Chapter 12: Cousin

865 25 1
                                    

Mia's POV 

"Ano ayos lang? Bagay ba?" Tanong ko kay miko. Pagkalabas ko ng fitting room. Nakita ko naman siyang umiwas ng tingin at umiling. Napairap naman ako lahat nalang ayaw niya. 

"Hindi ba bagay?" Inis na tanong ko sakanya. 

"Bagay. Ang kaso masyadong maikli Kaya ayoko." Namumulang sabi niya. Bigla naman akong kinilig sa sinabi niya. 

"Sige magpapalit na  lang ako." Tinalikuran ko na siya at pumasok ulit ako ng fitting room. Nandito kami ngayun ni Miko sa mall dahil nagpasama ako sakanyag Mamili ng damit at regalo  dahil nga birthday na ni Hazel next week Napangiti naman ako ng maalala kong Birthday niya na next week siguradong Engrande yun dahil 16th birthday niya. 

Sinuot ko na ulit ang bagong dress na nakuha ko at lumabas ako para ipakita kay miko. Nagulat naman ako ng wala akong nakitang anino ni Miko. San nagpunta yun? Nainip na siguro? Padabog naman akong pumasok sa loob. Iniwan ako ng Siraulo. Pagkapalit ko ng damit ay kinuha ko ang huling dress na sinukat ko. 

Okey na siguro to. Hindi naman siya ganun kaikli kaya okey lang. Napangiti naman ako ng maalala si Miko. Napangiti akong pumunta sa counter at binayaran ang dress na bibilin ko.

Paglabas ko ng Store ay nagulat ako ng makita ko si Miko na may kausap na babae. Well magandang babae pero mas maganda padin ako. Bigla naman akong nakaramdam ng selos. M.U na kami kaya dapat hindi na siya lumalandi sa iba. Nakita ko naman silang naghaharutan dalawa. Hindi na nahiya sa Mall pa gumagawa ng Eksena. 

"Ehem." Napahinto naman sila sa paghaharutan ng makita ako. Nakita ko namang nagtaas ng kilay ang babaeng kausap ni Miko. Kaya tinaasan ko din siya ng kilay. Hindi lang siya ang may kayang gumawa nun. -_- "Nawala lang akong saglit may kalandian ka ng iba." Asar na sabi ko at binalingan ko si Miko ng tingin. Nakita ko namang nagpipigil siya ng tawa. Seriously Miko natividad? Nagseselos nako tumatawa kapa! 

"M-mia. Si celine nga pala. P-" 

"I Dont care." Inis na sabi ko "Mahiya nga kayo sa mall pa kayo naglalandian." Nakita ko namang nagpipigil din ng tawa ang babae. Ano bang trip nilang dalawa? 

"Mia Siya si celine." Natatawang sabi ni Miko. I Know siya si celine kanina mo pa sinabi. -_-

"Kasasabi mo lang. Ano yun natividad Nililigawan moko pero may kalandian kang iba. Pwes! Magsama kayo." Hindi ko na sila hinintay na magsalita at naglakad nako ng mabilis para makaalis sa lugar nayun. 

Talagang sa Mall pa. Talagang yung kitang kita ko pa talaga. Magsama sila. Ang sweet sweet niya pa sakin  tapos niloloko niya lang ako. 

Teka nga? Bakit bako nagkakaganito? Hindi naman kami ah? Ah basta! Eh sa gusto kong magselos eh. Basta magsama sila Hindi ko siya kakausapin. Narinig ko namang tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ko yun pinansin. Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad. 

"Mia. I said Wait." Nagulat ako ng hilahin niya ang kamay ko. At iniharap ako sakanya Nakita ko namang nakasunod lang sakanya yung babaeng kaharutan niya. Hanggang dito banaman susundan niya si Miko. Napairap naman ako at umiwas ng tingin. Nakita ko namang parehas silang nagpipigil ng Tawa. Kanina pa sila ah Pinagtitripan ba nila ako? Planado ba to? Para pagselosin ako? O Girlfriend siya ni Miko at kabit ako? Napailing naman ako sa naisip ko. 

"Mia makinig ka muna kase." Sabi ni Miko. Tinignan ko lang siya ng masama at tinaasan ng kilay. Gulat naman akong napatingin ng biglang lumapit sakin ang kaharutan ni Miko kanina. ABA! Ano to susugurin niya ko? Pwes hindi ako magpapatalo. 

"Mia right?" Pagtanong niya sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin. Nakita ko namang tumabi sakin si Miko. "Mas mabuti siguro kung makikinig ka sa sasabihin ni Miko." Malambing na sabi niya na mas lalo namang ikinainis ko. Sabunutan ko kaya toh! 

FALLING FOR YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon