Inabot na rin ng dalawang linggo ang pagiging friendly ni Regan--- kaya ayun, kinaibigan ko na rin sya
Ewan ko ba dun kay Lucas kung bakit parang napapa-mood swing na lang sya. Wala naman akong magagawa kundi masanay pero may mga times talaga na nakakainis na sya
"Aivilo, mukha kang puyat" sabi ni Lucas
"May eye bags ako?!" Napasigaw kong tanong
"Wala, pero parang matamlay ka"
"Hindi, okay lang ako"
"Sigurado ka?" I nodded
Hinawakan nya yung noo at leeg ko
"Aivilo! Ang hot mo!"
"Matagal ko nang alam na hot ako" biro ko
"Wait, Aivilo nagbibiro ka..."
"So? Bawal ba?" nagsimula na akong maglakad pero yung mga tuhod ko nanghihina at magco-collapse na sana ako sa sahig kung hindi dahil kay Lucas na ramdam ko pa rin ang arms nya na naka-wrap sa 'kin
"Olivia!" Yun ang huli kong narinig before darkness took over
----------
Pagkagising ko, nasa isang familiar bed ako
Teka, kama ko toh ah. Ang tagal ko pa lang na-unconscious
Narinig ko na may kumatok sa pintuan ko
Pinatuloy ko sya. Nagulat ako. Akala ko si Mama pero hindi
"Lucas?"
"Buti gising ka na" nilagay nya ang tray sa 'kin at umupo sa tabi ko
Natawa sya bigla
"Huy! Baliw ka na? Ba't ka tumatawa dyan?"
"For the first time narinig kitang magbiro. Sayang hindi ko na voice record"
"Baliw"
Hinawakan nya yung noo ko "Medyo bumaba na rin ang lagnat mo. Wag ka kasing masyadong nagpapa-pagod" sermon nya
Grabe ngayon ko lang nakita ang expression na galit pero dahil concern
Ewan ko ba. Parang bumilis na lang tibok ng puso ko. I just nodded. Baka may sabihin pa akong nakakahiya
"Anong oras na?" Tanong ko
"12 o' clock"
"Hindi ba dapat nasa school ka pa?"
"May sakit ka eh. Paano kita maiiwan?" Na dumbfounded ako sa sinabi nya
Hinawakan ko yung noo at leeg nya
"Bakit?"
"Alam ko ako yung masakit" natawa sya, talagang LOL kuya?
"Pangalawa mo na 'yan ah"
"Bakit kasi ang bait mo sa 'kin? Ngayong collage ka lang ata naging mabait sa 'kin. Dati, lagi mo na lang ako inaasar kahit wala naman akong ginagawa. Mga classmate naman natin puro mga baliw, kinikilig pa kung magkatabi tayo" Nginitian nya ako
"Kaya lang naman kita inaasar kasi wala ring pumapansin sa'yo, akala ko kasi kapag inasar kita may maglalakas loob na ipagtanggol ka kaso wala rin. Alam mo ba kung bakit puro SS ng SS sila sa 'tin? Kasi nung nag collape dahil may lagnat ka; ako yung nagdala sa'yo sa infirmary"
"Weh di nga, ikaw?" He nodded
"Peksman, mamatay man ako"
"Salamat talaga Lucas ah"
"Wala yun, sige kumain ka na afterwards matulog na rin"
Sya na ang nagpakain at nag-tuck in sa'kin sa bed
----------
Please don't forget to press vote ☆
BINABASA MO ANG
Always
Teen FictionOlivia Bautista fell in love with Lucas Bautista, a very handsome young man. Masaya naman ang naging relationship nila even though may jealousy at tampuhan syempre nornal naman iyon. Nasubukan ang kanilang relasyon nang magka-amnesia si Olivia and...