chapter 55

203 3 1
                                    

Jade's POV

Nagising ako sa mainit at masangsang na amoy sa aking silid

Napakadilim ng paligid at bakit hindi ako makagalaw sa aking pwesto

Ng muli kong igagalaw ang aking kamay mga tunog ng kadena lamang ang aking narinig

Nahihilo kong inilibot ang aking paningin at dun ko lamang napagtanto na hindi ito ang silid ko

Bigla ko rin naalala ang paghampas sa aking ulo ng papauwi ako mula sa aking bahay

"nasaan ako" bulong ko

Wala akong makita puro dilim lamang ngunit may naririnig akong mga patak ng tubig at mga huni ng daga

Anong lugar ito wala akong matandaan

Isang malakas na pagbukas ng pinto at nakakasilaw na liwanag ang nakapagpapikit sa akin

Ng dahan dahan ko muling imulat ang mata ko dun ko lang nakita kung ano ang kalagayan ko

Nakapangschool uniform parin ako ngunit puro bahid ng dugo at alikabok at mga buhok ko na hindi na maayos nakatali

Ako na nakaupo sa isang bakal na upuan habang nakakadena ang dalawang kamay at sa aking harapan mga karneng nabubulok

Gusto kong masuka sa mga nakikita ko

"oh youre awake" nakangiting sabi niya sa akin

"kumain muna tayo before tayo magusap" sabi niya sa akin habang inuurong ang upuan sa kabilang dulo ng lamesa

"ano bang kailangan mo sa akin trisha" tanong ko sa kanya

"ohh wait i forgot to untie you..dont worry beshy may mga kasama ka wait lang ill call them na" natutuwa niyang sabi sa akin

"ano ba trishaaa" sigaw ko sa kanya
Habang siya naman ay tumatakbong lumabas mula sa silid

Nagbago na siya sa pananalita at sa mga kilos hindi ko na siya kilala para siyang sinaniban ng demonyo

Hindi ko siya maintindihan kung bakit niya ako kailangang itali at hampasin

Bumalik siya habang akay akay niya ang isang babae na sabog ang buhok at nanghihinang tumayo

"lakad bilisan mo" sigaw niya

"el-elisa" tawag ko sa babaeng hawak ni trisha

"trisha anong ginawa mo sa kanya" kinakabahan kong tanong

"chill jade ...elisa sit" sigaw niya kay elisa at tinulak patungo sa isang silya sa tapat ko at muling lumabas

"elisa ayos kalang ba" nagaalala kong tanong sa kanya lumuluha lamang siyang tumingin sa akin bago umiling

"nageenjoy ba kayo" tanong ni trisha habang papasok muli

At dun lalo akong kinabahan dahil ang kanyang kasama ay si Gem na nakaupo sa wheel chair habang nagpupumiglas at nakatali ang mga kamay at bibig

"anong ibig sabihin nito trisha" tanong ko sa knya ng tuluyan nasiyang nakaupo

"hindi ba malinaw sayo jade akala ko ba matalino ka" nakakaloko niyang sagot

"kumain na muna kayo masarap yan" sabi niya habang nakatingin sa nabubulok na karne sa aming harapan

"elisa kainin mo ito masarap ito" malambing niyang sabi kay elisa habang hinihiwa ang isang parte ng karneng nabubulok

Dahan dahan siyang lumapit kay elisa at pilit hinawakan ang mukha nito at binubuka ang bibig nito hanggang sa maisubo ang karne

"trisha tama na yan itigil mo na ang kabaliwan mo" sigaw ko sa kanya

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon