Hazel's POV
"Maam. nasa baba napo si sir carson." Sabi sakin ng isa sa mga katulong namin.
"Sige po susunod napo ako." Nakangiting sabi ko. Ngumiti lang ito at lumabas na ng kwarto ko.
Niyaya akong lumabas ni Carson pumayag naman ako dahil napapansin kong lagi ko nalang siyang tinatanggihan kapag niyaya niya kong lumabas. Wala namang malisya sakin ang paglabas namin ngayun. Gusto ko lang magpasalamat dahil lagi siyang nandyan kapag kailangan ko siya o di kaya kapag kailangan ko ng masasandalan.
Agad kong inayos ang suot ko. Simple lang naman ang sinuot ko at tinali ko ang buhok ko. Medyo nagayos ako dahil nakakahiya naman kay carson.
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba nako. Naabutan kong nakaupo si Carson sa sofa at parang may nilalaro sa phone niya. Kaagad niyang tinago ang phone niya ng makita niya ko. Tumayo siya at hinintay na makalapit ako sakanya. Ngumiti naman ako sakanya. Nakita ko namang nakatingin siya sa suot ko. Agad naman akong nailang dahil dun.
"Hindi ba maganda?" Nahihiyang tanong ko sakanya. Agad naman siyang natauhan at tumingin sakin ng diretso.
"No. Bagay sayo. Your so beautiful." Napangiti naman ako dahil hindi ko alam na yung dating gustong gusto ko. Sasabihin ako ng ganito.
"Thank you." Nakangiting sabi ko sakanya. Ngumiti naman siya at nagulat ako ng nilapag niya ang kamay niya sa harapan ko. Na parang sinasabing kunin ko yun.
"Lest go?" Nakangiting sabi niya. Kinuha ko naman ang kamay niya at hinawakan yun. Wala naman sigurong masama.
"Tara." Nakangiting sabi ko.
Bigla naman akong napangiti ng maalala ang date namin noon ni felix. Hindi man siya ganun ka romantic naging masaya naman ako.
Pagdating namin sa harapan ng sasakyan niya ay agad niya kung pinagbuksan ng pinto. Tumingin ako sakanya at ngumiti sinuklian naman niya ko ng ngiti. Agad naman niyang pinaandar ang sasakyan. Tahimik lang kaming dalawa dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko.
Biglang lumaki ang mata ko ng makita ko ang matandang pinagbilan namin ni felix ng street foods. Agad kong tinignan si Carson na nakatingin lang sa daan.
"Carson." Tawag ko sakanya. Bigla naman siyang lumingon sakin at ngumiti.
"Baket?" Tanong niya.
"Pwede mo ba munang ihinto yung sasakyan may bibilin lang ako."
"Huh? Osge." Agad naman niyang hininto ang sasakyan. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako at agad akong bumaba ng sasakyan para lapitan si manong. Nakita ko namang nakasunod lang sakin si Carson bakas sa mukha niya ang pagtataka. Nang makalapit ako kay manong ay agad itong ngumiti. Napangiti naman ako dahil dun.
BINABASA MO ANG
FALLING FOR YOU (COMPLETED)
FanfictionSimpleng babae na walang hinangad kundi mapansin ng lalaking matagal nya ng Gusto. Paano kung mabaling sa iba ang pagmamahal nya?