Hazel's POV
Ganito pala yung feeling na nasasaktan. Sobrang sakit pala. Kung kelan huli tsaka mo lang marerealize na Mahal mo na pala siya na sobrang halaga niya pero binalewala mo lang .
Sinubukan ko siyang habulin ng araw nayun. Sinabi kong mahal ko siya pero hindi siya naniwala. Sabagay hindi ko siya masisisi kung hindi siya maniwala dahil niloko ko siya para sa sarili kung kaligayan na akala ko Magiging masaya ako pero hindi pala. Kase na sakanya yung saya na hinahanap ko. Simula ng araw nayun hindi nako kinakausap ni Mia at Miko. Sinubukan ko silang kausapin pero si Mia na mismo ang umiiwas. Nasasaktan ako kase kailangan ko siya at ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Simula din ng araw nayun lagi ng nakasunod sakin si Carson. Hinahatid sundo niya ko. Gusto ko man tumanggi pero nagpupumilit siya. Ayoko namang pati siya layuan ako. At simula din ng araw nayun. Hindi ko na nakita pa si felix. Sinusubukan kong tanungin si felix kay carson pero palagi niyang iniiba ang topic. Tinetext ko siya pero hindi siya nagrereply. Pumupunta ako sa kanila pero hindi niya ko nilalabas o kinakausap manlang.
Simula nang araw nayun Hindi ko na makilala ang sarili ko. Ang bigat bigat ng dibdib ko.
Gusto ko siyang makita. Gusto kong humingi ng Sorry. Gusto ko na ulit siyang makasama at makausap. Palagi akong pumupunta sa dati naming pinupuntahan. Naghihintay na dumating siya. Mapadpad siya dun kahit isang beses lang. Kahit ilang araw na ang lumipas sariwa padin sakin yung mga pangyayare nayun. Yung mga luha niya na may kasamang sakit at galit. Napapapikit nalang ako kapag naaalala ang mga luha at sakit na huli kong nakita sakanya.
Felix sa mga nagdaan na araw ikaw lang ang hinahanap at iniisip ko.
Yung iniisip mo kung kamusta na ba siya? Kumain na ba siya? Ayos ba siya? Kung mapapatawad kapaba niya? kung may nararamdaman paba siya sayo? Ang hirap. Mas masakit patong nararamdaman ko ngayun sa naramdaman ko kay Carson noon.
"HAPPY BIRTHDAY! ANAK." Agad naman akong napabangon sa higaan ko ng biglang pumasok sila Mommy na may dalang cake. Lumapit sila sakin at hinalikan ako sa pisnge ngumiti naman akong ng pilit sakanila. Buti pa sila naalala ang birthday ko. Ako na mismong may birthday nakalimutan ko. Napangiti nalang ako ng mapait. Nakita ko namang nakatingin sila mommy sakin hinihintay na hipan ko ang Kandila. Agad naman akong pumikit at Nagwish.
Sana makita ko na siya at mapatawad na niya ko.
Hindi ko naman mapigilang maging emotional. Ghod i miss him.
"Baby. Dont cry mamaya kana umiyak." Saad ni mommy. Agad naman akong lumapit sakanila ni Daddy at niyakap sila ng mahigpit.
"Thank you po." Naiiyak na sabi ko.
"Your always welcome anak." Sabay nilang sabi.
Paglabas nila mommy ng kwarto ko ay agad akong tumayo sa higaan at dumiretso sa banyo. Naghilamos ako at tumingin ako sa salamin at Pilit na ngumiti kahit ngayun lang Hazel ngumiti ka ng totoo. Its your birthday.
Paglabas ko ng banyo ay agad kung kinuha ang phone ko para tignan kung may nakaalala ba sa birthday ko? Napangiti naman ako ng makita kong maraming bumati sakin.
Edward. | Hi Crush Happy sweet 16th. Sana pumayag ka ng ligawan kita Joke lang. Sana magustuhan mo ang gift ko sayo mamaya. Mhuah.| Napailing naman ako sa text ni Edward.
Miko |Hi Hazel Happy birthday. Sorry kung iniiwasan kita. Gusto man kitang kausapin at Icomfort pero baka mag-away lang kami ni Mia. Kilala mo naman yun. Palamigin lang natin ang ulo nun. Happy birthday ulit. :)| Hanggang ngayun galit padin siya sakin. Napangiti nalang ako ng mapait at nireplyan si Miko.
BINABASA MO ANG
FALLING FOR YOU (COMPLETED)
FanfictionSimpleng babae na walang hinangad kundi mapansin ng lalaking matagal nya ng Gusto. Paano kung mabaling sa iba ang pagmamahal nya?