chapter 32

606 15 0
                                    

Jade's Pov

Masaya talagang maglakad kapag umaga..

Tahimik na palagid ..

Huni ng mga ibon..

At ang sariwang hangin na dumadampi sa balat ko...

Kahit naman puno na ng air polution ang pilipinas ang sarap parin langhapin ng hangin dito lalo na sa umaga...

Kailangan ko ngayon ng peace of mind...

Napangiti nalang ako habang naglalakad papuntang school...

Ito na ang araw ng pinakahihintay nang lahat...

Ang Foundation Day ..

Ayaw ko munang mastress sa araw na ito ...

Pagpasok ko sa malaking gate ng school  namin tumambad sa  harapan ko ang mga estudyanteng hindi mapakali dahil sa sobrang excited....

Parang may fiesta sa loob ng school ...

May mga makukulay na banderitas na nakasabit sa mga daan...

Tapos may nakasabit na malaking tarpaulin na may nakasulat na ..

Foundation day ....

Mamaya pang 8:30 am magsisimula ang program kaya talaga nakakaexcite at meron paring mga estudyanteng nagpeprepare ng kanilang mga booth ...

Naglakad na ako papuntang room namin ...

Gusto ko ring silipin yung nagawa naming booth ....

Pagdating ko napanganga nalang ako ...

Ang ganda ...

My 10 center table na may nakapatong na bulaklak at may nakasaping puting tela na may design..yung tinatawag na table clothing tapos tinupi yung tela sa gilid para magmukhang bulaklak basta ganun ...

Basta ang ganda at maaamoy morin sa loob ang matatamis na dessert at naghahalong aroma ng kape na ginawa ng mga kaklase ko ...

Ang aliwalas tingnan ng resto cafe na ito ...

"Ano tatanga ka nalang ba diyan"

Napatigil naman ako sa pagmumuni muni ko sa palagid ..nang marinig kong magsalita ang taong kinaiinisan ko sa aking likuran ...

Paglingon ko napanganga na naman ako ...

Ang gwapo ...

"Ano tititigan mo na lang ba ako"

Napaiwas agad ako ng tingin...

Sino ba naman ang hindi mapapatitig sa lalaking kaharap ko ..
Nakasuot lang naman siya ng tinahi naming butler suit tapos nagpadagdag pa ng kanyang kagwapuhan ay yung buhok niyang magulo...

Tama na nga ang papuri sa christ na ito ....

Inirapan ko na lang siya ...

Hindi ko parin malilimutan ang ginawa niya nung isang gabi sa bahay...

Gusto ninyo ba ikwento ko ...

Flash back

"Aahhhhhh" sigaw naming lima sa loob ng kwarto ng makita namin ang matandang babae at batang lalaki na may hawak na kandila habang nakangisi sa amin ....

"Ayaw ko na"
"Mommy"
"Mama"
Yan lang naman ang mga sigaw namin habang papalapit ang bata at babaeng matanda na may dalang kandila sa amin...

Kaya napaupo nalang ako dahil sa sobrang pangangatog ng tuhod ko at naubusan ata ako ng lakas dahil sa takot ...

"Lumayo kayo sa akin please" mangiyak ngiyak kong pagmamakaawa sa kanila..

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon