Chapter 2

84 6 0
                                    

Nakalipas na ang isang linggo at parang bumabalik na naman sa pagiging masungit 'tong si Lucas, grabe gutom ata 'to. Mabuti na lang hindi na ako gossip of the day ng mga chismosa na 'to. Because of what happen nung first day ko; ako naging topic nila

 Pagkapasok ko ng Math wala sya dun. Di ko alam kung bakit parang na-miss ko sya. Natapos na ang Math naka frown pa rin ako 

Asan na kaya sya?

Pagpunta ko sa locker ko, bigla akong nilapitan ng mga maldita sa school namin

"New student ka di ba?" sabi ng isa sa kanila

Tumango ako habang kinukuha ko ang mga gamit ko

"Papaalalahanin lang kita. Sa'kin lang si Lucas, gets mo?"

Pagkatingin ko sa kanya. What the hell! si Matilda "So, LQ kayo nung first day, ganern?" sabi ko sa kanya, sinirado ko yung locker ko at umalis na'ko

Bigla nyang hinawakan yung wrist ko

"Pwede ba wag mo syang landiin!!" sigaw niya sa'kin

Bulungan na naman ang naganap, kung saan tinigilan na ako ng gossip, babalik at babalik pa rin talaga

Hinatak ko sa kanya yung yung wrist ko "Una sa lahat, hindi ko sya nilalandi at kailan ka naman nakakita ng tao nakipaglandian sa halos gusto mo ng batuhan ng libro sa pagiging spoiler. Kung boyfriend mo nga sya--- anong pakialam ko? Edi puntahan mo kung nasan man sya" sabi ko sa kanya

Umalis na rin ako sa kanila at pumunta na sa clinic para dito sa swollen wrist ko

Piste!! Sa lahat pa talaga ng tao--- sya pa ang nambwisit sa araw ko

Pagdating ng lunch bumili na ako ng foods ko at pumunta na sa table ko

Nakita ko na naman sina Matilda, nakaupo pa sila sa table ko

Napaka-angas ng mga lapastangang 'to

Humanap na lang ako ng iba pang vacant table--- pero nga-nga, wla akong nahanap, nilagay ko na lang iyon sa sealed plastic bags ko, parang si bhes lang noh? Dumiretso na lang ako sa field

Habang papunta ako doon may narinig akong piano na tumutugtog

Hala haunted na yung school ... 

Binuksan ko yung door at may nakita ako na figure sa may piano, nakaupo. Hindi ko sya mamukhaan dahil sa dilim ng music room

Lumapit ako at lumakas ng lumakas ang tunog ng piano. Sa spot ko, nakikita ko na lalaki sya dahil sa haircut at outfit nya  

Biglang tumunog yung sapatos ko. Nagulat siya at napahinto

"Olivia?" sabi ng isang familiar voice

"Lucas?"

"Anong ginagawa mo dito? You should be having lunch"

"Wala na kasing vacant table, balak ko sana pumunta sa field, kaso ang ang ganda ng narinig ko eh"

"Could you keep this a secret?" tanong nya habang nakatingin sa baba

"Alin? Ang pag-play mo ng piano?" tumango sya

"Bakit? Ang ganda kaya. Ako, ang alam ko lang na piece ay yung happy birthday, itsy-bitsy, yung mga pambata" he chuckles

"Seryoso ka?" tanong nya in disbelief

"Tinuruan lang ako nung bata pa ako kaso nung lumaki ako, wala, hindi na ako naturuan ng ibang piece"

"Gusto mo turuan kita?" tanong niya

"Really?"

He pat the seat beside him

"Hindi ka pa nga pala kumakain noh? Ito oh, kahit apple man lang bago mo 'ko turuan" binigay ko sa kanya yung apple 

"Ano nangyari dyan?" tanong nya habang nakatingin sa wrist ko

"Wala katangahan lang, alam mo na hindi naman yun maiiwasan" I lied to him

Ayoko naman siraan yung girlfriend nya dahil nagseselos lang yun

"Okay" sabi nya, kinuha nya yung apple at kinagat ito

Ang hirap pala sa pakiramdam ang magsinungalin

"I know your lying. I just don't know why" sabi nya 

"Bukas na lang, wala ako sa mood" Tumayo sya at kinuha yung bag nya sabay umalis

----------

Please don't forget to press vote ☆  

AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon