chapter 59

65 2 0
                                    

Jade's Pov

"lino" nanghihina kong sambit sa pangalan niya

Tuluyan narin siyang bumagsak

"huwag gumising ka hindi ka pwedeng mamatay hindi kapa tapos magbayad ng mga kasalanan mo"  umiiyak kong pakiusap

"jade let's go" sabi sa akin ni christ na ngayon ay natanggal na ang pagkakatali sa akin

"hindi christ hindi huwag natin siyang iwan please" umiiyak kong sabi

" tara na jade umalis na tayo dahil anumang oras guguho na ang gusaling ito" paliwanag niya sa akin habang pinapakalma ako

"pe-pero sila nasaan sila" tanong ko

"ligtas na sila kaya umalis na tayo"

Nanghihina akong tumayo habang hawak hawak ako ni christ

Isang malakas na pagyanig ang naramdaman ko dahilan sa pagkakabitaw ni christ sa akin

Muli kong inihakbang ang mga paa ko mula sa kanya nang maramdaman kong may nakahawak sa mga paa ko

"hindi ka makakaalis dito mamatay tayong magkakasama dito" humahalaklak niyang sabi habang gumagapang

"ano ba bitawan mo siya therese" sigaw ni christ sa kanya

"kinakampihan mo na siya ngayon akin kalang christ akin lang" nababaliw niyang sabi

"wala akong sinungaling na kaibigan" tugon niya

"kaibigan hindi bat sinabi mong mahal mo ako na magsasama tayo hanggang sa dulo" malungkot na sabi ni therese

"ang therese na sinabihan ko ng ganun ay matagal ng patay" galit niyang sabi

Mahigpit na hinawakan ni Christ ang kamay ko at hinila ako patungo sa kanya

Unti unti narin bumabagsak ang ibang parte ng gusaling ito

Kaya't sinipa ko ang kamay ni therese na nakahawak sa mga paa ko

Mahigpit niya parin itong hinahawakan

Habang si christ naman ay hindi ako binibitawan

"bitiwan mo na siya ate" isang pamilyar na tinig ang aming narinig

"thrisha anong ginagawa mo dito umalis kana huwag mo akong guluhin" nanginginig na tugon ni therese sa multong si thrisha

Napabitaw naman bigla si therese sa mga paa ko

Tumingin ako kami kay thrisha ngumiti at tumango lamang siya sa amin

"tara na" bulong ni christ sa akin

"magsasama na tayo ate hindi na tayo maghihiwalay pa"

"layuan mo ako layuan mo ko"

Ang mga huling katagang narinig ko mula ng makalabas kami sa gusaling gumuguho

Pagkalabas namin agad kaming sinalubong ng mga pulis at mga paramedics na handang sumaklolo sa amin

"marami siyang sugat please tulungan ninyo siya" nagaalalang pakiusap ni christ

Agad akong inihiga sa stretcher bed doon ko rin naramdaman ang sakit ng mga sugat at panghihina ng katawan ko

"jade nandito lang ako sa tabi mo magpahinga kamuna hindi ako aalis" mahinahong sabi ni christ sa akin habang nakahawak sa mga kamay ko at hinahalikan ito

Tanging pagtango at ngiti lamang ang naitugon ko sa kanya

At dahan dahang bumibigat ang talukap ng aking mga mata

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon