Chapter 2: Not real Brothers

1.8K 44 3
                                    


Carson's POV

 Pagkatapos ng game dumiretso nadin kami sa locker para maligo at magbihis. Champion kami kaya mag celebrate kami. 

"San tayo magce-celebrate.?" Tanong ni Edward.

"Pare tinatanong paba yan." Saad ko at nagtawanan sila. BAR Lang naman ang lagi naming pinupuntahan dahil gusto naming uminom at magpakasaya.

"Carson?" Tawag sakin ni James.

"Oh?" 

"Di kaya magalit ang Daddy mo niyan." Nagaalala niyang sabi. 

Napakunot naman ang noo ko. Bakit naman siya magagalit? Sino ba siya?

"Bakit naman siya magagalit.?" Tanong ko

"Aba malamang Pare. Uuwi kananamang lasing Nako! Sasabunin kananaman nun." Tawang tawang sabi ni Edward.

"Sanay nako sakanya. And i dont care kung magalit siya. Magsalita siya Hanggat gusto nya. Diko sya pakikielaman." Bwiset kung sabi sakanila.

"Sabagay hindi kanaman Nagrereklamo kapag sinasabun ka ni Tito." 

"May natitira panaman akung respeto sakanya eh. Pero Subukan nya lang na iuwi sa bahay ang kabit nya pati anak nya sa labas." Huminto ako at tumingin sakanilang lahat. " Dun niya makikilala ang totoong ako."  tumalikod ako at umalis sa lugar nayun. 

-----

BAR 

Pagdating namin dito babae na agad ang inatupag nila. Mga babaero talaga.

"Alam mo pare napapansin ko talaga." Nagsasalita si Edward habang may kaakbay na babae. Sa gilid nya na halata namang Malandi tsk

"Ano namang napapansin mo lahat nalang napapansin mo. Ano bang klaseng mata meron ka." Pambabara sakanya ni Jack.

"Aba Gago ka ah." At handa ng sapakin ni Jack pero hindi naman tinuloy ni gago!  Takot talaga ang Loko. "Pasalamat ka Mabait ako." at bumalik sya sa pwesto nya na parang walang nangyare. "Anyway napapansin ko nga na patay na patay sayo si Hazel." 

Napatigil naman ako sa pag-inom ng marinig ko ang pangalan nya. 

"Oh Tapos?" Walang pakielam na sabi ko. Pero deep inside kinakabahan talaga ako. Ewan ko ba.

"Eh! bakit dimo pormahan? Maganda naman si Hazel. Matalino,mabait." At nakangiti sya habang sinasabi yung mga yun. 

Alam ko naman na gusto nya si Hazel. Tsk

"Diko siya type." Pagsisinungaling na sabi ko. 

Pero ang totoo maganda naman talaga si Hazel matagal ko na siyang kilala. Matagal ko nading balak na ligawan siya pero ewan ko ba hindi ko magawa

"ANO? SA GANDA NIYANG YUN AT SA SEXY NIYANG YUN HINDI MO SIYA TYPE PARE BULAG KABA." Sigaw ni Edward. If i know Dinedepensa nya lang si Hazel. "ABA GRABE KA SA CRUSH KO AH." 

"Oh! Crush mo naman pala eh! Ede ikaw manligaw."

"Eh Hindi naman ako ang gusto nya eh! Kung ako lang sana ang gusto niya. Niligawan ko na siya." Nakangusong sabi nya. 

"Tsk." 

"Ang sabihin mo hindi kapadin nakakamoveon kay Kim." Pangaasar niya. 

ANO? Gago ba siya? Matagal ko nang nakalimutan yung babaeng yun. Tsk

"Tigilan mo nga ako." Naiinis na sabi ko. 

Magsasalita pa sana sya ng biglang  nagring ang Phone ko. 

Tinignan ko kung sino ang tumatawag!

DADDY?

"What?" Walang ganang sabi ko. Ano nanaman bang kailangan niya?

[ You need to go home. May paguusapan tayung Importante.] WHAT?

Sasagot pa sana ako kaso bigla nyang binaba ang linya. Tsk 

"O! Baket Nakakunot yang noo mo." Tanong ni James.

"I need to go home."  At lahat naman sila nagulat 

"Huh agad agad bro! ang aga pa." Sabi naman ni Aaron.

"May paguusapan daw kaming Importante." 

"Sge bro ingat." 

Tumango lang ako at umalis na.


------

HOUSE

Pagdating ko sa bahay. Pinark ko agad ang Sasakyan ko. Ewan ko ba pero kinakabahan ako eh! 

Ano ba kaseng paguusapan namin? Ganun ba kaimportante yun? 

Pagpasok ko sinalubong nako ng katulong namin.

"Wheres dad?" 

"Nasa Garden napo sila Sir." SILA? WTF? Sinong sila?

Mabilis akung naglakad patungo sa Garden. Na may halong kaba sa dibdib sinong sila? May inaasahan ba kaming bisita? 


Pagdating ko sa Garden naabutan ko si Daddy na nakikipagtawanan sa isang babae na tingin ko kaidad ni Mommy.

I miss mom. I Hope your okey with God.

"Dad?" Tawag ko sakanya.

Dahilan yun para mapatigil sila sa paghaharutan ng babae nayun. 

"Son. Your Here." Halatang kinakabahan siya. 

"Anong importante dito.?" Nagtatakang sabi ko. 

"I Just want you to meet your Brother." 

Parang tumigil ang Mundo ko sa sinabi nya WHAT? Brother?  WALA AKONG KAPATID? 

"WHAT" Sigaw ko at halata sakanilang dalawa ang gulat. "SINO SIYA?" Turo ko sa babaeng kaharutan niya kanina.

"Siya si Maria. Siya yung nabuntis ko. noong pinagbubuntis ka ng nanay mo." FUCK HELL NO. 

"NO!" Sigaw ko ano to? Dito nya patitirahin ang kabit nya. Pati yung sinasabi nyang kapatid ko? Nagbibiro ba sya? 

Magsasalita pa sana si Daddy ng biglang may nagsalita. Sh*t

"Dad. Grabe halos maligaw po ako dito sa mansyon nyo. ang laki eh." Natatawang sabi nya. Para akung naestatwa sa kinatatayuan ko.

"Anak. Halika ipakikilala kita." Tawag nya sa lalaking nagsalita kanina. "Carson This is your Brother Felix."

Tuluyang tumigil ang ikot ng Mundo ko. kasabay nun ang pagtulo ng Luha ko. 

"What is this dad? MAY BALAK KA TALAGANG PATIRAHIN ANG KABIT MO DITO PATI YANG ANAK MO!" It Hurts. 

"Carson Umayos ka!" Pagbabanta sakin ni Dad. Pero wala nakung pakielam Sasabihin ko kung ano ang gusto kung sabihin.

"WHAT DAD? ANONG GUSTO MO MAGING MASAYA AKO NA NANDITO NGAYUN YUNG SINASABI MONG KAPATID KO! DAD SILA ANG SUMIRA NG BUHAY KO! SILA ANG DAHILAN KUNG NAWALA SI MOMMY! DAD SILA! TAPOS GUSTO MoNG MAGING MASAYA AKO KASE ANDITO NA SILA GUSTO MONG MAGING MASAYA AKO! PANO AKO MAGIGING MASAYA DAD! SILA ANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO NANGUNGULILA  SA INA NGAYUN!" Hindi ko na siya hinintay na sumagot at umalis nako dun.

Okey lang naman kung may nabuntis sya eh! Ang ayoko lang bakit dito? bakit sa bahay ni Mommy? Hindi naba sya nahiya? Dahil sakanya at sa Kabit nya namatay si mommy. Nawala yung kaisa isang taong kakampi ko sa lahat ng bagay. Gusto nyang dito sila tumira! F*ck NO! WERE NOT REAL BROTHERS AT KAHIT ANONG MANGYARE HINDING HINDI KO SYA MATATANGGAP!



FALLING FOR YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon