Carson's POV
"O! Nakabusangot yang mukha mo." Bungad na tanong sakin ni edward pagpasok ko sa tambayan namin. Hindi ko nalang siya pinansin at padabog akong umupo.
Nakakainis umamin na nga ako wala manlang siyang reaction o sinabi. Hindi ko manlang nakitang kinilig siya at ngumiti. Hindi niya alam na nag-ipon pako ng lakas ng loob na umamin sakanya tapos yun lang pala ang mapapala ko para akong nabusted. F*ck
"For sure si hazel nanaman ang problema niyan." Saad ni aaron na may kaakbay na babae. Tinigan ko lang siya ng masama. "See." Nakangising sabi niya.
"Bakit anong nangyare sainyo ni Hazel?" Tanong naman ni Jack na busy sa Cellphone at pagnguya.
"Si Hazel kase eh.." Naasar na sabi ko. Nakita ko namang napatayo si edward sa gulat.
"Ano? Ano si Crush?" At lumapit siya sakin. Kinuha niya ang upuan at itinabi sakin. Hinihintay naman niya na magsalita ako. Napailing nalang ako.
"Umamin nako sakanya." Pag-amin ko sakanila. Nakita ko naman ang gulat sa mukha nila.
"O? Talaga anong nangyare?" Walang ganang tanong ni Vincent. Nakita ko namang naghihintay sila sa susunod kung sasabihin.
"Yun na nga eh! Umamin ako sakanya pero wala manlang akong narinig mula sakanya. Nagmamadali siya umalis na para bang. Basta Nakakaasar hindi niya alam na nag-ipon pako ng lakas ng loob para umamin sakanya akala ko kikiligin siya at sasabihing gusto din ako pero Wala." Napatingin naman ako sa mga mukha nilang gulat. -_-
"BUSTED." Sabay sabay na sabi nila. Natawa naman yung mga babaeng kasama nila Anong nakakatawa dun?
"ANO? Busted Hindi ah." Pagdedepensa ko.
"Sus! Hindi mo lang matanggap na si Hazel santiago lang ang Bumasted sayo. HAHAHAHA!" Natatawang sabi ni Jack.
"One point para kay Crush." Nakangiting sabi ni edward kaya tinignan ko siya ng masama.
Sige! Umisa kapa malilintikan kana sakin!
"Alam mo Inom mo nalang yan." Napatingin naman ako kay vincent na busy sa pag-ayos ng suot niya. "Tara Bar tayo." Tumayo siya at kinuha ang bag niya.
"Teka nga BAR? Ganitong tanghaling tapat bar? Ang lakas ng trip nyo ah." Nagtawanan naman sila sa sinabi ni Aaron.
"Eh ano naman. Wala namang pinipiling araw o oras ang Bar. Parang pananakit niya." Gulat naman kaming napatingin sakanya.
"Humuhugot kapa dyan! Napadede mo naba mga baboy nyo sa bahay." Natawa naman kami ng Sugurin ni vincent si Edward. Mga siraulo talaga.
"Pwede ba! Unggo manahimik ka! Try mo kayang magpakilay." Inirapan lang siya ni Edward at ngumuso ito ng parang bata. Napangiti nalang ako kase para silang mga tanga.
"Oo nga! Bar nalang tayo namiss ko uminom eh." Saad ni Jack at tumayo. Nakita ko namang binalingan niya ng tingin ang babaeng kaakbay niya kanina. "Sige na makakaalis na kayo." Sumunod naman ang mga babaeng mga kalandian nila. Hindi talaga sila mabubuhay ng walang babae -_- Hindi gumaya sakin na Stick to one lang kay Hazel ^_^ Bigla namang nawala ang ngiti ko ng maalala ko ang mukha niyang walang emosyon. Ayos lang alam ko namang ako padin ang mahal niya baka nagulat lang siya sa pag-amin ko.
"Tara na! Pare." Tinapik ni Edward ang balikat ko ng malakas kaya tinignan ko siya ng masama.
"Namumuro kana ah!" Akmang susuntukin ko siya ng bigla siyang tumakbo ng mabilis.
BINABASA MO ANG
FALLING FOR YOU (COMPLETED)
FanfictionSimpleng babae na walang hinangad kundi mapansin ng lalaking matagal nya ng Gusto. Paano kung mabaling sa iba ang pagmamahal nya?