chapter 3

1K 27 2
                                    

Jade's Pov

Naalimpungatan ako dahil sa mahihinang katok sa pinto ng kwarto ko

"Jade anak gising kana at kumain ka na dito sa baba" rinig kong sabi ni mama ..

nakaramdam naman agad ako ng gutom naalala ko na hindi pa pala ako nakapaghapunan kagabi.

Tumayo na ako at dumiretso na sa banyo para makapaligo at makapagbihis narin.

Nang matapos bumaba na ako nakita ko ang maaliwalas na mukha ng nanay ko

"Blooming ata ang nanay ko ah" biro kong sabi sa kanya

"Hay naku kumain ka na huwag mo akong pagtripan" sabi niya sakin

"May dapat ba akong malaman " asar kong sabi sa kanya minsan ko lang kasi makita si mama na maaliwalas ang mukha parang may bago

"Ewan ko sayo kumain kana diyan" sabi niya pa sakin habang hinahalo ang niluluto niyang adobo

Pagdating ko sa school medyo konti pa lang ang estudyante dahil narin siguro sobrang aga ko ...

Habang naglalakad ako naramdam ko na may Pumatak na tubig ..

uulan pa ata sunod sunod narin ang patak kaya pinandungan ko ang ulo ko gamit ang mga kamay ko para hindi mabasa..

laking gulat ko na hindi pala tubig ang tumutulo kundi malapot na likidong kulay pula malansa narin ang amoy nito kaya ang tangi ko nalang nagawa ay ang tumingala at tingnan ito ..

"Ahhhhhhh" sigaw nang isang estudyante na nakakita rin hindi ko narin napansin ang pagdami ng estudyante sa paligid ko ...

sobrang nakakatakot ang itsura ng lalaking nasa 3rd floor na parang isinabit sa may railings ng building at naliligo sa sarili niyang dugo ..

Dumating na ang mga gwardiya at mga guro upang paalisin kami at walang pinayagang may umakyat sa 3rd floor ng building kundi ang mga magiimbestiga lamang...

"Bessss alam mo na ba ang balita " sigaw ng madaldal kong kaibigan

"Gem kalapit mo lang ako huwag kang sumigaw"

..naglalakad kasi ako ngayon papuntang room sakto naman na kasunod ko lang din sila nasa likuran niya si trisha habang busy sa pagbabasa ng dala niyang libro

"Nakakatakot yung nangyari nakumpirma na si Jiro yung namatay" dagdag pa niyang sabi

"Sino yun " sabi ko sa kanya parang narinig ko na yang pangalan na yan hindi ko lang maalala kung saan

"Hello siya yung nakabangga mo kahapon remember" sabi nya sakin sa maarteng boses

"Ahhh siya pala yun"

"Ano kayang nangyari at pinatay sya" sabat na sabi ni trisha

"At pano mo namn nalaman na pinatay siya" tanong ni Gem sa kanYa

"Narinig ko kanina..siya kasi ang usapan sa buong school eh" sagot ni trisha kay gem

Pinakikinggan ko nalang sila nakakatamad kasing magsalita

"Ikaw anong masasabi mo sa mga nangyayari bes" tanong sakin ni Gem

"Ewan"

kahit ako wala ring ideya kung bakit siya namatay o baka nga pinatay siya maraming possibility

"Karma narin siguro yun ni jiro sa dami ba naman ang pinahirapan niyang lower students at binully dito talagang may magtatangka o gustong makaganti sa kanya" tuloy pang sabi ni Gem

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon