naman siya sakin. "Siguro naman magiging masaya kana dahil hindi ka na niya kukulitin pa. Simula ngayun mabuhay kana ng wala siya. Diba yun naman ang gusto mo. Wag kang magalala mangyayare nayun dahil tuluyan ko na siyang itutulak palayo sayo."Pagkatapos kong sabihin yun ay agad akong tumalikod at umalis sa lugar nayun. Nakita ko namang nakasunod lang sakin si Miko. 

FALLING FOR YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon