Chapter 14

32 2 0
                                    

Two weeks ko na silang iniiwasan. Ang lonely nga eh.

Dati sanay naman ako na mag-isa. Siguro hindi ako nasanay kundi kinailangan ko masanay dahil wala namang gustong makipagkaibigan sa 'kin

Ngayon, hindi lang isa kundi anim sila na nagpapasaya sa 'kin maliban sa relatives ko

"Aivilo" tumibok na naman ang puso ko

Pagkatingin ko sa mukha nya, halos hindi ako makahinga, I froze

"Iniiwasan mo ba ako?"

"H-hindi"

"Weh? Kung hindi mo ako iniiwasan--- kailangan mong sumama sa 'min mamaya"

Tumango ako

"Ayos!!! Sunduin kita mamaya ha?"

Hindi ko sya maiwasan dahil makakahalata sya

Kinakabahan ako. For the first time, nagkaroon ako ng pake sa susuotin ko. Nag-apply pa ako ng makeup

"Olivia, andito na sundo mo"

Tumango ako

"Aba! Himala! Nag ayos ka. Sya ba yung kinuwento mo sa 'kin na----"

"Ma! Shhh....." tumawa si Mama

Pagkababa ko. Nagulat sa 'kin si Papa

"Honey, may ginawa bang masama si Olivia?"

"Pa, aalis na po kami" Nako sermon na naman ata ang maririnig ko kay Papa

"Saan pala tayo?" Tanong ko nung naka-upo na ako sa kotse nya

"Nakilimutan ko tawag dun eh. Pero pumupunta kami dun kapag trip lang namin"

Sa isang forest kami. Ang ganda ng surroundings. Parang nasa painting lang

Umupo kami malapit sa lake---hindi naman masyadong malayo sa sasakyan nya. Nagbato sya ng mga pebbles

He sighed "Ano ba talagang problema?" Tanong nya habang nakatingin sa lake

"Problema? Anong---"

"Diba sabi ko wala ng lihim-lihim?" he said angrily

"Its complicted"

"Nothing is complicated"

Hindi ko sya kinausap at nakita ko na naiinis na sya

Hinila nya ako papunta sa lake

"Lucas!!!!" sigaw ko

Niyakap ko sya ng todo-todo. Yung puso ko tumitibok ng sobra. Nanginginig na rin ako sa lamig ng tubig, pero nararamdaman ko pa rin ang init nya

"Hindi ka marunong lumangoy?" I shook my head no

He smirk. Lapit pa sya ng lapit sa malalim.

Nag-dive sya kasama ako. Nagpanic na ako at hinampas ko sya repeatedly

"Ano ba?!" Sigaw ko sa kanya

Tumawa lang sya at.... na iin love na naman ako

"Balik na tayo" sabi nya

Naglakad kami basang basa at ang peste pa dun; nagsimula ng umulan

"Bwisit!!!"

Sumilong kami sa isang malaking puno

"Bakit mo nga ba ako iniiwasan?"

"Next topic!"

"Hindi! bakit mo nga ba ako iniiwasan, may ginawa ba akong mali?"

Tinakbuhan ko sya. Hindi ko kayang sabihin sa kanya. Natatakot ako na maging awkward kami

Takbo lang ako ng takbo. Naririnig kong papalapit na sya kaya binilisan ko. Naabutan nya ako at hinawakan na ang braso ko

"Bakit ba?!" Sigaw nya

"Kasi ayoko!" Sigaw ko din

"Ayaw mo ang alin? Maging magkaibigan tayo?!"

"Oo! Pero mas ayaw ko ang nararamdaman ko sa'yo!" Nagsimula na akong umiyak pero salamat sa ulan hindi nya ito napapansin

"Ano?" Lumuwag ang kaninang mahigpit na paghawak nya sa'kin

"Ayoko na may nararamdaman ako sa'yo. Pagkatapos ni Zoe, ikaw pa lang ang nakipag-usap sa 'kin. Alam mo ba kung gaano ako kasaya ng dumami ang mga kaibigan ko? Feeling ko ako na ang pinakamaswerteng tao sa mundo

"Kung ipagpapatuloy ko pa itong feeling ko sa'yo magugulo na ang tropa. Magiging awkward na"

Tahimik lang sya. Before I knew it, his lips were already claiming mine

Nagaganap na naman ang slow motion. Ang mabilis na pagtibok ng puso ko

His kiss was intoxicating and addictive

"Lets go home" sabi nya

Basang basa ang mga upuan ng kotse nya pagka-upo namin

Nang makarating kami sa bahay ko, napaisip na naman ako

Ginawa nya ba yun para patigilin ako sa pag-iyak?

Hinalikan nya ba ako para hindi ako masaktan?

Haist....

Galit na galit si Mama kasi basang basa ako.

"Sorry na po ma"

"Maligo ka na dun baka magkasakit ka pa"

Sumunod ako at naligo

----------

Please don't forget to press vote ☆

AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon