Chapter 7: With Him

1.1K 31 1
                                    

Hazel's POV

"Alam mo yang Miko na yan naiinis nako dyan." Naiinis na kwento ni Mia. Naiinis siya kay miko dahil kinukulit daw sya nito.

Hahahaha! Ang cute kase nilang dalawa

Halatang gustong gusto siya ni Miko eh! 

"Sus! Baka naman mamaya magka-ibigan na kayo niyan." Pang-aasar ko sakanya.

Bigla naman siyang tumingin sakin ng masama.

"Excuseme Ms. SANTIAGO Never akung mahuhulog sakanya. Masyado siyang pahalata tsaka hindi ko siya Type noh!" Naasar na sabi niya with matching pandidiri pa.

"May kasabihan nga diba. The more you hate the more you love." Sa sinabi ko lalo lang siyang naasar.

"Eww. Nagkasama-sama lang tayo kahapon kung makadikit na siya ngayun akala mo Close kami." Naiinis na kwento niya.

Naalala ko tuloy yung nangyare sa Timezone Wala siyang ginawa kundi tarayan si Miko. Si Miko naman kinikilig pa. 

O diba! San kayo nakakita nun tinatarayan na kinikilig pa. Napailing nalang ako sa naisip ko. 

"Eh kase nga diba gusto ka niya. Tsaka gwapo naman siya ah." 

"ANO? Gwapo? Tsk. San banda?" Hate niya talaga si Miko. -_-

Nasa Canteen kami ngayun. Break time dapat nga kasama namin sila Felix ang kaso umarte ayaw niya daw makita si Miko. Hahaha! Ang bitter niya masyado kay Miko. 

Kumakain kami ni mia ng biglang may tumawag sakin.

Boses palang kilalang kilala ko na. 

Carson

Nawala ang ngiti ko sa labi ng maalala ko ang pinagusapan namin tungkol kay Felix. 

"Hazel. Can we talk?" Nasa Harapan namin sila. Kasama niya ang mga barkada niya. 

Si Mia naman halatang kinikilig. Panigurado ako magtatalon yan mamaya at sasabihing ang Haba ng Hair ko. Tsk.

"Hoy Girl! Naghihintay si Carson oh! Usap daw kayo." At niyugyog pako. 

Nakangiti na naghihintay si Carson sa sagot ko. Napangiti nalang din ako. 

"Sure." Nakangiting Sagot ko. 

Tumayo ako at lumabas ng canteen nakita ko naman na nakasunod lang siya sakin.

Hindi ko alam kung saan kami maguusap kaya nilingon ko siya sakto namang nakatingin siya sakin kaya nagtama ang mga mata namin. Nakita kung ngumiti sya ng matamis. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. 

Hazel Calm down

"San tayo maguusap?" Nahihiyang tanong ko sakanya. 

"Sa garden nalang siguro." Nakangiti niyang sagot. 

Ngumiti nalang din ako at tumango.

Pagdating namin sa Garden ay umupo na kami.

Walang nagsasalita saming dalawa. Dahil hindi ko naman alam ang dapat kung sabihin at itanong.

Humiling siya pumayag ako. Para sakanya kaya ako pumayag.

"H-hazel Thank you." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Thank you?

"Thank you? Para saan?" Takang tanong ko.

"Dahil ginagawa mo ang hinilig at sinabi ko sayo." Sabi niya sakin habang nakatitig sakin.

FALLING FOR YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon