Hazel's POV
"Anak napapansin ko palagi kang dinadalaw dito ni Carson." Agad naman akung nasamid sa sinabi ni Mommy. Nakita ko namang nagkatinginan sila ni daddy at sabay na natawa. Seriously? Mommy? "Are you okey anak.?" Natatawang tanong sakin ni Mommy.
"Mommy ano naman pong masama dun magkaibigan naman po kami." Pagtanggi ko dahil alam kung aasarin nanaman nila ako katulad kahapon. Bigla naman akong napangiti ng mapait ng maalala ko ang nangyare kahapon. Tuwing naiisip ko yun sumisikip ang dibdib ko. Malamig na siyang makitungo at makipag-usap sinabi din sakin ni Mia na nagaway daw si Miko at felix. Hindi ko naman maiwasang malungkot dahil parang kasalanan ko kung bakit Hindi sila maayos ngayun.
Hinatid ako ni Carson kahapon dahil biglang sumama ang pakiramdam ko. Sinabi ko nalang na sumasakit ang ulo ko pero ang totoo sumisikip ang dibdib ko. Natatakot ako dahil bumabalik nanaman ang sakit ko. Binantayan lang ako ni Carson maghapon dito sa bahay. Pinipilit ko naman siyang umalis na at pumasok pero masyadong matigas ang ulo niya. Siguro kung gusto ko padin siya hanggang ngayun kikiligin ako sa mga ginagawa niya pero kahit anong gawin ko wala nakung maramdaman kahit katiting na kilig sa ginagawa niya pero nagpapasalamat ako dahil nandyan siya para sakin.
"Anak. Hindi ka pagaaksayahan ng oras ng isang lalaki kung kaibigan lang ang tingin niya sayo." Agad naman akung nagising sa realidad ng magsalita si Mommy. Iniwas ko ang tingin ko at umupo ng maayos.
"Mommy. Hindi po talaga." Paulit na pagtanggi ko. Bakit ba ayaw akong tantanan ng mommy ko?
"Kaibigan nalang ang tingin mo sakanya? Diba gusto mo siya anak?" Takang tanong ni daddy.
"Noon yun dad. Hindi na ngayun." Dahil si felix na ang mahal ko.
"But why anak? Kung kelan nagkakamabutihan na kayo." Bakas sa boses ni mommy ang panghihinayang.
"Mommy. Please friends lang." Pagtanggi ko at bumalik ulit ako sa pagkain. Nakita ko namang ngumuso si Mommy at tinawanan siya ni daddy. Napangiti naman ako dahil ang cute nilang tignan. I wish na sana ganyan din kami someday ni felix.
"Honey. Pabayaan mo na ang mga bata. Mahuhulog din yan sa isat isa. Maghintay lang tayo." Nakangising saad ni daddy. Umiling nalang ako dahil ang kulit nilang dalawa.
"Sabagay. Wala namang tumatagal na magkaibigan." Nakita ko namang sabay silang natawa ni daddy. Hindi ko nalang sila pinansin at kumain nalang ulit ako.
"Kinuwento sakin ng daddy ni Carson na close daw kayo ng isang anak niya." Agad naman akung napatigil sa sinabi ni daddy.
"O-opo dad." Kinakabahang sagot ko. Teka close paba kami?
"Eh bakit? Wala siya nung 16th birthday mo?" Takang tanong ni daddy. Anong sasabihin ko? Dahil nag-away kami? Dahil nalaman niyang niloko ko siya? Nagtatampo siya? May emergency.?
Umupo ako ng maayos para hindi nila mahalatang kinakabahan at natataranta ako. Magsasalita na sana ako ng biglang dumating ang isa sa mga katulong namin. Agad naman akung nakahinga ng maluwag dahil dun.
"Maam Hazel nasa labas po si Sir carson hinihintay po kayo." Agad naman akung napayuko ng bigla akung tinignan nila daddy. Na may halong pangaasar Bakit ba sila ganyan? Agad ko namang tinignan ang katulong para sabihing susunod na ako. Tumango naman siya at umalis.
Tumingi ako kila daddy at nakita ko silang nakangiti sakin ng Matamis umiling nalang ako at tumayo. Kinuha ko ang bag ko at tumingin sakanila. Lumapit ako sakanila at hinalikan sila sa pisnge.
"Sige po aalis napo ako." Saad ko sakanila.
"Sige na anak. Hinihintay kana ng prince charming mo sa labas. I mean FRIEND Mo." Napailing nalang ako sa sinabi ni Mommy. Daig pa niya si Mia kung mang-asar.

BINABASA MO ANG
FALLING FOR YOU (COMPLETED)
FanfictionSimpleng babae na walang hinangad kundi mapansin ng lalaking matagal nya ng Gusto. Paano kung mabaling sa iba ang pagmamahal nya?