chapter 48

236 3 1
                                    

Jade's Pov

Madaming nangyari nitong mga nakaraan na araw naikwento ko narin ang tungkol samin ni christ kay trisha alam kong crush niya ang lalaking mahal ko una nagtampo siya pero naayos din naman namin ang tampuhan na yun eto nga at hinihintay niya ako sa may gate ng school para sabay kaming papasok..

si elisa hindi niya ako pinapansin alam kong galit siya pero hindi ko masisisi sarili ko kasi nagmamahal lang din ako ..

si christ araw araw akong nakakakita sa locker ko ng white roses at teddy bear with letter kaya hindi ko maiwasan na hindi kiligin tuwing umaga ...

si gem maayos na ang lagay niya yun nga lang hindi pa siya nagigising namimiss ko na siya..

agad akong kumaway kay trisha ng makita ko siya nginitian naman niya ako at pinuntahan ..

sabay kaming naglalakad papasok ng gate ...

masaya kami nagkukwentuhan ng may maramdaman akong kakaiba

halos lahat ng mata nakatitig sakin ..

bigla akong napatigil sa paglalakad gayon din si trisha na agad na hinawakan ang kamay kong nanlalamig..

"trisha bakit ganito" tanong ko

"bes ewan ko eh" sagot naman niya

"well well nandito na ang malanding babae" malakas na sigaw ng isang babae na sa pagkakatanda ko alipores noon ni elisa

at agad namang tumingin sakin lahat ng mga estudyanteng may pandidiring mga mata mga matang nangaasar mga matang akala mo'y may nagawa kang mali..

"bes excuse lang " paalam ni trisha sakin habang tinataas ang kanyang telepono

tinanguan ko lang siya

agad na may sumampal saking mukha hindi ko manlang nailagan sa bilis ng pangyayari..

"you bitch wala kang karapatan para lukohin si christ ang landi landi mong babae ka" sigaw sakin ng babaeng makapal ang makeup

" anong kasalanan ko" sigaw ko din habang hawak hawak ang pisngi kong sinampal niya

"nagmamaangmaangan kapa ikaw na malanding babae ka hindi ka nababagay sa prince namin" sigaw naman sakin ng isa niya pang kasama habang nakikisangayon naman ang karamihan

"ano ba sinasabi ninyo" tanong ko

"ahh wala kaparing alam look" agad niyang hinampas sakin ang mga printout picture sa mukha ko

sumusobra na siya sa kakahampas sakin huh....

"what the hindi ako yan hindi" sigaw ko sa kanila habang ang mga mata ko'y nagiinit na dahil sa mga luhang nagbabadyang pumatak

agadkong itinapon ang mga picture ko na nasa isang bed scene habang nakikipaghalikan

"hindi ako yan set up lang ang lahat ng yan" sigaw ko sa kanila kahit na alam kong walang maniniwala

alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang gawin ang mga bagay na yan..

agad akong tumakbo papalayo sa kanila sa mga taong puro panlalait lamang ang mga mata...

mabilis kong tinatanggal ang lahat ng nakikita kong mga picture na nagkalat sa campus at agad na sinisira at itinatapon sa basurahan..

kahit na pagod na pagod ako katatanggal ng mga nakadikit na sinungaling na picture na ito ...

nakita ko naman sa isang sulok ang mga kalalakihan na estudyante na nagkukumpulan

agad akong lumapit at dahil busy sila sa kakapanood nila ng walang kwentang bedscene at mukha ko ang nakalagay mabilis kong inagaw ang phone na yun inihampas at dahil sa galit ko tinapakan ko narin hanggang sa madurog ...

napatulala lang sila sa nagawa ko kaya umalis nalang ako ..

tumigil narin ako sa pagtatanggal ng mga walang kwentang picture ko na nakadikit sa pader

nakita ko naman si trisha sa paglalakad ko

"trisha" tawag ko
mangiyak ngiyak akong lumapit sa kanya

imbis na yakap at pagkalinga ng isang kaibigan ang matatanggap ko isang malakas na sampal lang naman sa kaliwang pisngi ko

biglang nagtuluan lahat ng luha ko na kanina pa nagbabadya

"trish let me explain hindi ako yan maniwala ka"

"wala akong kaibigang malandi at higit sa lahat wala akong kaibigan na manloloko" sigaw niya sakin

naestatwa lang ako sa aking kinatatayuan habang walang ampat na tumutulo ang aking luha

walang buhay akong naglalakad nang may humarang sa dinadaanan ko agad kong iniangat ang aking paningin sa kanya...

"pinapatawag ka sa guidance office with your mom" walang buhay niyang sabi

pinagmasadan ko ang mga mata niyang dati ay maamo ngayon makikita mo ang pandidiri sakin

"christ magpapaliwanag ako hindi ako yun trust me set up lang ang lahat" pagmamakaawa ko sa kanya

agad siyang tumalikod sakin ni hindi niya manlang ako mantingnan ng buo ..

sobrang sakit ang tangi kog nararamdaman sa mga oras na ito

umiiyak na tinawagan ko si mama sa phone at mabilis naman niyang nasagot at papunta narin siya dito sa school

hindi ko alam ang mga nangyayari wala akong alam ...mabilis kong sinalubong si mama sa gate at dumeretso agad kami sa office wala man lang nagsasalita sa aming dalawa habang kamiy nakaupo sa harap ng guidance councelor..

"alam ninyo po bang may mga scandal video ang nagkakalat sa buong campus at halos ito ang usap usapan at higit sa lahat napalaki ng reputasyon ang nasisira sa school na ito dahil sa anak ninyo" deretsong sabi ng guidance councelor kay mama habang may pasulyap saakin na animoy nangdidiri

"ma maniwala ka po hindi ako yun" umiiyak kung sabi ..imbis na akoy kanyang kausapin nanatili lamang siyang walang imik

"ano po ngayon ang mangyayari sa anak ko" tanong ni mama sa mababang tono

"may nangyari naring ganitong insedente noon alam ba ninyo ang ginawa pinagbayad namin sila ng triple para sa mga damages na ginawa lalo na masisira na naman ang pangalan ng school pero sa kaso ng anak mo hindi ba't isa siyang scholar dito maaari siyang matanggalan ng scholar at makakapagbayad ng multa dahil sa pagsira ng reputasyon ng paaralan" mahaba niyang paliwanag

sobrang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko alam kung ano ang gagawin ko wala kaming sapat na pera..

"anong klaseng school ba ito puro reputasyon ng school ang iniisip ninyo paano naman ang anak ko biktima lang siya nasaan ang mga lalaking kasama niya sa video sa mga pictures bakit kami lang ang nandito" galit na sabi ni mama bahagya pa akong nagulat sa aking pagkakayuko dahil sa lakas ng boses niya

"Misis matagal nang suspende ang mga sinasabi ninyong tao ang iba naman lumipat na ng school" paliwanag niya lalo akong nawalan ng pagasa sa aking mga narinig

"ede iaalis ko nalang sa paaralang ito ang aking anak" sabi niya

para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni mama may nagsasabi sa parte ng isip ko na huwag umalis.

"alam naman ninyo ang patakaran sa school na ito bago ninyo ipasok ang anak ninyo Misis" makahulugan niyang sabi sa amin at muli siyang sumulyap sa akin

"jade tumayo ka na aalis na tayo" biglang sabi ni mama na ngayon ay hilahila na ako palabas

"hindi ka basta basta makakatakas jade" rinig ko pang sabi ng guidance councelor habang papalabas kami

mabuti nalang nagsimula na ang klase kung kayat wala na akong nakikitang mga matang mapanghusga...

-----itutuloy----
salamat sa patuloy na pagsuporta  =))

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon