Chapter 28: The End

1.4K 25 7
                                    


Hazel's POV

"Mia ano ba ayokong ngang pumasok." Inis na sabi ko kay mia at muling humiga sa higaan. 

"Anong hindi papasok. Aba! Santiago ilang araw ka nang absent aber!" Nakapamewang na sabi niya. Padabog naman akong tumayo at tumingin sakanya ng masama pero hindi umubra yun dahil mas tinignan niya ko ng masama. 

"Mia tinatamad nga akong pumasok." Walang gana kong sagot sakanya at muling humiga. Naramdaman ko namang umakyat siya sa kama ko. 

"Hindi ka pwedeng hindi pumasok. Aba! Santiago wala ka namang sakit kaya tumayo kana diyan bago ako magalit sayo." Inis na sabi sakin ni Mia. 

"Wala naman tayong gagawin diba pabayaan mo nako." Walang gana kong sagot. 

"Hazel ano ba nangyayare sayo bakit kaba nagkakaganyan dahil nawala si carson?" Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya. "Ano tama ako." Inis na sabi niya agad naman akong umiwas ng tingin. Naramdaman ko namang tumabi siya sakin at hinawakan ako sa balikat dahilan kaya napatingin ako sakanya. 

"Nalulungkot padin ako mia." Saad ko sakanya nakita ko naman siyang napabuntong hininga. 

"Ako din naman eh tinuring ko nadin na matalik na kaibigan si Carson." Saad niyaa habang nakatitig sakin. "Oo nalungkot ako umiyak ako pero hazel ilang araw lang yun hazel ikaw magdadalawang linggo na. Hazel mag move-on kana." Inis na sabi sakin ni mia. 

"Paano? Feeling ko ako may kasalanan kung bakit siya nawala eh." Malungkot na sabi ko. 

"Friend wag mong sisihin ang sarili mo diba nga ang sabi niya wala siyang pinagsisihan sa pagbigay niya ng puso sayo." Saad ni mia at hinawakan ang kamay ko. "Sa tingin mo matutuwa si carson kapag nakikita ka niyang ganyan. Sige ka mumultuhin ka nun." Natawa naman kaming daalawa dahil sa sinabi niya. "Tsaka nandyan si felix ginagawa niya ang lahat para maging masaya kalang pero anong ginagawa mo hindi mo siya pinapansin dahil busy ka kakaemote." Inis na sabi sakin ni mia. Agad naman akong naguilty ng maalala ko lahat ng ginagawa sakin ni felix para lang mapasaya ako. Napabuntong hininga naman ako. Oo nga hindi ko na siya napagtutuunan ng pansin dahil nagiging busy ako sa iba.  "Bahala ka diyan baka mamaya makahanap na ng iba si felix. Dahil hindi mo na siya pinagtutuunan ng pansin." Agad naman akong napatayo sa gulat dahil sa sinabi niya. 

"May bago na siya? Eh nanliligaw siya sakin ah! Ano two timer siya." Sigaw na sabi ko nakita ko namang natawa si mia dahil sa sinabi ko. 

"Ang cute mo magselos friend." Natatawang sabi ni mia. Padabog naman akong tumalikod sakanya. "San ka pupunta?" Takang tanong niya. 

"Sa cr sama ka?" Inis na tanong ko. Nakita ko namang nagpipigil siya ng tawa. 

"No thanks hintayin nalang kita sa baba. Hahaha! Bye." At mabilis siyang tumakbo palabas! Kahit kelan talaga. Kinuha ko na ang twalya at hinanda ko na ang susuotin ko sa school. 

Muli namang sumikip ang dibdib ko ng maalala ko si felix. Baka naman nakahanap na siya ng iba? Pinagpalit na kaya niya ko? Gusto paba niya ko? Napailing naman ako dahil iniisip ko. 

Siguro naman hindi. Hindi naman ganun si felix eh! Teka galit kaya siya sakin. Bahala na nga kakausapin ko nalang siya mamaya at manghihingi ako ng Sorry. 

Pagkatapos kong gumayak ay agad nakong bumaba. Naabutan ko naman sa Sala sina Miko at Mia halos langgamin nako dahil sa kasweetan nilang dalawa. 

"Nilalanggan nako." Inis na sabi ko.

FALLING FOR YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon