chapter 26

638 18 2
                                    

Jade's Pov

Dahan dahan akong lumapit sa puno ng narra ..

Ilang dekada na kaya itong punong ito...kung titingnan masyado ng matanda at sobrang laki talaga ..

Ng makalapit ako sa puno ..walang bumungad na therese sa akin ..

Saan na ba yun

"Im here" biglang nagtaasan naman ang balahibo ko sa narinig kong malamig na boses..

Dahan dahan akong lumingon sa aking likuran ...

Pero Wala

Lumingon rin ako sa kanan at kaliwa wala parin ...

Halos mapatalon ako sa gulat ng tumambad sa aking harapan ang multong si therese...

"Papatayin mo ba ako"

Tanong ko sa kanya habang sapo sapo ko ang aking dibdib ..sobrang nakakagulat kasi ang ginawa niya ...

"Hindi pa ...dahil may tutuparin ka pang pangako" sabi niya saakin ..

Anong hindi pa..ibig sabihin may balak talaga siyang patayin ako ...unahin ko na kaya ang multong ito ..

"Ano ba gusto mong pagusapan natin"

"Ang bilis mo namang makalimot"
Ngayon ko lang nalaman na pati pala ang multo nagpapout...

"Kidding ..hindi ko lang kasi alam kung saan ako magsisimula"

"Alam kong malalaman mo yun dahil ang mga sagot ay nasa loob lng ng paaralan na ito"makahulugan niyang sabi sa akin ..

Kung sabagay ..siguro maraming mga estudyante ang nakakakilala sa kanya lalo na parang magkasing edad lang kami ...

"Alam mo naman palang nandto ang mga sagot sa tanong mo bakit hindi nalang ikaw ang maghanap ng sagot " prangka kong sagot sa kanya

"Hindi ako basta basta nakakaalis sa punong ito"

"Weh paanong hindi ka nakakaalis ..sumama ka nga sa akin noon sa aking bahay "

"Oo nga nakaalis ako noon pero agad agad rin akong bumabalik sa lugar na ito dahil may kung anong enerhiya ang humihila sa akin pabalik dito at isa pa nanghihina ang aking kaluluwa sa oras na humihiwalay ako sa punong narrang ito"

Wala akong masabi ...ibig sabihin kailangan talaga niya ako ..

"Hay ano pa bang magagawa ko" nasabi ko nalang sa multong kaharap ko..

Nakita ko naman na biglang lumiwanag ang kanyang mukha ..

Siguro masaya lang siya

"Salamat"

Pagkasabi niyang yun unti unti na ulit siyang nawala ...

Itong punong ito siguro ang naging tahanan niya ...

Ay shit si dianne" sambit ko may usapan nga pala kaming magkikita ngayon ..sana nandun pa siya ..

Nagdali dali na akong naglakad papuntang gate ...dahil palubog narin ang araw hindi ko na napansin pa ang oras dahil sa pakikipagusap ko kay therese...

Pagkalabas ko ng gate hinanap ko agad si dianne pero sa kasamaang palad walang Batang naghihintay sa akin...

Napabuntong hinga nalang ako ...

Siguro hindi niya na ako nahintay ...umuwi na ata ...bukas ko nalang siya kausapin ...

Naglakad na ako papuntang bahay para naman makapagpahinga na agad ..sobrang napagod ako ...

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon