Chapter 8

40 2 0
                                    

Ang sarap kasama sina Aj, Vincent at Lucas. Lagi silang nagpapatawa at kahit tapos na ang pagiging personal maid ko, sinasama pa rin nila ako sa mga hangout-hangout nila

"Oh Aj, bakit parang hindi maipinta yang pagmumukha mo?" tanong ko

Nag-sigh sya "Pinaiyak na naman kasi ng isang gago si Alyssa"

"Ayun ba?" tinuro ko sa babaeng medyo malayo sa table namin

"Paano mo sya kilala?"

"Classmate ko sya sa American literature and Culture" He sigh

"Lilipas din yan"

"Hindi mo naiintindihan Olivia, kung makikita mo yung mahal mo na umiiyak sa tingin mo matutuwa ka?"

"Ewan, hindi ko pa naman nararanasan yun eh"

"Weh? di nga? kahit crush?" I shook my head no

"Si crush kasi parang character sa Wattpad, he doesn't exist"

"Taray mo naman Olivia" sabat naman ni Vincent

"Tigilan nyo na nga yang bad vibes nyo guys nahahawaan tuloy ako" reklamo naman ni Lucas

"Che!" sabi ko

Ano nga ba ang feeling kapag nakita kong umiiyak ang mahal ko? Sabagay, hindi pa naman ako nai-in love. Nakakainis kasi ang mga writer sa wattpad, lahat ng ginawa ang gaganda. Charot. Sa inyo na ang korona. Joke

----------

Grabe ihing-ihi na talaga ako. Tumakbo tuloy ako sa hallway. Pagkatapos kong umihi lumabas ako sa cubicle at naghugas ng kamay. May pumasok na babaeng pinaka-ayaw ko pa namang makita

"Diba tapos na trabaho mo? Bakit mo pa rin nilalandi si Lucas?" di ko sya pinansin

"Diba sinabi ko na sa'yo na layuan mo si Lucas?" di ko na talaga kinaya ang pananalita nya kaya sinabat ko na rin sya

"Una sa lahat, kaibigan ko si Lucas. Pangalawa kung meron man sa'ting dalawa ang lumalandi sa kanya, ikaw yun. Hindi mo sya boyfriend pero binabanta mo lahat ng mga nagiging kaibigan nyang babae, kaya wala rin tumagal ni isa sa kanila"

Mulang-mula na ang pagmumukha ni Matilda. Sasampalin nya na sana ako kaso may humawak sa braso nya

"Tama na Matilda"

Bwisit na bwisit syang lumabas ng restroom at padabog nyang sinira yung pintuan

"Okay ka lang?" tanong nya

"S-salamat. Olivia" nagpakilala ako

"Alyssa, di ba classmate kita sa American literature and culture?" I nodded

"Gusto mo bang sumabay sa 'kin mag-lunch?" tanong ko

"Baka kasi magalit besties ko eh"

"Sama natin sila. Marami namang space"

"Talaga?"

"Oo. Ano, okay lang sa'yo?"

"Tara"

Nagulat sina Lucas nang makita nila na kasama ko si Alyssa at ang dalawa nyang besties

"Huy! Okay lang kayo?" tanong ko

"Anong trip mo?" bulong nya

"Secret" bulong ko din

"Ano binubulong-bulong nyo dyan" tanong ni Alyssa

"Wala, ang cute ko" tumawa silang lahat maliban kay Aj na mukhang kinakabahan dahil katabi nya si Alyssa

"Guys si Alyssa nga pala, tinulungan ako kanina"

"Tinulungan saan?" tanong ni Lucas

"Pinigilan ko lang naman si Matilda na sampalin sya" sagot ni Alyssa

"Bitch!" napasigaw si Lucas

"Sorry" sabi nya sabay tinakpan nya mukha nya

"Ayos lang" sabi ko

"Uy Aj, ikaw naman manlibre" sabi ko

"Ha?" 

"Sama mo na rin si Alyssa"

 "Luh! wala akong pera" reklamo nya

"Oh heto" inabutan ni Lucas si Aj ng pera

"Bilis! gutom na kami" reklamo ko

Hindi na nakaimik si Aj at tumayo na sya kasama si Alyssa

Siniko ako ni Lucas at nag "anong ginagawa mo?" look sya

Nginitian ko lang sya

"Ako nga pala si Riley"

"Ako naman si Jane"

Nagpakilala rin kami

Pagdating nila Aj, halatang-halata na kinikilig siya. Ngitian ko sya at parang nag-blush ata sya dahil nahuli ko syang kinikilig

----------

Tumakbo papunta sa'kin si Aj at niyakap nya 'ko

"Thank you, thank you talaga, Olivia" sabay kumalas sya sa yakap

"Wala yun"

"I owe you"

"Ano ka ba, what are friends for?"

"Basta maraming- maraming thank you pa rin talaga dahil sa ginawa mo"

"How about ihatid mo sya pauwi?"

"Oo nga 'noh? sige hanapin ko na sya, bye" sabay hinanap nya si Alyssa

Pumunta ako ng library para manghiram ng ilang libro. Pagkababa ko ng 2nd floor, nakita ko sa may bintana sina Aj at Alyssa. Feeling ko tumanggi si Alyssa kasi naglakad na sya papalayo kay Aj at nakita ko ang dissapointed face ni Aj

"Crush ba ni Aj si Alyssa?" tanong ng katabi ko

"Oo eh kaso---" napatakip ako ng bibig at bigla akong napalingon, nagulat ako ng nakita ko si Riley

"Seryoso ka?" di ako nag-reply

"OMG! Seryoso ka nga!"

"Please, don't tell Alyssa about this. Magagalit talaga sa'kin si Aj"

"Don't worry, hindi ko sasabihin sa kanya"

Nag-goodbye at umalis na ako  

----------

Please don't forget to press vote ☆

AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon