Hazel's POV
"Carson san mo bako dadalhin?" Takang tanong ko kay carson habang naglalakad kami.
"Basta." Saad niya habang nakahawak sa mata ko.
"Kailangan ba talagang takpan mo pa yung mata ko." Takang tanong ko ulit sakanya.
"Hahaha! Ang kulit oo nga." Sabi niya na natatawa.
"Eh! Kase san ba kase tayo pupunta.?" Pangungulit ko ulit sakanya.
"Basta hazel surprise." Bakas sa boses niya ang tuwa.
Agad naman akong napaisip kung saan kami pupunta. Nagulat na nga lang ako na yayain niya ko at sabihing may papakita daw siya sakin. Akala ko nga hindi papayag si felix pero nagulat ako ng ngumiti pa ito samin.
Kung magngitian sila ni Carson kanina parang walang nangyareng pagaawayan sa pagitan nila. Pero mabuti nadin yung maayos na sila para wala nading gulo.
"Dahan dahan hazel." Saad ni carson habang inaalalayan ako.
"Andito na tayo?" Tanong ko sakanya dahil tinanggal niya na ang takip sa mata ko.
"Yes." Nakangiting sabi niya.
Pagtingin ko sa pinuntahan namin. Garden? Anong ginagawa namin dito sa Garden?
"Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ko. Imbis na magsalita siya at nginitian niya lang ako. "Ito na ba yung surprise mo?" Tanong ko ulit sakanya. Nakita ko naman siyang umling at tumingin sa langit kaya tumingin din ako dun. Hinahanap ko kung ano ba yung tinitignan niya dun pero wala naman puro bituin lang ang nakikita ko at buwan.
"Anong meron dito?" Tanong ko ulit sakanya. Ngumiti siya sakin at tinuro ang langit.
Ano ba kaseng meron dun? Bituin tsaka buwan anong gagawin ko dun?
Gulat naman akong napatingin sa kalangitan ng makarinig ako nang malalakas na putukan. Napanganga naman ako ng makita ko kung gaano kaganda ang Fireworks na nakikita ko. Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Ito ba yung surprise niya sakin?
"Nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong sakin ni Carson. Tumingin naman ako sakanya at nagtama ang mga mata namin.
"Sobra." Nakangiting sabi ko sakanya. Nakita ko namang napangiti siya. "Thank you." Pasasalamat ko sakanya at tumingin ulit sa kalangitian na binabalutan ng mgagandang kulay.
Nagulat naman ako ng hawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. Taka naman akong napatingin sakanya.
"Pwede ko bang hawakan ang kamay mo ng mahigpit kahit ngayun lang isipin natin na tayong dalawa lang ang nandito." Nakangiting sabi niya. Tumango naman ako kahit gulong gulo ako sa sinabi niya.
Magkahawak kamay lang kami habang pinapanuod ang Fireworks. Walang nagsasalita samin nakatingin lang kami sa Fireworks.
Naramdaman ko namang nakatitig siya sakin kaya napatingin ako sakanya. Ngumiti lang siya sakin.
"Nabalitaan ko meron kana daw heart donor." Saad niya habang nakatingin sa kalangitan.
"O-oo." Saad ko habang nakatingin sakanya.
"Sobrang saya ko para sayo." Saad niya pero nasa kalangitan padin ang paningin niya. "Magagawa mo na lahat ng gusto mo." Agad naman akong napangiti dahil sa sinabi niya.
"Oo nga. Gusto ko ngang malaman kung sino ang heart donor ko eh! Para magpasalamat sakanya." Nakangiting saad ko at tumingin sa kalangitan.

BINABASA MO ANG
FALLING FOR YOU (COMPLETED)
FanfictionSimpleng babae na walang hinangad kundi mapansin ng lalaking matagal nya ng Gusto. Paano kung mabaling sa iba ang pagmamahal nya?