chapter 28

597 22 4
                                    

Jade's Pov

Ito ang unang gabi nila sa bahay ...

Unang gabi na nagdala ako ng kaklase sa bahay ..

At higit sa lahat unang gabi ng pakikipagsapalaran sa mga ugali nila ...chossss ang oa ko na masyado ...

Huwag lang silang gagawa ng hindi maganda ...hinding hindi ako magdadalawang isip na ipatapon sila sa labas...

Ano ba itong naiisip ko...

Huminga muna ako ng malalim at dahan dahan binuksan ang pinto ng bahay ...

Tumingin naman ako sa apat ...

Baka magbago ang isip ..

"Ano bayan hindi mo pa ba kami papapasukin"
Maarteng sabi ni elisa sa akin ...

Inirapan ko lang siya ...

Binuksan ko na agad ang pinto ...

Agad kong nakita si mama sa may sala na may dalang walis tambo...

Biglang nagsipasukan agad ang mga kasama ko ..mga feel at home ...

"Hi tita "

"Hello tita"

Agad na bati ng apat kay mama ....

May pahalik halik pa silang apat nalalaman mga feeling close ...

Ngumiti lang si mama sa kanilang apat ..

"Maupo muna kayo ...kayo ba ang mga kaibigan ng anak kong si jade"

"Ma hindi ko sila kaibigan mga kaklase ko lang sila" angal ko

"Hay pasensya na kayo sa anak ko ganyan lang siya mahiyain"

Nakangiting sabi ni mama sa apat na agad na ikinatuwa nila ...

"Mahiyain ka pala jade hindi mo man lang sinabi sa amin"
Pangaasar sa akin mark ..

"Tita ako nga po pala si Mark ang pinakagwapong kaibigan ni jade"

Naku naku ang hangin..talo pa ang tatlong electric fan sa bahay

"Ako naman ang pinakamaganda sa klase , Elisa"

Sabay ipit ng kanyang buhok sa kanyang tainga ....Yabang ...

"Ako naman po si andrei ang mas gwapo sa kanya"

Sabay turo niya kay mark ...

"Ano?? masgwapo ka pa sa akin ...sabihin mo ako ang nagbigay ng kagwapuhan sayo ...naawa lang ako sayo kaya binigyan kita"

Pagyayabang na naman ni mark ...

Napapailing nalang ako sa kanila ...nakita ko naman na tuwang tuwang si mama habang kausap sila ...

"Ako naman po tita si Christ ...ang pinakagwapong nilalang sa kanila"

Seryoso niyang sabi sa amin...

Ano daw ..nabingi ata ako ..

Ngayon ko lang siya narinig na nagmayabang ...may sira narin ata ito

"Ano palag ka" biglang sabi niya habang nakatingin sa akin ...

Hindi na ako nakapagsalita masyado ng mahangin sa loob ...

"Walang papalag sayo christ alam na namin yun"

Malanding Sambit ni elisa ...sabay kindat kay christ ..

Ang landi ng bruha ...

"Oh siya maiwan ko muna kayo...jade iakyat mo na sila sa taas doon nalang kayo gumawa ng mga gagawin niyo ..dadalhan ko nalang kayo ng pagkain"

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon