chapter 21

601 19 0
                                    

Jade's Pov

Maaga akong nagising ngayon dahil ito rin ang araw ma pinakahihintay ng lahat at tinatawag ko itong hell day ..

"Anak hindi ka naman siguro kinakabahan niyan ano" sabi sa akin ni mama habang pinagtitimpla ako ng kape

"Bat ako kakabahan ma..nagaral naman ako" sagot ko sa kanya

"Huwag mo nang itago anak alam kong kinakabahan ka ..nakatatlong tasa ka na kaya ng kape"nakangiti niyang sabi sa akin sabay hila na upuan at umupo sa tabi ko...

Hindi kaya ako kinakabahan i swear...

"Alis na po ako ma"paalam ko sa kanya nang matapos na akong makapagalmusal ..

"Sige good luck ..galingan mo anak"

Lumabas na ako ng gate at naglakad na papuntang school tutal maagap pa naman ..tsaka na ikwento ko rin yung tungkol sa deal namin ni elisa kay mama  kaya alam nya yun ...

Nang makarating ako nakasalubong ko sila gem at trisha ...

"Bes goodluck huwag kang magpapatalo hah" nakangiti nilan bati sa akin ..

"Ako pa ba ..sige goodluck rin sa inyo" paalam ko sa kanila ..

Naupo na ako pagdating ko sa room marami rami narin ang tao sa loob ..pansin ko naman sa iba mga wala pang tulog tapos may nagrereview parin ...

Pumasok na rin ang tatlong kumag mga nagsiupo na sila at isa pa hindi mo mapapansin sa kanilang tatlo na kinakabahan..

10 min. Bago magsimula ang exam ..

Tumunog na ang bell saktong pagpasok ng adviser namin namay dalang makakapal na testpaper ..

Isa isa nya na itong iniabot sa amin ..

"Cheating is not allowed ..kapag nahuli ko kayo automatic zero.. may 1 1/2 hrs kayo para magsagot start" sabi sa amin ng adviser namin na nakalimutan ko na ang pangalan..

Binasa ko na ang exam ..what the malulugaw agad ang utak ko ..Math agad

Questions and Answers

1.Factor 6x2 + 17x + 12.

A. 
(3x+3)(2x+4)
B. 
(2x+3)(3x+4)
C. 
(3x-3)(3x-4)
D. 
(2x+3)(3x+2)
E. 
(2x-3)(3x-2)

2.Solve the system of linear equations:x + 2y = 93x - 4y = - 33

A. 
X = 3, y = -6
B. 
X = 3, y = 6
C. 
X = 2, y = 7
D. 
X = -3, y = 6
E. 
X = 9, y = 12

4. 
Find the equation for a line that passes through the two points (3,4) and (1,-10).

A. 
Y = 7x - 17
B. 
Y = 7x + 17
C. 
Y = x/7 - 17
D. 
Y = x/7 + 10
E. 
Y = x/7 - 10

Nagsimula na akong magsagot ...after 45 minutes nakita kong nagpasa na si christ ng kanyang test paper ambilis niya hindi ba siya nahirapan.. sumunod naman sila andrei at mark na nagpasa ...wait bakit ko ba sila pinapansin kailangan ko  munang magfocus..

10 minutes left at tapos ko ng sagutan ang test paper ko chineck ko muna ito at sinugurado kong tama ang mga sagot ko bago ko ito ipasa..

Pagkatapos naming sagutan ang math sumunod ang history ang hihirap ng mga tanong as usual hindi na ata ito panghighschool ...

"Times up" sigaw ng adviser namin matapos ang 4 1/2 na oras ng sunod sunod na pagsasagot namin sa tatlong subject ..

Lumabas na ako ng room ..papuntang canteen para kumain ng lunch dahil nakaramdam ako ng gutom ..

Umorder na ako at napansin ko sila gem at trisha sa may dulo kaya naglakad ako papunta sa knilang pwesto ..

"Naubos ang braincells ko eh" rinig kong sabi ni gem habang ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa sentido

"May braincells ka pala" sagot naman ni trisha sa kanya ..

Humila na ako ng mauupuan ko kaya napatingin sila sa akin ..

"Andyan ka napala"

"Wala pa gem ..andun palang ako oh nakikita mo ba" pampipilosopo ko habang nakaturo sa may pinto ng canteen

"Kumusta ang exam" natatawang tanong sa akin ni trisha

"Ayun ang hirap mas mahirap pa sa daga" sagot ko ..

"Ang pilosopo mo talaga jade ihate you" nakapout na sabi ni gem sa akin. .. na ikinangiti ko nalang ..hindi ko nalang sila pinansin at sinubo ko na ang aking pagkaing binili..

Natapos na akong kumain at nagpaalam na sa kanilang dalawa ang kupad kasi kumain kaya iniwan ko na ...

Pagpasok ko sa room napansin kong nakatingin sa akin si elisa at biglang ngumiti ng nakakaloloko ..hindi ko nalang pinansin may sapak na ata ..nagderetso na agad ako sa aking pwesto ..

Saktong pagkaupo ko tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na naman ang madugong pageexam kaya ko nasabing madugo nakakadugo kasi ng utak ...dumatimg narin si maam at ibinahagi na sa amin ang mga test paper at sinimulan na namin itong sagutan...

10 minutes left at sampung tanong nalang ang natitira sa huling subject na sasagutan ko pigang piga na ang utak ko...kaya minimaynimo ko nalang bahala na si batman...

"Times up" sigaw ni maam sakto naman na tapos na ako iniabot ko na agad sa kanya ang test paper ko ...

Dinismiss niya na kami kaya nagsilabasan na kami ng room nauna na akong lumabas dahil naiirita ako sa mga kaklase ko ...

"Sana manalo ka sa deal niyo ni elisa" bigla sabi sa akin ni mark

"Syempre mananalo yan matalino kaya si jade diba jade" sabat naman ni andrei ..

Nasalikuran ko pala silang tatlo hindi ko napansin..nagnod lang ako sa kanila dahil tinatamad akong magsalita...

"Goodluck.. i wish you have more luck " nagulantang naman ang aking sistema sa narinig kong boses ..teka bakit ba ako kinikilig sa sinabi ni christ simpleng goodluck lang naman yun..

"Sa- salamat"nauutal kong sabi sa kanya habang nakalingon..kasabay din ang pagbilis ng tibok ng puso ko ano ba nangyayari sa akin ngayon..

"Tsss.." yan na naman ang tsss... niya nakakaimbyerna panira ng moment..

Nagpatuloy na akong maglakad habang nakasunod sila mark at andrei sa aming dalawA ni christ

Napasulyap naman ako christ na nakapokerface lang na naglalakad habang ang dalawang kamay ay nakalagay sa kanyang bulsa ..bakit parang ang cool niyang tingnan..napailing naman ako sa aking iniisip ..

"Your like an idiot" rinig kong sabi niya ng hindi nakatingin sa akin ...

"Ano may sinasabi ka"

"Wala"

Tsk problema ba nitong lalaking ito naglakad na ako ng mabilis para hindi ko na sila makasabay uminit na ang ulo ko ...

Nakarating na agad ako sa bahay nagtungo agad ako sa may kusina at nakita ko si mama na nanggagawa ng mga frozen foods katulad ng hotdog longanisa etc. ito nga pala ang trabaho ni mama diyan siya kumikita ..

Kumuha na ako ng plato at sumandok ng pagkain ayaw ko ng istorbohin pa si mama kumain na ako pagkatapos hinugasan ko na ang aking pinagkainan ..at nagpaalam na agad kay mama na pupunta na ng kwarto ko ..nagnod naman siya medyo busy siya ngayon dahil maraming umuorder sa kanya ...

Umakyat na ako patungong kwarto ko at nagbihis na ng pambahay na damit nakaramdam naman agad ako ng pagod..kaya dumeretso na agad ako sa aking malambot na kama at humiga hinayaan ko naman na dalawin na ng antok...

---itutuloy----

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon