Hazel's POV
"Kamusta na yung pakiramdam mo?" Bakas padin sa boses nila ang pag-aalala.
"Oo. Maayos nako. Nahirapan lang talaga akong huminga kanina." Nakangiting sabi ko para hindi na sila mag-alala.
"Sigurado ka friend?" Nag-aalalang tanong ni mia at hinawakan ang kamay ko.
"Oo. Promise." At tinaas ko ang kanang kamay ko. Nakita ko namang napangiti siya sa ginawa ko. "Tsaka mommy wag na kayung umiyak. Maayos nako." Saad ko sakanila. Dahil kanina pa sila umiiyak ni mia.
"Im sorry anak nagalala lang talaga kami ng daddy mo." Naiiyak na sabi ni mommy at lumapit sakin. Napangiti naman ako ng yakapin niya ko ng mahigpit.
"Wag napo kayong mag-alala. Maayos napo ang paghinga ko." Saad ko at kumalas sa yakap namin ni Mommy. Tinignan ko naman si felix na tahimik lang na nanunuod samin. Ngumiti ito kaya ngumiti din ako sakanya.
"Ano yung sabi ng doctor?" Nakita ko namang nagtinginan sila Mia. Hindi ko naman maiwasang kabahan dahil kakaiba ang tinginan nila. Parang may tinatago sila sakin?
"A-anak. Maayos kana daw sabi ng doctor. Magpahinga kanalang daw." Nakangiting saad ni daddy pero hindi padin ako nakukumbinsi dahil kakaiba talaga ang tinginan nila. Halatang may hindi sinasabi sakin.
"May dapat bakong malaman?" Saad ko habang tinitignan sila isa isa. Nakita ko naman ulit silang nagtinginan. Nakaramdam naman ako ng inis dahil sa ginagawa nila.
"W-wala friend." Utal na sabi ni mia. Magsisinungaling na nga lang halata pa!
"Dont lie to me Im not stupid. Ngayun sabihin niyo sakin yung totoong sinabi ng doctor tungkol sa kalagayan ko." Inis na sabi ko sakanila. Nakita ko naman silang napayuko at hindi nagsasalita lalo naman akong nainis dahil dun. Nakita ko namang tumayo si felix at umupo sa tabi ko nakatingin lang ako sakanya at hinihintay ang sasabihin niya.
"Wala naman siyang sinabi hazel eh." Saad niya pero hindi siya nakatingin sakin! Well hindi siya makatingin sakin.
"Pati ikaw felix magsisinungaling ka sakin." Inis na sabi ko sakanya. Napatingin naman siya sakin. "Anong sinabi ng doctor mamamatay nadaw ako."
"HAZEL!" Sabay sabay na sabi nila. Bakas sa mukha nila ang galit dahil sa sinabi ko.
"Baket?" Kunwareng tanong ko sakanila. Kahit alam ko namang hindi nila nagustuhan ang sinabi ko.
"Anak wag mo na ulit sasabihin yun ah! Naiintindihan mo." Gulat naman akong napatingin kay mommy ng sigawan niya ko. Kahit kelan hindi niya ko sinigawan ng ganito. Hindi ko alam pero bigla nalang akong naging emotional. Nakita kong hinawakan siya ni daddy para pakalmahin. Tahimik naman sila mia habang pinapanuod kami.
"M-mommy." Emotional na tawag ko sakanya. Dahil alam kung galit siya at yun ang pinaka ayokong mangyare ang nagagalit sakin si Mommy at daddy.
"Bakit ka ganyan! Bakit napakadali sayong sabihin na mawawala ka! Hindi mo ba alam na nasasaktan kami! Anak hindi kami sumusuko kahit napapagod na kami ng daddy mo. Hindi kami sumusuko at nawawalan ng pag-asa."
"Napapagod? Napapagod na pala kayo eh! Bakit hindi niyo nalang ako pabayaan. Hindi niyo naman kailangan gawin to eh!" Bakas sa mukha nila ang gulat dahil sa sinabi ko.
"Ano bang sinasabi mo hazel! Na pabayaan ka namin hazel anak ka namin Obligasyon namin na alagaan ka at ibigay lahat ng pangangailangan mo." Emotional na sabi ni Mommy pero bakas padin sa boses niya ang galit.

BINABASA MO ANG
FALLING FOR YOU (COMPLETED)
FanficSimpleng babae na walang hinangad kundi mapansin ng lalaking matagal nya ng Gusto. Paano kung mabaling sa iba ang pagmamahal nya?