Hazel's POV
"Friend san ka pumunta? nung pinalabas ka kanina ni maam." Nagaalalang tanong sakin ni mia. Break time na kaya naghiwalay na kami Felix dahil pupuntahan nya daw si Miko yung kaibigan niya. "Hoy! ano ba." Sigaw sakin ni mia habang kumakain ng Burger
"Ano ulit yun?"
"Ang sabi ko saan ka pumunta kanina?" Parang naiinis na siya dahil hindi ko narinig ang sinabi niya kanina.
"Sa library kasama ko si Felix." Para naman siyang nagulat dahil lumaki ang mata niya at tinignan ako ng mapang-asar na tingin.
"Alam mo friend. Pansin ko lang ah palagi kung nahuhuli si Felix na nakatingin sayo. Tapos kapag kinakausap mo siya kinikilig siya di kaya...." Binitin niya ang huli niyang sasabihin at tumingin sakin ng nakangisi. Baliw "Gusto ka niya." Napatulala naman ako sa sinabi niya.
Oo Mia alam ko.
"H-hindi magkaibigan lang kami." Pagtanggi ko.
"Sus! Hindi mo kase napapansin Friend ako napapansin ko eh. Tapos kanina lumabas siya para sundan ka. OMG. Ang haba ng hair mo."
Napatulala naman ako. Oo nga gusto niya ko masyado siyang inosente para sa gagawin ko.
Hazel, Para kay Carson.
"HUY! Alam mo nitong mga nakaraang araw. Napapansin kung lagi kang tulala baka isipin ko niyan eh nababaliw kana." Oo Mia mababaliw nako sa kakaisip.
Napabuntong Hininga nalang ako. Dahil hindi ko naman alam ang gagawin ko.
"Mia." Tawag ko sakanya. Sakto namang nakatingin siya sakin kaya nagtama ang paningin namin. Nakikita ko na nagaalala siya. "Kapag ba may gusto kang isang tao. Lahat gagawin mo para sakanya.?" Para naman siyang nagulat sa tanong ko. Pero tumingin sya sakin ng maayos at seryoso. She's Serious now
"Oo. Kahit mali ganun naman diba pag nagmahal ka.. Hindi mo na nalalaman na nakakasakit kana ng iba.." Bakas sa boses ni mia na seryoso siya. "Kahit na may masaktan. Basta para sakanya Basta para sa taong mahal mo handa kang magpakatanga." Tumingin sakin si mia ng Seryoso. "Pero minsan hindi din healthy yun kase tanga kana nakasakit kapa ng iba." At umiling iling siya tsaka tumingin sakin "Bakit mo naitanong?"
Nagulat naman ako.
"Pano kung hilingin ng taong mahal mo na may saktan kang iba? Ang kapalit ay sya papayag kaba?" Natulala naman siya sa tanong ko.
"Grabe yang mga tanong mo ah! Pero sige sasagutin ko. Para sakin Hindi Hindi ko gagawin." Seryoso niyang sabi.
"Bakit hindi.?" Seryosong tanong ko sakanya
"Hindi na pagmamahal ang tawag dun. Pagiging tanga at desperada na yun. Papayag ka sa gusto niya tapos may sasaktan kang iba. Siguro nga makakasama mo ang lalaking gusto mo pero yung sinaktan mo? Gagamit kayo ng inosente para sainyong dalawa. Hazel hindi na pagmamahal yun at kapag ginawa mo yun maniwala ka sakin sa Huli ikaw lang ang magsisisi." Natulala naman ako sa sinagot niya.
Pero Mia mahal ko siya. kaya kung gawin ang lahat para lang sakanya.
"Teka nga bakit ba tinatanong moko sa mga ganyan." Halata sa mukha niya ang irita.
"Hahaha! Nothing Trip ko lang itanong." Nakangiting sambit ko sakanya.
I'm Sorry Felix
Felix's POV
"Hindi nga pare? Talagang talaga?" Gulat na gulat si miko sa kinuwento ko sakanya.
BINABASA MO ANG
FALLING FOR YOU (COMPLETED)
FanfictionSimpleng babae na walang hinangad kundi mapansin ng lalaking matagal nya ng Gusto. Paano kung mabaling sa iba ang pagmamahal nya?