Chapter 23: Worried

815 20 2
                                    

Hazel's POV

"Hazel dahan-dahan baka kung mapano ka." Saad ni felix habang natatarantang lumapit sakin. Hindi ko naman mapigilan matawa dahil ang OA niya masiyado. 

"Felix. Tatayo lang naman ako eh." Saad ko habang inaalalayan niya kung tumayo. 

"Kahit na dapat sinasabi mo baka kung mapano ka." Bakas sa boses niya ang pagaalala. Hindi ko namang maiwasang makaramdam ng inis dahil para akong Lumpo pati pagtayo kailangan ko pang magpatulong. 

"Felix. Puso ko ang may problema hindi paa ko." Inis na sabi ko sakanya. Nakita ko namang napatingin siya sakin at bakas sa mukha niya ang gulat dahil sa sinabi ko. 

"Wag mong sabihin yan." 

"Bakit hindi ba totoo. Sinasabi nila na makakahanap na ng donor ilang araw na felix." Padabog kong hinila ang kamay ko sakanya at padabog na umupo agad naman siyang lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko. 

"Magtiwala lang tayo hazel." Saad ni felix habang nakahawak ng mahigpit sa kamay ko. "Makakahanap din tayo ng donor. Maooperahan kadin." Sinasabi niya yun habang nakatitig sa mga mata ko. Iniwas ko ang tingin ko at huminga ng malalim at tumingin ulit sa mga mata niya. 

"Hindi nako aasa felix. Ayoko nang umasa siguro nga hindi na talaga ako magtatagal. Kase felix nararamdaman ko na. Humihina na ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko na kaya felix." Nakita ko namang nangilid ang luha ni felix dahil sa sinabi ko. Hindi ko naman din maiwasang maging emotional dahil Umiiyak ngayun ang lalaking Mahal na mahal ko. 

"H-hazel." Emotional na tawag niya sa pangalan ko at hinawakan ang pisnge ko. "Hindi tayo susuko. Hindi kami susuko. Hinding hindi kami susuko sayo. Kaya please naman wag ka ding sumuko. Dahil hindi namin kakayanin kapag nawala ka. Hindi ko kakayanin hazel." Tuluyan nang pumatak ang luha sa mga mata niya. "Sabihin mo sa puso mo na. Wag muna sabihin mo sakanya na wag siyang sumuko. Please hazel sabihin mo. Sabihin mo sakanya na lumaban muna. Sabihin mo sakanya na kailangan pa natin siya. Kailangan mo pa siya." Agad namang pumatak ang luha dahil sa mga sinabi niya. Hinawakan ko siya sa pisnge. at hinalikan siya sa noo. 

"Sige sasabihin ko sakanya na wag muna. Na maghintay muna siya. Na wag siyang mapagod. Na lumaban muna siya para sakin." Emotional na sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. 

"S-salamat." Nakangiting sabi ni felix habang umiiyak. Pinunasan ko ang luha niya. 

Hindi ko alam kung magtatagal pako. Dahil nararamdaman ko nang humihina na talaga ang puso ko. Gusto ko nang sumuko minsan dahil ayoko nang umasa. Pero sa tuwing maalala ko ang pamilya at kaibigan ko at ang lalaking mahal ko. Isa lang ang tumatatak sa utak at puso ko. Kahit anong mangyare Lalaban ako. Hindi sila sumusuko para sakin. Wala din akong dahilan para sumuko nalang ng basta-basta. 

Pipilitin kung lumaban para sa mga taong nagmamahal sakin. Pipilitin kong lumaban kahit ang hirap hirap na. Kahit na ang sakit sakit na. Pipilitin kong wag mamatay ng maaga para sa mga taong nasa pailigid ko at para nadin sa lalaking mahal na mahal ko. Pipilitin ko.

Agad namang nangilid ang luha ko ng maramdaman kong hindi nanaman normal ang paghinga ko. Hindi ako makahinga ng maayos sumisikip ang dibdib ko. Pilit kong pinapakita kay felix na maayos lang ako pero hindi ko talaga magawa dahil hindi talaga ako makahinga ng maayos. 

Nakita ko namang napatayo si felix at tumingin sakin. Bakas sa mukha niya ang takot at pagaalala. 

"H-hazel bakit? ano nararamdaman mo?" Natatarantang tanong niya sakin. 

"F-felix hindi ako makahinga." Saad ko ng ikinagulat niya. Agad naman niya kong binuhat at hiniga sa kama. 

"Sandali lang tatawagin ko lang ang doctor." Mabilis siyang lumabas. Hindi ko naman maiwasang mapasigaw dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ako makahinga at sumasakit ang dibdib ko. Sobrang sakit! 

FALLING FOR YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon