chapter 5

879 31 0
                                    


Christ's Pov

Mahigit isang oras na ako dito sa clinic hindi parin kasi nagigising itong si noisy girl ..pinagmamasdan ko siyang mabuti ang cute niya pala kapag tulog tulo laway pagtripan ko kaya ito kinuha ko ang cellphone ko at kinilick ko ang camera evil smile tinago ko na ulit ang cellphone ko at tinitigan ko ulit siya antagal naman nito magising ..

" you cought me staring, but i cought you staring back" nagulat ako ng bigla siyang nagsalita habang nakangiti..naalala pa pala niya yung sinabi ko

"Tch" yan nalang nasabi ko ..tumayo na ako alam ko na naman na ok na siya

Napatigil ako ng hinawakan niya bigla ang kamay ko

"Problema mo" sabi ko sa kanya

"Eto naman ang sungit para mag thankthankyou lang eh" sabi niya sakin habang binibitawan ang kamay ko

"Ahh ok" katamad kasi magsalita

"Ano nga palang ginagawa mo sa stock room" taka niyang tanong sakin

"Sleeping" maikli kong sagot .

"Bakit ka dun natutulog hindi kaba natatakot" tanong niya pa sakin hindi ko nalang siya pinansin

Lumabas na ako ng clinic medyo madilim na ang paligid at mangilan ngilan na lng ang estudyante..napansin ko naman na nakasunod parin sakin si noisy girl

"Ano pa bang kailangan mo" tanong ko sa kanya kanina pa kasi siya nakasunod sakin eh

"Kain naman tayo samahan mo ako sa canteen" sabi niya sakin kasabay ang pagkapit sa laylayan ng damit ko

"Tsk"

Pumunta na ako ng canteen naupo na ako at hinayaan si noisy girl na umorder nang kanya ..malaki na siya kaya niya na yan tutal naman siya ang nagyaya...

Naramdaman ko na umupo siya sa harapan ko dala dala ang tray na may lamang pagkain.

"Gusto mo" tanong niya sakin habang ngumunguya ng burger

Umiling na lang ako wala akong ganang kumain lalo pat kasabay siya...

"Alam mo na ba ang balita dun sa namatay na estudyante yung si jiro" andaladal naman nitong babaeng to ..hindi niya ba nahahalata na ayaw ko siyang kausap

"Hey kausapin mo naman ako" tuloy niya pang sabi

"Ano ba Pangalan mo" yun nalang nasabi ko sa kanya hindi ko talaga alam eh

"Seriously hindi mo pa alam pangalan ko" taka niyang tanong sakin

"Magtatanong ba ako kung alam ko na" seryoso kong sabi sa kanya

"Ako nga pala si Jade Marie lopez..Jade for short" pagpapakilala niya sakin habang nakalahad ang kanyang kamay...tinitigan ko na lang ito napansin naman niyang wala akong balak kunin..

Kaya imbis na ibaba ang kanyang nakalahad na kamay kinuha niya ang kaliwang kamay ko at nakipagshakeshand ..ok ok sya na

"Alam mo ang suplado mo" inis niyang sabi sakin sabay bitaw sa kamay ko

"Gusto ko bakit" sabi ko sa kanya

"Tapos ka na rin namang kumain..uuna na ako sayo" paalam ko sa kanya kaya tumalikod na ako at naglakad palayo

"Wait ano nga ba ang pangalan mo" sigaw niya sakin

"Christopher Kurt" sabi ko sa kanya ewan ko lang kung narinig niya ..

Jade's Pov

Tingnan mo yun napaka suplado kinakausap pa bigla nalang akong tatalikuran lumabas na ako ng canteen ..at inalala ang mga nangyari kanina sa stockroom.

Totoo kaya ang nakita ko kanina pero sino siya bakit siya galit na galit ..
Nagmula ng nag16th ako palagi na akong nakakakita ng mga espiritu pero yung iba hindi naman nakakatakot minsan pa nga umiiyak lang sila sa madilim na sulok at walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanila parang may sarili silang mundo..Ngayon lang ako nakakita ng espiritu na galit na galit at gustong makasakit nang tao ...

Naglakad nalang ako pauwi samin malapit lang din naman madilim narin sa daan dahil 7 pm na ..hindi naman ako takot sa dilim pero nung nakita ko yung babaeng nakaitim nakaramdam nanaman ako ng takot ..inalis ko nalang sa isip ko ang nangyari kanina ..

Nakarating na ako sa bahay binuksan ko na ang pinto nakita ko rin si mama na hinihintay ako sa sala binati ko siya at hinalkan sa pisngi

"Bakit gabi na ata ang uwi mo" mahinahon niyang sabi sakin

"May nangyari lang po sa school ma pero naayos ko narin po agad" sabi ko kay mama para d na siya magalala pa

"Oh siya kumain ka naba" tanong niya sakin

"Opo ma akyat na po ako sa taas gagawa pa ako ng assignment ko po eh" paalam ko kay mama at dumiresto nasa itaas

PagPasok ko sa kwarto ko napansin ko yung magazine na binili ko sa ibabaw ng study table ko ..hindi ko pa nga pala ito nababasa ..nagbihis muna ako at umupo sa study table ko at binuklat ang magazine tungkol sa school na pinapasukan ko

Red blood academy.. sambit ko sa pangalan ng school ko

Nalaman ko na kaya pala naging pangalan niya ay red blood academy dahil noong panahon ng kastila ay nagkaroon dto ng madugong labanan..and 3 years ago lng nagkaroon dito ng massacre then after 7 days nasolve agad ang kaso at nahuli agad ang salarin dahil doon naging sikat ang red blood academy dahil sa bilis ng imbestigasyon ..

Yun lang ang nakalagay dito yung ibang details hindi na importante hindi man lang nilagay kung ilan ang namatay ano ba yan ...may pagkamisteryoso din pala ang red blood academy ..

Pagkatapos kong magbasa nahila na agad ako ng antok ...

" jade nasaan ka na hindi ka makakatakas sakin" nakangiting sabi niya sakin habang akoy nagtatago sa ilalim ng table

"Huli ka " nakangising wika niya

"Bitawan mo ako ayaw ko na nga sayo hindi mo ba ako naiintindihan" naiiyak kong sabi

" tandaan mo ito akin ka lng akin lang" patuloy niyang sabi sakin na para siyang baliw hinawakan niya ang mukha ko at pilit itong hinahalkan patuloy lang ang pagagos ng luha ko kaht na anong sigaw ko walang nakakarinig

"Huwag" sigaw ko napahawak agad ako sa aking ulo at yumakap sa unan at doon humagulgul ..isang bangungut ng nakaraan na patuloy kong tinatakasan ...

---------------------------->>>>>>>>>
Salamat sa mga nagbabasa dont forget to click the star button and comment narin kayo =D

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon