chapter 54

154 2 0
                                    

Gem's POV

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata

Tanging puting kulay lamang sa loob ng silid ang makikita

"anak gising kana pala" agad na sabi ni mama sa akin halatang pagod at puyat ang makikita sa kanyang mukha

"may gusto ka bang kainin bibilhin ko" sabi niya pa

"saglit lang bibili ako hintayin mo ako" ulit niyang sabi habang kumukuha ng pera sa pitaka niya

Gusto kong sabihin na huwag na siyang umalis na dito lamang siya sa tabi ko dahil natatakot ako

Sobrang natatakot ako

Tanging pagtitig lamang sa kanyang likod ang nagawa ko hanggang sa tuluyan na siyang lumabas sa silid

Nanginginig kong mga kamay at pagbaluktot lamang sa ilalim ng kunot ang nagawa ko

Makalipas ang ilang minuto naramdaman kong nagbukas ang pinto

"mama" mahina kong sambit

"ohh sorry gem wala pa ang mama mo magkwentuhan muna tayo" nakangisi niyang sabi sakin at derederetsong naupo sa mahabang upuan sa loob ng silid

Ang mga ngisi at boses niya hindi hindi ko makakalimutan

Mahigpit kong hinawakan ang kumot na parang mapoprotektahan ako

"bakit parang nawala ang tapang mo nasaan na ang Gem na kilala ko" sabi niya pa

"alam ko hindi naman ikaw ang pinutulan ko ng dila bakit hindi ka makapagsalita" tumatawa niyang sabi sakin habang kummportable siyang nakaupo

Ang takot ko ang siyang lalong nagpakabog sa aking dibdib

"i-ikaw umalis ka-kana" lumuluha kong sambit

Ayaw ko ng maranasan pa ang ang pagpapahirap niya sa akin

Baka hindi ko na kayanin pa

"don't cry gusto kolang naman makipagkwentuhan katulad ng madalas nating ginagawa" sagot niya habang papalapit sa pwesto ko

"pa-parang awa mo na ti-tigilan mo na ako" sabi ko habang patuloy ang pagagos ng aking luha

"ssshhh gusto kong makipaglaro" malademonyo niyang ngisi sakin habang pinapahid niya ang aking mga luha

"ayaw ko" titig kong sabi sakanya

"ayaw at sa gusto mo wala kang magagawa Gem this is my game at kayo ang mga laruan ko" sagot niya habang dinidiinan niya ang kanyang mga daliri sa aking mukha

Sa paglapat ng kanyang mga kamay sa aking balat lahat ng nangyari lahat ng alaala na pilit kong kinakalimutan ay bumalik ..

Flashback

Hayss ano kaya ang magandang ballpen tanong ko sa isipan ko habang tinititigan ang hawak kong mga ballpen makalipas ang limang minuto nakapagdecide na ako kinuha ko nalang lahat ng ballpen na hawak ko at nagbayad sa counter

Nang matapos ang pagbabayad ko
Naramdaman ko naman na nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa

"bess napatawag ka" tanong ko kay jade ano kayang problema nito

"nasaan ka" tanong niya

"nasa national bookstore ako bess eh bumibili ng ballpen..bakit" sagot ko naman sa kanya minsan talaga ang matatalino mga weird haynaku

"wala lang" sagot naman niya oh diba wierd napapailing nalang ako

"may ipapabili kaba" tanong ko naman sa kanya

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon