Hazel's POV
"Grabe friend wala talaga akong masabi sa performance niyo kanina The best." Nakangiting sabi ni mia. Kanina pa siya ganyan. Kundi maganda. Nakakakilig Napapailing nalang ako sa mga nagsasabing bagay kami.
"Kanina mo pa sinasabi yan. Mas maganda naman yung performance natin noh." Pagsingit naman ni Miko. Napatawa nalang kami ni Felix dahil magsisimula nanaman sila mag-asaran. Naglalakad kami ngayun papunta sa Canteen.
"Parehas lang na maganda." Inis na sabi sakanya ni Mia napangiti naman ako sa reaction ng bestfriend ko. Hindi ko talaga siya maintindihan minsan eh. Minsan ang bait kay Miko tapos maya maya ang sungit. "Sayang nga friend hindi mo napanuod yung performance namin eh. Bakit ka nga ba kase nalate ng gising.?" Takang tanong ni mia. Nakita ko naman na napatingin sakin si Felix at hinihintay ang sagot ko.
"Nagpuyat kase ako nanuod ako ng Movie." Pagsisinungaling ko. Napa "Ah" Nalang sila.
Break time namin ngayun magkakasama kaming apat na pumunta sa canteen. Nakakatuwa nga dahil magkakaibigan na kami at wala na kaming hiyaan sa isat-isa.
"Ano order niyo?" Tanong ni Miko. Siya siguro ang bibili.
"Burger and drinks." "Burger and drinks." Nagulat naman ako dahil sabay pa kami ni Felix. Napatingin kami sa isat isa at sabay na yumuko. Nakita ko namang napangisi si Mia at Miko.
"Ehem! Meant to be sila." Pang-aasar nila Miko ramdam ko namang nag-init ang pisnge ko.
"Yieee. Yung kaibigan ko kinikilig." Tinignan ko naman ng masama si Mia dahil sa sinabi niya. Anong kinikilig? Hindi naman ako kinikilig ah. NagPeace sign lang siya sakin at ngumisi. May araw kadin sakin DELO SANTOS. "Sige iwan na namin kayo. Oorder lang kami." Nakangiting sabi niya at lumingon kay miko. "HOY! Natividad Halika na Umorder na tayo." At hinila niya si Miko para pumila. Napailing nalang ako sa ugali ng bestfriend ko.
Pagtingin ko kay felix nakayuko ito at namumula. Napangiti naman ako dahil ang cute niya. Gulat naman akong napaupo ng maayos ng tumingin siya sakin at ngumiti. Pilit naman akong ngumiti at umiwas ng tingin. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko dahil dun. Parati nalang nagkakaganito ang puso ko kapag kasama ko siya. Abnormal na ata ang puso ko. Napailing nalang ako sa naisip ko. Matagal naman nang abnormal ang puso ko eh Napabuntong hininga nalang ako sa naisip ko. Kelan kaya ako mabubuhay ng Normal. Kelan ko kaya magagawa yung mga pinagbabawal sakin?
"Ayos kalang?" Gulat naman akong napatingin kay felix.
"Huh?" Napangiti naman siya.
"Sabi ko okey kalang ba?" Ngiting tanong niya sakin.
"Oo naman." At umiwas ako ng tingin.
"Am. Hazel."
"Baket?"
"Wala naman tayong gagawin mamaya. Pwede kabang sumama sakin?" Nakita kong kinamot niya ang batok niya. Nagtaka naman ako Saan naman kami pupunta.
"Saan?" Takang tanong ko sakanya.
Nginitian niya lang ako at sinabing..
"Secret." Napangiti nalang din ako. at tumango
Hindi din nagtagal dumating nadin sila Mia. Natawa nalang ako dahil lahat ng pinabili namin ay bitbit lahat ni Miko at si mia ayun sinisigawan siya dahil mabagal daw si Miko maglakad. Napailing nalang kami ni Felix sakanilang dalawa.
"Ang tagal mo namang maglakad. Nakita mong gutom na gutom na kami." Pagrereklamo ni Mia ng makalapit si Miko na halata namang nangalay sa mga binitbit niya.

BINABASA MO ANG
FALLING FOR YOU (COMPLETED)
FanfictionSimpleng babae na walang hinangad kundi mapansin ng lalaking matagal nya ng Gusto. Paano kung mabaling sa iba ang pagmamahal nya?