chapter 6

770 30 1
                                    

Jade's Pov

Isang linggo narin buhat nang pumasok ako sa red blood academy..wala namang magagandang nangyayari natigil narin ang usapan tungkol sa pagkamatay ni jiro dahil pinagbawal ito ng department ng school..

Sa loob ng isang linggo hindi rin natigil ang mga pambubully tulad ni Elisa na walang sawang manakit ng mga estudyante minsan pa nga ako ang pinagiinitan tulad ngayon umiihi lang ako pinabuhusan niya ako sa kanyang mga julalay ng isang timbang tubig diba ang saklap mabuti nalang palagi na akong may dalang extra uniform..

Palagi ko narin nakakausap si sleepy boy na hanggang ngayon hindi ko parin alam ang pangalan wala na rin naman akong balak na alamin pa dahil panay tango at hindi lang ang sinasagot niya sakin ewan ko ba dun sa lalaking yun kung tamad lang ba talaga magsalita ..

Lumabas na ako ng cr nakapagpalit na rin ako ng uniform ..papunta kasi ako ngayon ng canteen.. nauna ng pumunta sila gem at trisha doon kanina ..at dahil nga sa umihi ako pinauna ko nalang sila..

Habang naglalakad napadaan ako sa malaking puno ng narra nahagip ng aking mga mata yung babaeng maputi ..siguro tambayan niya yun ..natanong ko na lang sa aking sarili.

Nilapitan ko yung babaeng maputi tutal naman siya ang una kong nakausap dito noong nagsimula akong pumasok sa school na ito...

"Hi miss ano nga pala pangalan mo" tanong ko sa babae nang makalapit ako ..nakatalikod lang siya sakin na parang di ako narinig ..mahaba ang kanyang buhok nakasuot rin siya ng uniform kaya alam ko na estudyante din siya dito.

"Anong pangalan??mo alam mo palagi kitang nakikita dito" patuloy kong sabi sa kanya kaso no reaction parin siya

"Therese" nagulat ako ng bigla siyang nagsalita ang lamig ng boses niya kasabay ng malakas na hangin ..

"Jade!!!" Rinig kong sigaw sa pangalan ko kaya nilingon ko kung sino ang tumawag sakin

"Jade kanina ka pa namin hinihintay antagal mo naman" inip na sigaw sakin ni gem habang papalapit sa kinaroroonan ko

"Ano nga palang ginagawa mo dito" takang tanong sakin ni trisha

" ahh may kinausap lang ako " nakangiti kong sabi sa kanila kaya lumingon na ako kay therese ..pero wala akong nakitang therese na kausap ko lang kanina

"Hah sino " tanong nilang dalawa sakin

"Ay umalis na ata eh tsaka ko nalang siya ipapakilala sa inyo" sagot ko sa kanila

Sumangayon naman silang dalawa kaya naglakad na kami patungong canteen ..

"Alam mo ang tagal tagal mo nagutom tuloy ako" sabi sakin ni gem tapos si trisha naman ay prenteng nakaupo ..

"Kumain ka nalang para tumahimik ka gem" sagot ni trisha kay gem

"Tseh" nagaasaran lang silang dalawa habang kumakain

Nahagip naman ng aking paningin si sleepy boy na kumakain kasama ang dalawang lalaking kaibigan niya ..pansin ko nitong mga araw hindi na siya palaging natutulog at may kasama narin siya ..

"Hoy huwag mong katitigan baka matunaw yan sige ka lalo kang mawalan ng magandang view" birong sabi sakin ni Gem with matching sundot sundot sa aking tagiliran

"Ano ba hindi ko kaya tinititigan ..tinitingnan lang" palusot kong sabi sa kanya habang nakikinig lang naman samin si trisha

"Ganun din yun aber Tinititigan at tinitingnan iisa lang ang meaning" pahabol niyang sabi sakin...nagiwas nalang ako ng tingin sa kanya at sinubo ang burger ko ..

"Diyan ka nagkakamali Gem bes ang tinititigan ay nakatingin lang sa isang bahagi at ang tinitingnan naman ay buong bahagi ang sinusuri" sabat ni trisha sa amin

"Ah basta iisa lang nais iparating nun noh tinitingnan at tinititigan iisa lang din yun basta may mata ka at may nakikita ka yun na yun" patol naman ni Gem kay trisha

Ano daw lalo akong walang naintindihan sa kanila ..nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko nang mapansin ko na lumalapit sa amin si Elisa ..ano na naman ba ang problema nito

"What a coincidence nagsamasama ang isang nerd, anak ng kriminal at ng papansin" sabi sa amin ni elisa kasabay ang nangungutyang tingin sakin o sabihin na nating sa aming tatlo

" ano na naman bang kailangan mo" matapang na sagot ni Gem kay elisa

"Wala lang at isa pa bawal makialam ang anak ng isang kriminal dito" sabi ni elisa kay Gem ..

Naguguluhan ako sa mga nangyayari dito paanong naging anak ng kriminal si gem sumasakit lang ang ulo ko sa kaiisip.. napansin ko naman si gem na itinitikom ang kanyang kamay na parang nagtitimpi ..

"Hindi kriminal ang tatay ko" sigaw ni gem kay elisa

"Oh oh chill huwag kang magalit pinapaalala ko lang sayo kong saan ka nababagay " mapangasar na sabi ni Elisa kay Gem

" elisa tama na kung wala kang magandang sasabihin pwede bang umalis ka na " gigil kong sabi sa kanya

"Seriously ang ganda ng combination ninyong tatlo " nakatawa niyang sagot kasabay din nito ang bulung bulungan ng mga estudyante na kumakain rin sa canteen ..nalibot naman ng paningin ko si sleepy boy at kanyang mga kasama na nanunood lang sa amin..

"Anak ng kriminal ,ang Nerd at ang papansin" malakas niyang ulit samin

" sabi ngang hindi kriminal ang tatay ko eh " mangiyak ngiyak na sabi ni Gem kay elisa

"Oh akala ko ba matapang ka nasaan na ang tapang mo kanina hah " sabi pa ni elisa

"Tama na ang panlalait mo sa amin elisa" sabat na sabi ni trisha

" may lakas na pala ng loob si nerd guys oh" sigaw ni elisa sa mga kasama niya kasabay din ang matinding hiyawan at tawanan ng mga naroroon

" hoy anak ng kriminal umiiyak ka na ba??" Tanong ni elisa kay gem ..alam kong nagpipigil lang si gem

"Gem hayaan mo na sila" bulong ko sa kanya

"Iiyak na yan!!! Iiyak na yan!!!" Sigaw ni elisa kaya sumigaw narin ang lahat ng nasa loob ng canteen nababalot ng matinding ingay sa loob ...napadako ulit ang paningin ko kay sleepy boy at sa dalawa pa niyang kasama patuloy lang silang kumakain na parang walang alintana sa ingay ng mga estudyante sa paligid ...

Napansin ko naman na tumakbo nang palayo si Gem kaya ang nagawa ko nalang ay ang sundan siya.. nakita ko naman na lumabas narin si trisha siguro susundan niya si Gem.

"May karma karin Elisa" yun nalang ang tangi kong nasambit bago ako umalis at sundan sila Gem..

------------>>>>
------------- >>>>itutuloy :D

Dont forget to click the star button

Salamat sa mga nagbabasa ng story ko kaht na boring :)) ..

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon