chapter 19

631 22 1
                                    

Jade' Pov

Paglingon ko tumambad sa akin ang maamong mukha ni trisha..

"Anong ginagawa ninyo dito"  tanong niya saamin nang may pagtataka.

Nakahinga narin ako ng maluwag akala ko kung sino na ..tumingin naman ako dito sa bata na hanggang ngayon ay nakatulala parin ..

"Miss ayos ka lang ba" tapik kong mahina sa bata

"Anong nangyari sa kanya" tanong sa akin ni trisha

"Ewan naabutan ko nalang na umiiyak" sagot ko sa kanya ...

Sa pangalawang beses niyugyug ko na yung bata natauhan naman siya dahil sa ginawa ko ..

"Bata ayos ka na ba" nakangiting tanong ni trisha ..

Tahimik lang na tumango yung bata

"Ano nga palang pangalan mo " tanong ko sa kanya

"Dianne po grade 7 section A" sagot niya ..

"Dalhin ka na namin sa clinic" pagpresenta ni trisha ..

Tumayo na ako at itinayo ko na si dianne para makapunta kami sa clinic ..

"Ano nga pala ang ginagawa mo dito ..diba uwian na" taka kong tanong kay trish..nakakapagtaka lang kasi bigla siyang sumulpot ..

"Hoy bruha kanina pa ako naghihintay sayo antagal mong umihi" nagitla naman ako sa malakas na sigaw ni gem ..bigla namang nawala ang pangamba ko..

Tiningnan lang siya ni trisha..

"Anong nangyari" tanong niya sa amin  ..

"Wala maya ko nalang ikwento sayo dalhin muna natin siya sa clinic" sabi ko sa kanya ..

Lumabas na kami ng cr habang nakahawak parin ng mahigpit si dianne sa aking kamay .. nginitian ko lang siya

"Ate salamat ano nga po palang pangalan ninyo" tanong niya sa amin ..nang makarating kaming apat sa clinic.. isa isa naman kaming nagpakilala sa kanya ...nagpaalam na kami sa kanya matapos naming ihatid siya sinabi rin naman niyang mauna na kami kaya wala na akong nagawa..

Naglalakad lang kaming tatlo patungong gate ng biglang may sinabi si gem

"Diba siya ang nakakabatang kapatid ni jiro"

"Oo nga noh..siguro apektado parin siya sa nangyari sa kapatid niya kaya ganun nalang ang takot niya" sabat naman ni trisha kay gem ..

Patuloy lang akong nakikinig sa usapan nilang dalawa hanggang sa makalabas kami ng school ..nagpaalam na ako sa kanila na mauuna na dahil magaaral pa ako ..

Nasa tapat na ako ng bahay namin ng may nakita akong nakaparadang pulang kotse ..siguro may bisita si mama ..

Tuloy tuloy na akong pumasok sa bahay ng tumambad sa akin ang isang babae na nakaupo sa may sala may edad narin ito dahil halata sa kanyang mukha ang kulubot na balat dala ng katandaan halatang may kaya ang ginang dahil sa suot nitong alahas sa leeg at ang kanyang daliri ay napupuno ng mamahaling singsing na may bato ..nagkasalubong naman kami ng tinginan ..

Nakita ko rin si mama na lumabas ng pinto ng kusina ng may dalang pitsel at baso kayat pinuntahan at tinulungan ko siyang magdala ..

"Nariyan ka na pala anak" bati niya sa akin habang kinukuha ko ang dala niyang baso ..tumango nalang ako sa kanya at tiningnan ko siya ng nagtatanong ..

"Kanina ka pa niya hinihintay " sagot niya sa akin

"Bakit daw po ." Tanong ko

"Gusto ka niyang makausap " sabi ulit sa akin ni mama

Sumunod naman ako kay mama ..patungong sala ..ipinatong ko sa mesa ang baso at umupo sa harapan nung babaeng bisita namin ..

"Ano po ang ipinunta ninyo dito" tanong ko agad sa kanya ..

"Ikaw ba si jade" tanong niya sa akin

"Opo bakit po" sagot ko nagtataka talaga ako hinawakan niya agad ang aking kamay na nakapatong sa lamesa medyo nagulat pa ako ng hawakan niya ito ..tiningnan ng matandang babae si mama ..

"Iwan ko muna kayo" paalam ni mama sa amin at tumayo na sinundan ko naman ng tingin si mama papuntang kusina ..

Tumikhim naman ang babaeng nasa harapan ko kaya napatingin ulit ako sa kanya ..

Mabilis kong hinugot ang kamay ko na hawak niya ..naiilang kasi ako sa ginagawa niya ..

"Patawarin mo ang apo ko iha" maamo niyang pakiusap sa akin ..masyado akong naguguluhan sa nangyayari ..

"Pasensya ka na kung hindi ako nakapagpakilala sayo ng maayos" ulit niyang sabi sa akin ..habang akoy nakakunot noo siyang tintingnan

"Ako nga pala ang si Amanda ang lola ni jacob" nakaramdam naman ako ng takot at panginginig ng tuhod sa pagkarinig ng pangalan ng ex ko..

" ano pong kailangan ninyo sa akin ..matagal na kaming tapos ng apo niyo" makahulugan kong sabi sa kanya

"Iha alam ko kong ano ang nangyari at sa ginawa ng apo ko sayo pero pakiusap patawarin mo na siya at kalimutan ang mga nangyari" maluha luha niyang sabi sa akin ..

"Ano siya sinuswerte na basta ko nalang siya papatawarin at kalimutan ang ginawa niya sa akin" galit kong sabi sa kanya alam kong nawawalan ako ng galang sa matanda pero hindi ko makontrol ang galit ko

"Nakikiusap ako sayo iha kailangan ka ng apo ko nasa hospital siya ngayon  dahil pinagtangkaan niya nanamang patayin ang kanyang sarili dahil sa pagkawala mo" malungkot niyang sabi sa akin..NANAMAN ibig sabihin hindi lang unang beses siyang nagpatiwakal..

"Hindi ko na po kasalanan kong bakit nasa hospital siya ngayon" inis kong sabi.. ibig sabihin ako pa may kasalanan kong bkit nasa hospital ang apo niya..

"Maawa ka sa apo ko nakikiusap ako sayo kailangan ka niya" pagmamakaawa niya ..lumuhod narin siya sa aking harapan ayaw ko ng ganito lalo akong nahihirapan ..

"Tumayo po kayo ..umalis na po kayo dito dahil kahit na anong gawin nyo hindi ko na po babalikan ang apo niyo" paliwanag ko habang pinapatayo ko siya sa aking harapan ..

"Kailangan ka niya please balikan  mo na siya parang awa mo na" umiiyak niyang sabi ..ganun naba ang pagmamahal niya sa apo niya...

Tinawag ko  na si mama para samahan palabas ang matanda ..

Narinig ko nalang ang pagugong nang sasakyan at nakita ko si mama na palapit sa akin..

"Ayos lang yan anak alam ko pagdating nang panahon kaya mo ng makalimutan ang mga nangyari" sabi sa akin ni mama ng makalapit sa aking harapan

"Ma mali ba ang desisyon ko" tanong ko sa kanya

"Hindi mali ang naging desisyon mo ..nasa sarili mo yun kung ano ang gusto mong mangyari malaki kana alam mo na ang mali at tama" nakangiti niyang paliwanag sa akin habang hinihimas ang aking mahabang buhok ..

"Salamat ma" nakangiti kong sabi sa kanya.

Nagpaalam na ako na aakyat sa kwarto ko para magbasa...

Nagbihis na agad ako ng pambahay na damit ko at umupo na agad sa study table ko kinuha ko narin ang mga libro na kailangan ko para sa pagrereview..nakahalumbaba lang akong tinititigan ito habang binubuklat buklat ..

Ano na naman kaya ang magyayari bukas..

Itutuloy...

Salamat po sa mga nagbabasa ng storyang ito ..

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon