chapter 16

642 23 1
                                    

Jade's Pov

Nagising ako dahil sa liwanag na nanggagaling sa aking bintana ... umaga na pala nakatulog pala ako sa kaiisip kagabi.. napatingin naman ako sa aking alarm clock napatayo naman agad ako at nagdali dali ng ginawa ang ritual sa aking katawan ..halos 5 minutes lang akong naligo ..tumingin ulit ako sa aking relo 7:10 na binilisan ko na ang aking kilos at nagpaalam na agad kay mama hindi na ako kumain sa ...school na lang siguro malalate na ako  ...

At sa wakas nakaabot din saktong 7:29  ako nakarating sa room ko tinakbo ko na nga halos.. napatingin naman ako sa aking mga kaklaseng abala sa pagrereview seryoso talaga sila sa exam next week ...nakita ko naman yung tatlong lalaki na nagkukulitan...si elisa naman ansama na naman makatingin ewan ko ba dian kong bakit galit na galit sa akin ...

Umupo na lang ako sa aking upuan sakto naman na dumating na si maam nagdiscussed lang siya nang nagdiscussed sumunod naman ang next subject namin kagaya ng nauna nakikinig lang ako ...

At sa wakas natapos narin tumayo na ako para pumunta sa canteen napatigil naman ako dahil sa may humawak sa aking kamay ...

"Bakit" tanong ko sa taong kumapit sa kamay ko ...

"Tsk" sabi sa akin ni sleepy boy habang binitawan na ang kamay ko ..napataas naman ang kilay ko matapos niyang hawakan ang kamay ko tsk. Lang ang sasabihin sa akin ...

Tumingin naman ako ng masama sa dalawa niyang kasama na kanina pa tawang tawa ...

Tumalikod na alang ako sa kanilang tatlo at naglakad na.

"Pre ang hina mo naman bakit hindi mo masabi" rinig kong sabi ni mark kay sleepy boy 

"Mahina ka pala pre" sabi naman ni andrei

"Tigilan ninyo nga ako" rinig kong sabi naman ni sleepy boy

Tanging narinig ko nalang ang makas na tawanan nila mark at andrei ..nacurious tuloy ako kung ano nga ba ang sasabihin sa akin ni sleepy boy ...

"Aray" sigaw ng nabunggo ko kung mamalasin ka nga naman ..pinagpatuloy ko nalang ang aking paglalakad ..

"Hoy babae ..i said stop" sigaw ni elisa sa akin na halata ang galit sa boses

Tumigil naman ako at itinuro ang aking sarili naninigurado lang ..

Inis naman siyang lumapit sa akin kasama ang kanyang dalawang alalay na mukhang espasol sa sobrang kapal ng foundation

"Alam mo ang tapang mo" sabi niya sa akin

"Problema mo ba" tanong ko sa kanya

"Ikaw ..ikaw ang problema ko..hindi bat sinabi ko sayong huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita" duro niyang sabi sakin

"Lagot ka ngayon" sabi ng isa niyang alalay na mukhang espasol

"Dapat tinuturuan yan Ms. Elisa ng leksyon para magtanda" sabat naman ng isa pang mukhang espasol

Nakipagtitigan na lang ako kay elisa ..wala eh tinatamad akong magsalita ...

"At isa pa layuan mo si christ" sabi pa niya sa akin ..napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya sa akin..

"Bakit hindi mo sabihin yun sa kanya at isa pa tigilan mo na ako" sabi ko naman kainis pagselosan ba namn ako ..

"Ganto nalang kapag napasama ka sa top 3 titigilan na kita pero kung hindi gagawin kong delubyo ang buhay mo sa eskwelahang ito at lalayuan mo si christ" banta niya sa akin nanghahamon ba siya pwes hindi ko siya aatrasan..

"At paano naman ako makakasiguradong tutupad ka sa pangako mo" paninigurado ko

"Sila christ at ang kanyang dalawang kasama ang magpapatunay" sabay turo niya sa aking likuran .nakita ko naman si christ na nakakunot ang noo na parang naguguluhan binulungan naman siya ni mark kung tungkol saan kung bakit siya nadamay ...wala namang nabago sa kanyang ekspresyon pagkatapos sabihin ni mark tapos tuloy tuloy lang siyang naglakad pabalik sa room ...diiiwow hindi man lang nagcomment napaka talaga nitong lalaking ito nakakainis siya ...

"Ok deal" sagot ko kay elisa napangiti naman ang bruha ..na parang sinasabi na sa kanya na ang tagumpay ...

Narinig ko naman na tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na ulit ang klase what the hindi pa ako nakakapagrecess kasalanan to ni elisa eh.  Binilisan ko naman na tumakbo at bumili na agad ng biscuit at tubig dumeretso na ako sa room mabuti naman at late si sir kinain ko muna ang pagkain ko sakto naman na pagdating ni sir tapos na akong kumain ..
Katulad nang mga naunang subject nagturo lang din siya at sumunod naman ang kasunod na subject halos inantok na ako dahil kulang nalang ikwento ng teacher namin ang kanyang talambuhay ...at sa wakas makakain na dahil tapos na ang klase  ..dumeretso na agad ako sa canteen kanina pa kasi nagwawala ang mga alaga ko sa tiyan umorder na ako ng pagkain ..nakita ko naman ang dalawa kaya pumunta na ako sa kanilang table...

"Whatz Up" bati ko sa kanila habang umupo sa kanilang tabi ..

"Hoy gaga ano naman ang nabalitaan namin na hinamon si elisa" sabi ni gem sa akin ..

" hindi ako ang nanghamon siya ang bida bidang naghamon sa akin " paliwanag ko sabay subo ng pagkain ko

"Alam mo ba na mali ka ng binangga mo"sabat naman ni trisha

Napatingin naman ako sa kanila

"Suportahan ninyo nalang ako" sabi ko sa kanila napailing nalang sila sa akin...
Ah bahala na nga si batman

"Teka ano bang Top ni elisa" tanong ko sa kanila

"Siya lang naman ang top 2 sa section ninyo" nagulat naman ako sa sinabi ni trisha sa akin..

"Ang malala pa hindi yun malinis sa laro at isa pa anak siya ng principal alam naman natin na gagawin niya ang lahat huwag lang matalo" paliwanag ni gem ...

Sumakit tuloy ulo ko sa kaiisip..napahawak na lang ako sa aking sentido nakakastress...

"Sino naman ang top 1" tanong ko pa sa kanila

"Hayanaku hindi mo parin kilala syempre si christ wala pa sa kanyang nakakatalo mula nung grade 7 palagi na siyang nangunguna tapos ang top 3 naman ay si Mark sumunod ay si Andrei and last is si Myrna" mahabang paliwanag sa akin ni Gem ...at mukha pa siyang kinikilig nung binanggit niya si Mark hah...

"Teka sino ba yung Myrna"

"Hindi mo siya kilala"

"Hay naku gem magtatanong pa ba ako kung kilala ko na"

"Siya yung palaging kasama ni Elisa na makapal magmakeup tapos yung isa naman ay si myra actually kambal silang dalawa" paliwanag sa akin ni trisha ...napatango na lang ako kaya pala magkamukha yung dalawang alalay ni elisa eh kambal pala ...

Natapos na ang lunch nagsipunta na kami ng classroom namin ...

Naglesson lang ng naglesson ang lahat ng subject dahil narin siguro sa nalalapit na exam nagbibigay sila ng mga reviewer ...at sa wakas matatapos na ang araw na ito ...

Naglakad na ako papuntang amin ..nakita ko naman si mama na may kausap sa cellphone na halatang masaya ...nagkiss naman ako sa kanya at umakyat na sa aking kwarto para magreview dahil kailangan ...nagpadala nalang ako kay mama ng pagkain para hindi na ako bumaba pa...

Andami ko ng nabasa ..at alasdose na ng hatinggabi ako natapos siguro matutulog na muna ako ..nahiga na ako sa aking kama at unti unti nang dinalaw ng antok....

---- itutuloy---

Dont forget to click the star button :))

Sorry sa mga errors :))thanks sa lahat ng nagbabasa ..chao

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon