Chapter 8

738 25 1
                                    

Jade's Pov
Hanggang ngayon magkayakap parin kami ni Gem pero kumalma narin siya at tumigil na sa pagiyak. Napabitaw naman ako ng pagkakayakap sa kanya dahil biglang dumating si Trisha..

"Nandiyan lang pala kayo... kanina ko pa kayo hinahanap" hinihingal niyang sabi sa amin habang nakangiti..

Napangiti nalang kami ni Gem sa sinabi ni trisha at nilapitan narin namin siya.

Dumeretso nalang kami sa canteen dahil late narin naman..kami sa next subject ..kaya napagdesisyunan na lang namin na kumain...

"Totoo ba ang sinabi ni elisa about sa tatay mo gem" takang tanong ni trisha...

Ay oo nga pala hindi pa niya alam.. nanahimik na lang ako at hinayaang si gem ang magpaliwanag..

"Hah hindi ah ...naniniwala ka dun??? sa malditang yun eh maypakatsismosa yun kaya andaming nakakalap na maling inpormasyon" nakangiti niyang sabi kay Trisha ..hindi ko rin siya masisisi kong ayaw niya pang ikwento sa iba..

"Ay oo nga pala noh paanong magiging kriminal ang tatay mo eh patay na yun diba" pagsang-ayon ni trisha sa sinabi ni gem..

Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan silang masayang magkausap at nagkukulitan.. bumalik na ulit ang mga ngiti na una kong nakita kay gem. ..

Nakarating na kami sa canteen at umorder narin ..napansin ko sa bandang dulo ng aming kinakainan sila sleepy boy kasama ang kanyang dalawang kaibigan mukhang may mahalaga silang pinaguusapan mga seryoso kasi mukha nila...

Sakto naman na habang nakatingin ako sa kanila napalingon rin siya sa pwesto namin ..nagkatitigan kami ni sleepy boy ng limang segundo bago ako nagiwas ng tingin..

" hindi rin siguro siya pumasok" nasabi ko na lang sa aking sarili

"Ayeeeiiihh may nangyayaring sulyapan" biro ni gem sa akin

Namula naman ako dahil nakita niya na tinitingnan ko si sleepy boy.

" huwag ka ngang istorbo sa pagsusulyapan nila ...gem" saway ni trisha kay gem...

"Ewan ko nga sa inyo ..bilsan ninyo na magsisimula na ang next subject natin" pagiiba ko sa kanila ng usapan..

Sumunod naman sila sa sinabi ko at dali dali naman nilang sinubo ang mga pagkain nila ..natatawa na lang ako dahil sa pagmamadali nilang dalawa muntik muntikan na silang mabulunan..

Christ's Pov
Mabuti naman at nagsialisan na ang mga estudyante at dahil dun nagkaroon na ng katahimikan ang loob ng canteen hindi narin kami pumasok dahil boring lang ang mga tinuturo ..kasama ko ngayon sila Mark at Andrei mga tropa ko sila mula noong gradesix ako ..magkakaklase kami ngayon pero dahil sa dakilang tamad ang dalawang ito tuwing may exam lang sila pumapasok...ewan ko ba kung anong nakain nila ngayon at pumasok sila..

"Balita ko maganda daw ang bagong transfer student " sabi ni mark saamin umiiral na naman ang pagkababaero nito ..

"Oo nga matapang pa... akalain mo yun after 3 yrs may kumalaban ulit kay elisa" natatawa pa niyang sabi saamin..

Napatingin naman ako sa tatlong babaeng kumakain sa dulo ..sakto naman na nakatingin sa akin si noisy girl kaya tumingin rin ako sa kanya...limang segundo din bago siya nagbawi ng tingin kaya nagiwas narin ako ..at itinuon na lang ang aking pansin dito sa dalawa kong kausap ..

"Change topic pagusapan na natin ang dapat pang pagusapan" sangat ko sa kanilang dalawa ..

"Nabalitaan ninyo na ba ang nangyari kay jiro" tanong ko sa kanila

"Sa tingin ko parang mauulit ang mga nangyari noon 3 yrs ago" sabi ni mark

"Paano mo naman nasabi yan mark" takang tanong ni andrei kay mark nakatingin lang ako sa kanila

"Narinig ko lang yun kay daddy kasi sa paraan ng pagpatay kay jiro matigas na bagay ang pinanghampas sa ulo niya at halos madurog na ang bungo nito natatandaan ninyo ba kung paanong namatay yung tatlong lalaki 3 yrs ago katulad din yung nangyari kay jiro durog din ang mga bungo ng tatlo" mahabang lintanya ni mark kung nagtataka kayo anak kasi ng isang detective si mark at yung detective na yun ay ang siyang nagiimbestiga sa mga kaso sa school na toh

" hindi ba't nahuli na ang pumatay sa tatlo at kay Mrs. Veronica 3 yrs ago at ang salarin mismo ang sumuko " sabi ni andrei kay mark

"Ewan ko lang minsan kasi narinig ko sila daddy na naguusap kasama pa ang ibang pulis na binayaran lang daw yun para akuin ang kasalanan" paliwanag ni mark sa amin.

"So may 50% na totoo yun o hindi totoo pero atleast may possibility na nandito parin ang killer at pagala gala lang sa loob ng red blood academy" sagot ko sa kanila

"At may malaking chance din na may kinalaman dito ang pagkamatay ni therese" pahayag ni mark sa amin ..

Palihim nalang akong Napapangiti dahil sa mga ideyang pumapasok sa isip ko ..alam ko na malapit ko nang malaman kong sino ang nakatago sa likod ng mga maskarang ito....
"ako ang huhuli sayo para mabigyan ko ng katarungan ang pagkamatay ni therese at ako ang lulutas sa mga misteryosong nangyayari ngayon" sabi ko sa aking isipan....

Pinilit ko na lang na alisin sa isip ko ang mga nangyari noon kay therese...

kriiinnnnngggggggg.....

Natigil ako sa aking pagiisip nang marinig ko ang malakas na bell ng paaralan ..hudyat na magsisimula na ang kasunod na subject..napansin ko rin na tumayo narin ang grupo nila noisy girl siguro papasok narin nagcutting din ata sila kanina dahil sila ang napagtripan ni elisa ..

Naputol ang aking pagiisip ng umimik si andrei
"Paano ba yan pasok muna tayo"

"Oo nga kawawa naman ang mga chicks ko masyado na nilang namimiss ang gwapo kong mukha" mahanging sabi ni mark sa amin

"Gago walang nakakamiss sayo" sabat naman ni andrei kay mark

"Anong wala ang sabihin mo nagseselos ka lang kasi wala na naman akong atensyon sayo" biro na sabi ni mark kay andrei

"Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo mark hindi tayo talo" sagot naman ni andrei

Napapailing na lang akong napatayo at nilagay ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ko at naglakad na habang ang dalawa naman ay patuloy paring nagtatalo o sabihin na nating nagkukulitan ..hindi na ako magtataka kong magkakatuluyan sila ..

Pero ang mas nakakapagpabilis ng puso ko ngayon ay ang paghuli sa misteryosong killer.. nakakaramdam nanaman ako ng excitement na ngayon ko lang ulit naramdaman ....

--------------itutuloy----------------

Dont forget to click the star button...=D

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon